Powered by Blogger.

Saturday, 13 October 2018

Pagpasok sa Tahanan ng Diyos


28th Sunday in Ordinary Time
14 October 2018


First reading                                                                  Wisdom 7:7-11

I prayed, and understanding was given me;
I called on God, and the spirit of wisdom came to me. I preferred her to sceptres and thrones,
and I accounted wealth as nothing in comparison with her. Neither did I liken to her any priceless gem,
because all gold is but a little sand in her sight,
and silver will be accounted as clay before her. I loved her more than health and beauty,
and I chose to have her rather than light,
because her radiance never ceases. All good things came to me along with her,
and in her hands uncounted wealth.
Second reading                                                     Hebrews 4:12-13

Indeed, the word of God is living and active, sharper than any two-edged sword, piercing until it divides soul from spirit, joints from marrow; it is able to judge the thoughts and intentions of the heart. And before him no creature is hidden, but all are naked and laid bare to the eyes of the one to whom we must render an account.

Gospel                                                                     
Mark 10:17-30

As Jesus was setting out on a journey, a man ran up and knelt before him, and asked him, “Good Teacher, what must I do to inherit eternal life?” Jesus said to him, “Why do you call me good? No one is good but God alone. You know the commandments: ‘You shall not murder; You shall not commit adultery; You shall not steal; You shall not bear false witness; You shall not defraud; Honor your father and mother.'”

He said to him, “Teacher, I have kept all these since my youth.” Jesus, looking at him, loved him and said, “You lack one thing; go, sell what you own, and give the money to the poor, and you will have treasure in heaven; then come, follow me.” When he heard this, he was shocked and went away grieving, for he had many possessions. Then Jesus looked around and said to his disciples, “How hard it will be for those who have wealth to enter the kingdom of God!” And the disciples were perplexed at these words. But Jesus said to them again, “Children, how hard it is to enter the kingdom of God! It is easier for a camel to go through the eye of a needle than for someone who is rich to enter the kingdom of God.” They were greatly astounded and said to one another, “Then who can be saved?” Jesus looked at them and said, “For mortals it is impossible, but not for God; for God all things are possible.”

Peter began to say to him, “Look, we have left everything and followed you.” Jesus said, “Truly I tell you, there is no one who has left house or brothers or sisters or mother or father or children or fields, for my sake and for the sake of the good news, who will not receive a hundredfold now in this age-houses, brothers and sisters, mothers and children, and fields with persecutions-and in the age to come eternal life.”

Reflection
By Nats Vibiesca

Si St. Francis of Assisi agad ang naiisip ko sa tuwing naririnig o nababasa ang Ebanghelyo tungkol sa mayamang lalaki na sinabihan ni Jesus na ipagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at ipamigay sa mahihirap ang pinagbentahan kung gusto niyang magkaroon ng kayamanan sa langit. Siyempre nalungkot ang lalaki dahil napakayaman niya.  Samantalang ang santong si Kiko, hubo’t hubad na lumakad sa kalsada (buti’t nakatalikod siya sa pelikula) dahil ipinamigay niya ang lahat ng kanyang kayamanan sa mga mahihirap, kaya nga galit na galit ang tatay niya, at pati ba naman balabal o anumang saplot niya’y ipinamigay rin. Pero ‘pag ginawa natin ngayon ang maghubo’t hubad sa kalsada kagaya ni Kiko, sasabihing baliw ka o kaya’y huhulihin ka ng mga pulis dahil exhibitionist ka. Pero teka? Ano nga ba’t kayhirap gayahin ang ginawa ng santong si Kiko? 

Pagkatapos kong maisip si St. Francis at mapagnilayan ang ginawa niyang sakripisyong pagtalikod sa karangyaan at saka sumunod kay Jesus, samu’t saring katanungan naman ang babagabag sa ‘kin. Halimbawa’y lahat ba ng mayaman ay mas mahihirapang makapasok sa Kaharian ng Diyos? Marami naman akong nakilalang mayayaman na talaga namang napakabuti at napakabanal. O, ibig sabihin ba’y ang lahat ng mahirap ay mas madaling makakapasok sa Kaharian ng Diyos? Pero marami rin namang mahirap na nalugmok na sa kasalanan at patuloy na tinatalikuran ang paanyaya ng Diyos sa kanila. 

Ano nga ba ang ibig sabihin ng “Makapasok sa Kaharian ng Diyos”? Hindi ba’t laging hangad ng Diyos na ang tao’y maging masaya? Kung kapiling ang Diyos, sigurado ang kasiyahan, hindi ba’t kasama sa Kaharian ng Diyos ang maging masaya tayo? Masama bang maging mayaman? Dahil kapag naging mayaman ay mahihirapan na nga bang makapasok sa Kaharian ng Diyos? Hindi na ba tayo dapat gumawa ng paraan para yumaman? Sino nga ba ang taong ayaw maging mayaman? Exempted na si St. Francis. Parang ayoko na tuloy tumaya sa lotto. Hangad ng Diyos na maging masaya tayo at kung nakukuha natin ang mga bagay na kailangan natin sa buhay nang hindi natatapakan ang ibang tao, hindi ba’t sobrang kasiyahan ang dulot nito? 

Ang suspetsa ko’y ang tinutukoy ni Jesus na mayayaman na mahihirapang makapasok sa Kaharian ng Diyos ay ang mga taong sobrang yaman na at nakukuha ang lahat ng pangangailangan at labis na luho sa buhay, pero sobrang ganid pa rin sa pagpapayaman sa pamamagitan ng pagwawalanghiya sa kanilang mga trabahador kung sila’y negosyante, na hindi ibinibigay ang tamang pagpapasweldo o tamang benepisyo sa mga tauhan o kaya’y sobrang magpatubo ng kanilang produkto at serbisyo kahit pa ang buong pamayanan ang magsakripisyo, silang mayayaman na walang pakialam sa kahirapan na nararanasan ng mga tao sa paligid nila, silang nilulustay nang todo-todo ang anumang yaman kahit masakripisyo ang ibang tao o maging kalikasan, sila ang mga kinain na ang prinsipyo at dangal para lang makamkam ang ari-arian ng iba, silang mayayaman na handang gawin ang lahat ng panloloko sa kapwa o kahit pa pumatay ng tao makuha lamang ang kapangyarihan sa bayan.   

Lumaki ako sa Tundo at nakasalamuha noon ang maraming isang-kahig-isang-tuka sa buhay. Madalas na naririnig ko noon sa kanila’y magsusumikap talaga sila sa paghahanapbuhay para makaahon sa buhay (hindi para yumaman) dahil gusto raw nilang tulungang maiangat din ang iba pang mahirap. Hindi nakapagtataka ito dahil naranasan namin kung papaano ang magdildil ng asin, naramdaman kung papaano masaktan sa pagkakataong kung minsa’y kahit asin at kanin ay walang-wala. Kaya nga laging buhay na buhay ang bayanihan sa lugar ng mahihirap; kapansin-pansin na likas na matulungin sila dahil lagi silang nakaalalay sa nangangailangan; kung minsa’y hindi na nga kailangan humingi pa ng tulong ang kapwa nila mahirap dahil napakasensitibo nila sa pangangailangan ng iba at kahit walang-wala’y siguradong gagawa ng paraan para makatulong; totoo ang pananampalataya nila sa Diyos kaya’t walang humpay ang pananalangin; karaniwan ang paghahangad ng kung ano lamang ang kailangan at hindi ganid sa pera para magkaroon ng anumang luho sa katawan; at kung naliligaw naman ng landas ay laging hinahanap ang paraan para makabalik sa tamang daan.  

Alam ni Jesus na hindi totoong tamad ang mga mahihirap. Laging nasa isip kasi nila ang makaahon sa buhay upang matulungan ang kapwa, ngunit kahit anong pagsusumikap nila ay hirap na hirap umasenso dahil nga sa kawalan ng oportunidad. Sa bansa nati’y laging ang mga makapangyarihang mayayaman na ganid sa pagkamkam ng anumang ikayayaman nila ang nagkokontrol ng oportunidad kahit pa gawing alipin ang mga manggagawa. 

Kahit pa nasasanay na sa mga pagtitiis ang mga mahirap, nakatuon pa rin sa kung papaano iraraos nang marangal ang isang araw, subalit anu’t anuman ang mangyari’y hindi nakalilimutang ialay sa Diyos ang anumang dagok ng buhay, sapagkat ang paniniwala nila’y anumang lakas at pag-asa upang lumaban sa hirap ay biyayang galing din sa Panginoon, at nakakasumpong naman talaga ng kaligayahan sa biyaya ng Diyos. Kaya’t nakita ko na maraming masayahing tao sa Tundo o kung saanmang mahihirap na komunidad. 


Ito nga talaga ang misteryo ng buhay, ang naghihikahos pa ang may napakataas na dignidad sa hanapbuhay at sila ang kadalasang nakakaranas ng tunay na kaligayahan sa buhay.  Ang pagbibigay ng tunay na kaligayahan sa mga mahihirap ang rebelasyon ng Diyos sa atin sa Ebanghelyo, dahil walang hanggang ang Kanyang awa, ang pinakamaliit na nilalang ang Kanyang laging kinakalinga. Mahirap sigurong maunawaan ito ng mga mayayaman kung nakatuon na lamang sa pagpapanatili o pagpapayaman pa lalo ng anumang bagay sa mundo kahit pa natatapakan na ang ibang tao. Kung magmagandang loob naman at maisip na mamahagi rin ng kayamanan sa mahihirap, ano’ng silbi ng pamimigay ng kayamanan, kung hindi naman sila susunod kay Jesus at mananatili lamang sa buktot na gawain? Ang panawagan ni Jesus sa Ebanghelyo ay huwag nating kalimutan ang mga maralita, ibigay natin ang lahat ng ating makakaya upang matulungan ang mga nangangailangan. Pagkatapos ay talikuran na ang anumang kasamaan at ituon nating lagi ang pansin sa pagsunod sa Kanya. 

Ang mensahe ni Jesus ay babala at grasya rin hindi lang sa mga mahihirap kundi upang bigyang pagkakataon din ang mga mayayamang nakaligtaan na ang maliliit nilang kapwa at ang pagsunod sa Diyos.  

Prayer


O butihing Ama sa langit, maraming salamat sa lahat ng mga biyaya at pagkakataong ibinibigay Mo sa amin upang kami ay makatulong sa aming kapwa. Nawa’y patuloy kaming magkaroon ng kakayahan at pagkakataon na makapagbahagi ng Iyong pagmamahal sa aming kapwa sa ngalan ni Jesus. Amen.

Followers

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP