Thirteenth Sunday in Ordinary Time
02 July 2017
First reading 2 Kings 4:8-11,13-16 |
---|
One day as Elisha was on his way to Shunem, a woman of rank who lived there pressed him to stay and eat there. After this he always broke his journey for a meal when he passed that way. She said to her husband, ‘Look, I am sure the man wno is constantly passing our way must be a holy man of God. Let us build him a small room on the roof, and put him a bed in it, and a table and chair and lamp; whenever he comes to us he can rest there.’ One day when he came, he retired to the upper room and lay down. He said to his servant Gehazi, ‘Call our Shunammitess. Tell her this: “Look, you have gone to all this trouble for us, what can we do for you? Is there anything you would like said for you to the king or to the commander of the army?”’ But she replied, ‘I live with my own people about me.’ ‘What can be done for her then?’ he asked. Gehazi answered, ‘Well, she has no son and her husband is old.’ Elisha said, ‘Call her.’ The servant called her and she stood at the door. This time next year,’ he said ‘you will hold a son in your arms.’
Responsorial Psalm |
---|
Psalm 88(89):2-3,16-19 |
Second reading Romans 6:3-4,8-11 |
---|
When we were baptised in Christ Jesus we were baptised in his death; in other words, when we were baptised we went into the tomb with him and joined him in death, so that as Christ was raised from the dead by the Father’s glory, we too might live a new life.
But we believe that having died with Christ we shall return to life with him: Christ, as we know, having been raised from the dead will never die again. Death has no power over him any more. When he died, he died, once for all, to sin, so his life now is life with God; and in that way, you too must consider yourselves to be dead to sin but alive for God in Christ Jesus.
But we believe that having died with Christ we shall return to life with him: Christ, as we know, having been raised from the dead will never die again. Death has no power over him any more. When he died, he died, once for all, to sin, so his life now is life with God; and in that way, you too must consider yourselves to be dead to sin but alive for God in Christ Jesus.
Gospel Acclamation Alleluia, alleluia!
Open our heart, O Lord,
to accept the words of your Son.
Alleluia!
|
---|
Gospel | Matthew 10:37-42 |
---|
Jesus instructed the Twelve as follows: ‘Anyone who prefers father or mother to me is not worthy of me. Anyone who prefers son or daughter to me is not worthy of me. Anyone who does not take his cross and follow in my footsteps is not worthy of me. Anyone who finds his life will lose it; anyone who loses his life for my sake will find it.
‘Anyone who welcomes you welcomes me; and those who welcome me welcome the one who sent me.
‘Anyone who welcomes a prophet will have a prophet’s reward; and anyone who welcomes a holy man will have a holy man’s reward.
‘If anyone gives so much as a cup of cold water to one of these little ones because he is a disciple, then I tell you solemnly, he will most certainly not lose his reward.’
‘Anyone who welcomes you welcomes me; and those who welcome me welcome the one who sent me.
‘Anyone who welcomes a prophet will have a prophet’s reward; and anyone who welcomes a holy man will have a holy man’s reward.
‘If anyone gives so much as a cup of cold water to one of these little ones because he is a disciple, then I tell you solemnly, he will most certainly not lose his reward.’
Reflection
by Nats Vibiesca
Kalilipat ko lang ng opisina. Inuna kong linisin at ayusin ang aking bagong kwarto. Bukod dito, sinigurado kong may nakahandang kape at biskwit para may maiaalok ako kung sakaling may bumisita. Hindi ba’t lagi tayong naghahanda kahit papaano para sa bisita? Maging sa tahanan nati’y lagi’t laging nandoon ang kagustuhang mapasaya ang sinumang tatanggaping bisita. Kaya nga sinasabing ang pagiging hospitable ay ang isa sa pinakamagandang ugali natin. Eh, bakit nga ba napaka-hospitable nating mga Filipino? Parang natural lang sa ating pagkatao ang magiliw na pagtanggap sa kapwa.
Noong nagsasaliksik ako tungkol sa kultura ng mga taga-Cordillera, partikular sa Kalinga, napansin ko na kape rin ang unang iniaalok sa mga bisita. At kahit hirap magsalita ng Tagalog, pipilitin nilang makipag-usap para estimahin nang mabuti ang bisita. Kaya’t kadalasang Ingles ang gamit nila kung hindi marunong mag-Tagalog. Ang pinakamahuhusay na buto ng kape ang itinatabi nila at hindi ipinagbibili, ito’y upang magamit ng kanilang pamilya at ng mga bisita.
Nang nakapunta naman ako sa Palawan, walang humpay din ang pag-asikaso nila sa mga bisita. Papaano’y sa paliparan pa lang ay masayang sinalubong agad kami ng mga tumanggap sa amin. Dalawang taon na ang nakalipas nang maranasan ko ang kakaibang pagtanggap ng mga kapatid nating Muslim na mga taga-Marawi sa aming mga Kristiyano bilang bisita nila. Ang sabi ko nga sa FB post ko ilang araw pagkatapos pumutok ang kaguluhan sa Marawi: Higit sa tanawin, nagulat kami sa pambihirang pag-asikaso sa amin ng mga taga-Marawi, walang ibang akmang salita para sa kanila kundi mababait at masayahin habang buhos kung umistima ng bisita. Napawi ang bahid ng takot sa amin nang maramdaman namin ang sinsero’t tapat na pagtanggap nila sa amin at payapa kaming nakisalamuha sa kanila. Ito marahil ang dahilan kung bakit napaka-hospitable natin: laging nararamdaman ang kapayapaan sa tuwing magiliw tayong tumatanggap ng bisita.
Ngunit kung hindi naman kapayapaan ang dala ng bisita, malamang na mahirap silang tanggapin at patuluyin sa ating tahanan. Hindi nga ba’t walang nakakapasok na Kastilang mananakop noon sa mga tribu sa Cordillera o maging sa pamayanan ng mga Moro sa Mindanao? Ang mga Amerikanong misyonero’t relihiyoso na ang tinanggap ng mga taga-tribu dahil ang dala nilang pananampalataya kay Jesus ay nagdudulot ng kapayapaan, at saka lamang sila nakapagpahayag ng ebanghelyo.
Ang pagtanggap kay Jesus ay hindi lang nangangahulugan ng pagtanggap ng mga biyayang masaya o mapayapang kalagayan, sapagka’t maging ang bagabag sa buhay, kalungkutan o mga suliranin ay bahagi rin ng pananampalataya. Kadalasan nga’y kaakibat ng pagtanggap kay Jesus ang mga pagsubok sa buhay na kalauna’y biyaya pa rin para pala na ating ikabubuti.
Kung matibay ang pananampalataya sa Diyos, umuusbong naman ang pag-asa na dulot rin ng pagtanggap. Kung tinatanggap natin si Jesus, niyayakap din natin ang pag-asa na Kanyang handog bilang bisita nga natin. Kaya nga kung minsan kapag may mga estudiyante akong laging lumiliban sa klase dahil problemado sa pera, madalas na walang pamasahe o hindi makakain dahil walang baon, inuunawa ko na lang at tinatanggap pa rin sa klase upang mabigyang pag-asa. Ang madalas kong sabihin sa kanila’y kung ako nga’y nakapagtiyaga kahit mahigit dalawang dekada bago naka-graduate sa kolehiyo dahil wala rin kaming pera noon, pero hindi ako nawalan ng pag-asa kaya’t duktor na ako ngayon, kayo pa kaya.
Kung anuman ang maitutulong ay kailangang gawin upang makintal sa kanila ang pag-asa. Kung tinanggap mo ‘yung tao, kailanga’y handa mo siyang tulungan hangga’t makakaya mo. Kung mayroon kang maitutulong o kahit pa nga walang-wala ka na, kung minsan inuuna mo pa ang pagtulong. Pag-ibig na nga ang tawag doon kung hindi ang sariling kapakanan ang inuuna bagkus, ang pangangailangan muna ng kapwa ang iniintindi. Tulad ng pagtanggap sa kanila at pagpapadama ng pagtulong, asahang ganoon din ang kanilang gagawin sa iba namang nangangailangan balang-araw. Hindi nga natatapos ang pag-ibig sa simpleng pagtanggap. Hindi ba’t kaysarap tanggapin ng mga nangangailangan ng tulong dahil laging paglaganap ng pag-ibig ang kahulugan nito?
Kung mabait, matuwid, matapat, at mapagmahal na disipulo ng Diyos ang ating bisita’y walang kaabog-abog na tatanggapin agad natin. Ngunit madalas na mahirap tanggapin ang iba’t ibang tao, palibhasa’y iba’t ibang ugali. Kayhirap tanggapin lalo na ‘yung mga masungit, ‘yung mga taong laging parang sinakluban ng mundo dahil may bagaheng dinadala, maging mga boss na lagi kang binubulyawan, ang mga nagwawalang drayber sa kalsada, ang mga balasubas na kapitbahay, mga adik na ka-baranggay, mga palaboy sa kalsada, kahit sa loob ng pamilya’y mayroon din itim na tupa. Sila ang nakakasalamuha natin sa araw-araw, mga taong kinapitan na ng samu’t saring taliptip sa bangka sa kanilang paglalakbay at bigat na bigat na nga sa pagpasan kaya’t halos ipasa na sa atin ang mga ito kung sila’y bumibisita. Ang mga taong may mabigat na suliranin o sinumang nangangailangan ng tulong, higit sa lahat ang mga lingkod ng Diyos, ang siyang mukha ng ating Panginoong Jesus. Sa madaling salita, kung minamahal natin ang kapwa nati’y minamahal nga nating tunay ang Panginoong Diyos.
Prayer
Panginoon, nawa’y ang pagtanggap namin sa Iyo ang magbigay daan sa pagtanggap namin sa aming kapwa nang may pagmamahal, pang-unawa, pagpapatawad, at pag-aaruga na walang sinisino, kaibigan man o kaaway, mabait man o makasalanan, mahirap man o mayaman para sa ikaluluwalhati ng Iyong Pangalan. Amen
Very inspiring reflection Sir Nats. We miss you.
ReplyDelete