07 October 2018
Second reading Hebrews 2:9-11 |
---|
We see Jesus, who for a little while was made lower than the angels, now crowned with glory and honor because of the suffering of death, so that by the grace of God he might taste death for everyone. It was fitting that God, for whom and through whom all things exist, in bringing many children to glory, should make the pioneer of their salvation perfect through sufferings. For the one who sanctifies and those who are sanctified all have one Father. For this reason Jesus is not ashamed to call them brothers and sisters.
Some Pharisees came to Jesus, and to test him they asked, “Is it lawful for a man to divorce his wife?” He answered them, “What did Moses command you?” They said, “Moses allowed a man to write a certificate of dismissal and to divorce her.” But Jesus said to them, “Because of your hardness of heart he wrote this commandment for you. But from the beginning of creation, ‘God made them male and female.’ ‘For this reason a man shall leave his father and mother and be joined to his wife, and the two shall become one flesh.’ So they are no longer two, but one flesh. Therefore what God has joined together, let no one separate.” Then in the house the disciples asked him again about this matter. He said to them, “Whoever divorces his wife and marries another commits adultery against her; and if she divorces her husband and marries another, she commits adultery too.”
By Nats Vibiesca
Sinimulan ang Ebanghelyo sa kayabangan ng mga Pariseo, gusto kasi nilang masilo si Jesus, pero sila ang napahiya, kaya’ t sa dulo ng Magandang Balita ay palalapitin ni Jesus ang mga bata na pinipigilan sana ng mga alagad Niya na makalapit. Malinaw na ang kababaan ng loob ang paraan upang makalapit tayo sa Diyos tulad ng natural na taglay na kababaang loob ng mga bata; taliwas ito sa gustong patunayan ng mga Pariseo na pagmamataas sa kanilang sarili.
Kapag nilapitan ka nga ng mga bata at nakinig sa kanilang “wisdom", napapahiya tayong mga matatanda. Ang inosente at malinis na konsiyensiyang sangkap ng kababaan ng loob ng mga bata ang naglalantad ng katigasan ng ulo at kahambugan nating mga matatanda.
Ang pinag-uusapang diskurso ukol sa kayabangan ng mga Pariseo ay ang bitag nilang paghihiwalay ng mag-asawa ayon sa batas o ang pagkakalooban ng diborsiyo ng mag-asawa. Diretso naman ang sagot ni Jesus, walang paliguy-ligoy, madaling unawain, kaya’t sila ang lumabas na kahiyahiya; kung batang millenials pa nga ang nagsabi sa kanila sa panahon natin at wika nila ang gagamitin ay parang ganito: “Nakaka-stress kayo, ha! Pinagsama na nga ang dalawa, hindi na two, beh! One na sila. Gets? Di pa rin? Slow, ha! Dehins pwedeng paghiwalayin ang petmalung mag-asawa, dahil ang loding Diyos na natin ang gumawa na pagsamahin sila.”
Baka lalong mawindang ang mga Pariseo kung mga batang millenials mismo ang nagsabi sa kanila. Pero sa totoo lang, maraming batas na nga ang pinatutupad sa iba’t ibang bansa na pinahihintulutan ang diborsiyo. Kaya’t kaliwa’t kanan ang banat sa Simbahan ngayon dahil mahigpit na tinututulan ito alinsunod sa Ebanghelyo. Maging sa Pilipinas ay may mga gusto na ring isulong ang diborsiyo. Pero bago pa man ang isyu sa diborsyo, maraming sitwasyon na ang madalas na sumisilo ng relasyon ng mag-asawa upang paghiwalayin sila at tuluyang wasakin ang kanilang pamilya.
Minsan, pinagawa ko ng creative non-fiction ang mga estudiyante ko, malikhaing pagkukuwento ito tungkol sa totoong sarili nilang karanasan kaugnay sa mga isyu sa kanilang pamilya. Nadurog talaga ang puso ko nang mabasa ang mga karanasan nila ukol sa paghihirap ng kanilang mga magulang maisalba lamang ang kanilang pagsasama at manatiling buo ang pamilya. Tulad ng isang estudiyante kong umiyak pa sa harap ko dahil hindi na raw niya malaman kung ano pang gagawin sa nagkahiwalay na mga magulang niya. Nagtatago raw sa probinsiya ang tatay niya dahil itotokhang na raw sa Maynila at hindi nila malaman kung saan na napunta. Ang isa nama’y ginugupo ng sakit na kanser ang ina habang nasa ibang bansa ang kanyang ama dahil naghahanapbuhay bilang OFW. Nagkahiwalay na nga’t lahat dahil sa paghahanap ng magandang ikabubuhay pero hindi pa rin pala sapat ang kinikita para lamang madugtungan ang buhay ng kanyang ina. Sa loob-loob ko’y kung fiction lamang sana ang lahat ng kanilang kuwento’y kaydaling masosolusyunan ang mga paghihiwalay ng mga mag-asawa. Sa fiction, ay kaya kong baguhin ang lahat ng kontradiksiyon sa buhay ng mag-asawa. Mapapaganda ko ang takbo ng kuwento ng kanilang pamilya. Laging happy ending.Sana. Sana’y fiction na nga lang.
Pero sa totoong buhay, samu’t sari na nga ang dahilan ng hiwalayan ng mga mag-asawa kahit labag sa kalooban nila ito o dala lamang ng mga sitwasyon na hindi rin nila ginusto. Ano nga naman ang laban ng mag-asawa kung mananatiling magkasamang pisikal ngunit wala namang makitang magandang oportunidad para maitaguyod nang marangal ang pamilya? Makikipagsapalaran na nga lang sa ibayong dagat at pipiliting kahit magkalayo’y magkalapit pa rin ang puso. Subali’t hindi lahat ay pinapalad at nauuwi nga sa wala o masaklap natuluyang paghihiwalay ng mag-asawa at pagkakawatak ng pamilya. Malaon na nga itong suliranin pero wala pa ring malinaw na kasagutan o kongkretong kilos ng pagbabago maging sa pamahalaan man o sa ating mga kababayan na nakaaangat na sa buhay. Kaya’t siguradong papalalain pa ito ng mga panukalang batas na nagpapahintulot ng diborsiyo at sa dulo ay mauuwi sa pagkasira ng pamilya.
Muli, balikan natin ang malinaw na solusyon ni Jesus sa lahat ng ito: hindi dapat paghiwalayin ng sinumang tao ang pinag-isa ng Diyos; magpakumbaba tayong lumapit sa Kanya, tulad ng mga bata, ilatag natin sa Kanya ang matagal na nating pinoproblema sa pamilya, buong pagpapakumbabang idulog natin ang mga pasanin natin sa buhay mag-asawa, at hayaan nating ang Diyos ang magpuno ng anumang kakulangan sa pamamalakad natin sa ating pamilya.
Prayer

Panginoong Ama sa langit, hiling namin ay manahan Ka sa aming pamilya. Patuloy Mo kaming bugkusin sa Iyong pagmamahal, pagpapakumbaba, pang-unawa, pagpapatawad, pagmamalasakit, at grasya. Sa ngalan ni Jesus. Amen.
No comments:
Post a Comment
Tell us what you feel...