Seventeenth Sunday in Ordinary Time
30 July 2017
First reading 1 Kings 3:5,7-12 |
---|
The Lord appeared to Solomon in a dream and said, ‘Ask what you would like me to give you.’ Solomon replied, ‘O Lord my God, you have made your servant king in succession to David my father. But I am a very young man, unskilled in leadership. Your servant finds himself in the midst of this people of yours that you have chosen, a people so many its number cannot be counted or reckoned. Give your servant a heart to understand how to discern between good and evil, for who could govern this people of yours that is so great?’ It pleased the Lord that Solomon should have asked for this. ‘Since you have asked for this’ the Lord said ‘and not asked for long life for yourself or riches or the lives of your enemies, but have asked for a discerning judgement for yourself, here and now I do what you ask. I give you a heart wise and shrewd as none before you has had and none will have after you.’
Responsorial Psalm | ||
---|---|---|
Psalm 118(119):57,72,76-77,127-130
|
We know that by turning everything to their good, God co-operates with all those who love him, with all those he has called according to his purpose. They are the ones he chose specially long ago and intended to become true images of his Son, so that his Son might be the eldest of many brothers. He called those he intended for this; those he called he justified, and with those he justified he shared his glory.
Gospel Acclamation
Alleluia, alleluia!
I call you friends, says the Lord,
because I have made known to you everything I have learnt from my Father.
Alleluia!
|
---|
Gospel | Matthew 13:44-52 |
---|
Jesus said to the crowds, ‘The kingdom of heaven is like treasure hidden in a field which someone has found; he hides it again, goes off happy, sells everything he owns and buys the field.
‘Again, the kingdom of heaven is like a merchant looking for fine pearls; when he finds one of great value he goes and sells everything he owns and buys it.
‘Again, the kingdom of heaven is like a dragnet cast into the sea that brings in a haul of all kinds. When it is full, the fishermen haul it ashore; then, sitting down, they collect the good ones in a basket and throw away those that are no use. This is how it will be at the end of time: the angels will appear and separate the wicked from the just to throw them into the blazing furnace where there will be weeping and grinding of teeth.
‘Have you understood all this?’ They said, ‘Yes.’ And he said to them, ‘Well then, every scribe who becomes a disciple of the kingdom of heaven is like a householder who brings out from his storeroom things both new and old.’
‘Again, the kingdom of heaven is like a merchant looking for fine pearls; when he finds one of great value he goes and sells everything he owns and buys it.
‘Again, the kingdom of heaven is like a dragnet cast into the sea that brings in a haul of all kinds. When it is full, the fishermen haul it ashore; then, sitting down, they collect the good ones in a basket and throw away those that are no use. This is how it will be at the end of time: the angels will appear and separate the wicked from the just to throw them into the blazing furnace where there will be weeping and grinding of teeth.
‘Have you understood all this?’ They said, ‘Yes.’ And he said to them, ‘Well then, every scribe who becomes a disciple of the kingdom of heaven is like a householder who brings out from his storeroom things both new and old.’
Reflection
by Nats Vibiesca
Tatlong maiikling kwento na naman ang nakapaloob sa
ebanghelyo ngayon, pero kahit maikli lang ang bawat kwento’y napapalooban naman
ito ng kayamanang hindi mauubos. Ang kayamanang tinutukoy ni Jesus sa kanyang
mga kwento’y hindi tulad ng kayamanan sa lupa na ating pinapangarap o lagi
nating pinagbubuhusan ng atensiyon, oras at lakas para lamang makamit ang mga
ito. Sino bang hindi nangangarap na magkaroon ng kayamanang tulad ng malaking
bahay, magandang kotse, matagumpay na negosyo, maraming pera at makamit nga ang
lahat ng luho sa buhay? Mapasaatin man ang lahat ng karangyaan ng mundo’y hindi
pa rin magiging sapat ito upang maging ganap ang ating kasiyahan dahil
siguradong ang kayamanan ng mundo ay maglalaho lamang balang araw o manatili
man ito sa ating poder, hindi naman natin maitatawid ang mga ito sa kabilang
buhay.
Masama bang maghangad ng kayamanan sa mundo? Siyempre hindi,
lalo na kung nasa puso naman ng tao ang pagtulong sa kapwa na nangangailangan.
Nagpapayaman ang tao hindi para sa sarili lamang kundi upang mas marami pa
siyang taong matutulungan. Pero, teka muna! Hindi nga ang kayamanan ng mundo
ang tinutukoy ni Jesus sa kanyang maiikling kwento. Medyo mahirap mahanap ang
kayamanang ito dahil nga nakatago raw ‘yon ayon sa unang kwento, at sa bukid pa
man din itinago, hindi ko lang alam kung ilang ektarya ng bukid ‘yun. At
sino’ng hindi matutuwa kung sa lawak ng bukirin at tanging ikaw pa ang
maswerteng nakahanap nito? Aba’y natural na maibebenta mo nga ang lahat ng
ari-arian mo para lang mabili ang bukid na iyon (tandaan na ikaw lang ang
nakakaalam ng natuklasang kayamanan doon). Halos katulad din ito ng
negosyanteng naghahanap ng perlas at nakatagpo nga siya ng napakahalagang
perlas. Ganoon din ang kanyang ginawa tulad ng naunang nakatagpo ng kayamanan
sa bukid. Kapag nangyari rin sa atin ito, siguradong hindi tayo mapapakali,
mababalisa tayo, masisira ang mga schedules natin, at maaabala ang
pang-araw-araw na gawain natin. Pero mas pipiliin natin na magsakripisyo, kahit
pa masira ang araw na nakasanayan na natin, mas kikilos tayo at itataya ang
lahat para sa kayamanang magpapaligaya sa atin, at tuluyang babaguhin ang buhay
natin ng kagustuhan nating makuha nga ang natuklasan kayamanang iyon. Kung
magkaganon man, higit na maniniguro tayo na hindi natin pakakawalan pa sa ating
piling ang kayamang ito.
Ano nga ba ang kayamanang nagpapasaya sa atin nang higit sa
anupamang bagay na ayaw nating mawala pa sa ating piling? Hindi ba ang sarili
nating pamilya? Ginagawa nga natin ang lahat, itinataya nga natin ang lahat,
pinagsusumikapan natin ang lahat, at ipinapanalangin natin ang lahat para sa
natatangi nating kayamanan—ang ating pamilya.
Kahit dumaan pa sa napakaraming pagsubok ang ating pamilya’y hindi tayo
dapat mapagod, hindi tayo dapat manghinawa, hindi tayo dapat mawalan ng
pag-asa, dahil nga ito ang natuklasan nating napakahalagang kayamanan ng ating
buhay. Ngunit higit pa sa pamilya’y lagi nating hinahanap at ating natagpuan
din ang walang hanggang kayamanan na hindi mauubos kailaman—ito ang pag-ibig ng
Diyos sa atin. Ang bunga ng pag-ibig ng Diyos sa atin at ang pag-ibig natin sa
Diyos ay pag-ibig naman natin sa ating kapwa. At sino nga ba ang ating kapwa?
Dahil mag-uumapaw ang ating pag-ibig sa puso’y lalagpas pa sa pamilya ang ating
kapwa, madadama natin ang dapat na pagmalasakitan at mahaling tuna yang mga
taong higit na nangangailangan. Bagama’t may sarili rin naman tayong mga
pangangailangan sa buhay, para sa ating mga pamilya’y nanaisin n gating puso na
laging tumulong sa mga hirap sa buhay, sa mga naghihikahos sa buhay, sa mga
nangangailangan ng kalinga, sa mga nangangailangan ng kausap, sa mga taong
nawawalan ng pag-asa dahil ginugupo ng karamdaman, sa mga taong binabalot ng
lungkot dahil nagumon na sa masamang bisyo, sa mga taong patuloy na naghahanap
sa Diyos, kaydami ngang kapwa natin na nasa paligid na ngangailangan ng ating
malasakit.
At sa huli’y bahala na ang Diyos na siyang mag-utos sa
Kanyang mga anghel na maghiwalay ng mga mabubuting tao sa hindi, tulad ng sa
huling kwento ni Jesus na ang mga tao ang nagtipon ng mabubuting isda at
itinapon naman ang mga isdang hindi mapapakinabangan mula sa malaking lambat na
inihagis sa lawa. Kung natagpuan nga natin at minahal ang kayamanan sa bukid at
ang napakahalagang perlas, tayo’y mahimalang nagiging sugpo, lapu-lapu, tuna,
lobster, at kung anu-ano pang masasarap na isda, itatapon pa ba tayo?
Ama, ang lahat ng nasa amin ngayon ay sa Iyo. Ipahintulot mo
nawa na kami ay maging kaaya-ayang daan upang mabiyayaan ang aming kapwa.
Maraming salamat po sa mga biyayang ibinigay at ibibigay Niyo pa sa amin at sa
aming mga pamilya. Amen.
No comments:
Post a Comment
Tell us what you feel...