Powered by Blogger.

Friday, 6 September 2013

Ang Totoong Disipulo

23rd Sunday in Ordinary Time
September 8, 2013


First Reading: Wisdom 9:13-18

My son, perform your tasks in meekness; then you will be loved by those whom God accepts.The greater you are, the more you must humble yourself; so you will find favor in the sight of the Lord.For great is the might of the Lord; he is glorified by the humble. The affliction of the proud has no healing, for a plant of wickedness has taken root in him. The mind of the intelligent man will ponder a parable, and an attentive ear is the wise man's desire.

Psalm: Psalm 90:3-6, 12-13, 14-17

Second Reading: Philemon 1:9-10, 12-17

For you have not come to what may be touched, a blazing fire, and darkness, and gloom, and a tempest, and the sound of a trumpet, and a voice whose words made the hearers entreat that no further messages be spoken to them. But you have come to Mount Zion and to the city of the living God, the heavenly Jerusalem, and to innumerable angels in festal gathering, and to the assembly of the first-born who are enrolled in heaven, and to a judge who is God of all, and to the spirits of just men made perfect, and to Jesus, the mediator of a new covenant, and to the sprinkled blood that speaks more graciously than the blood of Abel.

Gospel: Luke 14:25-33

Now great multitudes accompanied him; and he turned and said to them, "If any one comes to me and does not hate his own father and mother and wife and children and brothers and sisters, yes, and even his own life, he cannot be my disciple. Whoever does not bear his own cross and come after me, cannot be my disciple. For which of you, desiring to build a tower, does not first sit down and count the cost, whether he has enough to complete it? Otherwise, when he has laid a foundation, and is not able to finish, all who see it begin to mock him, saying, `This man began to build, and was not able to finish.' Or what king, going to encounter another king in war, will not sit down first and take counsel whether he is able with ten thousand to meet him who comes against him with twenty thousand? And if not, while the other is yet a great way off, he sends an embassy and asks terms of peace. So therefore, whoever of you does not renounce all that he has cannot be my disciple.

Reflection
By Beth Eguia

Paano nga ba maging totoong disipulo ni Jesus? Masasabi ba natin na tunay na disipulo ang isang taong madasalin at pala simba lamang? Ang taong pinagyayabang ang bawat tulong na ginagawa sa kapwa ay isang totoong disipulo ni Jesus? Ang mga pari at madre lamang ba ang mga totoong disipulo ng Diyos?

Ipinaliwanag sa Banal na Kasulatan ngayong Linggong ito na sinuman ang ibig maging disipulo ay dapat kamuhian ang kanyang pamilya, ang kanyang sarili, at pasanin ang  kanyang krus. Ang Diyos ang dapat na “number 1” parati sa ating buhay. Hindi lamang ang mga madre o pari ang tinatawag para maging disipulo ng Diyos kundi tayong lahat.  

Paano nga ba natin maipamamalas ito? Tama lamang na tayo ay maging madasalin sa Diyos, ialay sa Kanya ang lahat ng ating gawain, mga problema, mga krus na pasan-pasan, mga tagumpay sa buhay dahil ito’y isang uri ng pagpupugay at pagbibigay pahalaga sa Kanya. Ngunit hindi natatapos dito ang ating tungkulin. Kalakip nito ang pagtulong sa ating kapwa lalo na sa mga nangangailangan. Noong nakaraang linggo marami tayong mga kapatid na naapektuhan ng baha dahil sa bagyo at habagat. Maraming pamilya ang lumikas sa kanilang tirahan dahil hanggang bubong ng bahay ang tubig. Wala silang mga tuyong damit at pagkain man lamang. Ito ay isang magandang oportunidad para sa atin na tumulong sa pamamagitan ng pag-abuloy ng pagkain, damit o pera. Kung tayo naman ay salat din sa pera ay puwede naman na maglaan ng panahon sa pag-volunteer sa mga relief centers para mag-impake ng mga relief goods. 

Tayo ay tinatawag na maglingkod nang buong puso at hindi naghahangad ng kapalit. Hindi rin kailangan na ipamalita ang anumang magagandang ginagawa natin sa ating kapwa. Araw- araw, patuloy tayong hinahamon ng Diyos para maging tapat at tunay na alagad Niya. Ikaw ba kapatid, tinatanggap mo ba ang hamon na ito?

Prayer

Diyos na mahabangin, maraming salamat sa Banal na Kasulatan. Salamat sa pagpapaalala sa amin kung papaano maging tapat at totoong disipulo Mo. Patuloy Mo kaming gabayan, patuloy Mo kaming akayin upang maglingkod sa Iyo sa pamamagitan ng pag-alay ng aming panahon sa aming kapwa nang taos-puso nang di naghahangad ng kapalit. Amen.




1 comment:

  1. Great read! I agree, everyday we find many opportunities around us to do good things to our neighbors and by doing good things, we follow St Paul's teaching: "I believe therefore I spoke (or do)."

    ReplyDelete

Tell us what you feel...

Followers

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP