Powered by Blogger.
Showing posts with label wise. Show all posts
Showing posts with label wise. Show all posts

Sunday, 18 October 2026

Ang Karunungan ng Diyos

Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon

18 Oktubre 2026

 
Unang Pagbasa: Isaias 45, 1. 4-6
Salmong Tugunan: Salmo 95, 1 at 3, 4-5. 7-8. 9-10a at k
Ikalawang Pagbasa: 1 Tesalonica 1, 1-5b
Mabuting Balita: Mateo 22, 15-21
 
Pagninilay
Ni: Renato C. Vibiesca
 
Ipinapakita sa Ebanghelyo ngayon na napakatalino ng Diyos na ating Panginoong Hesus dahil gusto ng mga Pariseo na siluin Siya, ngunit hindi sila nagtagumpay. Ang gusto nila’y bigyang katuwiran ang pagbibigay ng buwis kay Cesar na kung ang sagot ni Hesus ay hindi dapat magbuwis, pararatangan siyang rebelde sa pamahalaan ng imperyong Romano; at kung ang sagot nama’y dapat na magbuwis, ipinapahayag Niya ang pagsang-ayon sa korapsiyon ng pamahalaan at patunay na hindi siya pumapanig sa mamamayang naghihirap na nasusuklam sa sistema ng sapilitang pagbubuwis sa awtoridad na may titulong Cesar. Sa tingin ng mga tusong Pariseo ay mahuhuli na Siya sa kanilang tanong dahil kahit ano ang isagot Niya ay walang kawala sa bitag. Gusto nilang talian ng lubid sa leeg si Hesus upang matigil na sa Kanyang magagandang gawain at gusto nilang parang aso na susunod lamang sa kanilang mga utos. Marahil ay inggit na inggit na sila sa patuloy na pagsikat ni Hesus dahil sa husay ng kanyang pangangaral na kadalasang taliwas sa kanilang itinuturo. Marami ding humahanga kay Hesus sa tunay at sinserong paggawa ng mabubuting bagay para sa mamamayan, samantalang, mga taong mapagkunwari ang mga Pariseo dahil sa pakitang-tao lamang ang kanilang pananampalataya.

Tulad ng mga Pariseo, nasasadlak din tayo sa pagkakataon na maging tuso at mapagkunwari sa ating kapwa. Kung tayo’y mapagmataas sa kapwa, kasunod nito’y inggit; kung tayo’y naiinggit sa posisyon at nauunahan ng iba sa itaas, gusto nati’y hilahin sila pababa; kung tayo nama’y nahihigitan sa kasaganaan at kasikatan, gusto nati’y angkinin ang kanilang natamo. Lalong malakas ang tukso ng inggit at pagmamataas kung tayo’y nasa posisyong tagapamahala tulad ng mga nasa politiko at negosyo. Kaya nga napakahirap mamuhay sa gitna ng mga tuso sa pamahalaan at naliligid ng mga mapanglamang na may-ari ng malalaking negosyo. Subalit, hindi naman tayo hahayaan ng ating Panginoong Hesus na mahulog sa bitag ng mga kaaway sa lipunan at kung mananatili tayong tapat sa Diyos, higit Niyang ibinibigay sa atin ang biyaya upang hindi masilo sa anumang masasamang balak sa atin. Ang sagot? Laging maging tapat sa pagibibigay ng nauukol para sa Diyos tulad ng pagsisimba tuwing Linggo o higit pang mga araw, tapat na pangungumpisal at pananatiling masigasig sa pagtupad ng lahat ng Sakramento ng ating simbahan.

Noong isang Linggo, habang papunta kami ng buong pamilya ko sa simbahan, nakasakay kami sa isang napakagarang kotse ng Grab na aming na-book at namangha kami sa kakaibang kwento ng drayber nito. Buong buhay niya raw ay ginugol sa negosyo at pagtatrabaho kaya ngayo’y retirado na’t nagtagumpay na sa buhay, kaya naglilibang na lang siya sa pagmamaneho. Nalibot na nga raw niya ang buong mundo at naiinip na lang sa bahay kaya nagpasyang maging drayber ng Grab. Kaya lang ay hindi naman daw siya nagsisimba at ni minsa’y hindi niya naisama sa pagsisimba ang kanyang mga anak at asawa dahil lahat nga sila ay abala sa pagtataguyod ng negosyo. Sayang naman ang sabi ko, sayang nga raw talaga kasi’y huli na ngayon dahil hiwa-hiwalay na sila ng tirahan ng kanyang pamilya. Nasilip ko sa salamin ang lungkot ng kayang mga mata nang sabihin ang panghihinayang.

Ang hamon ng ating buhay ay hindi lamang tungkol sa pag-aasikaso ng buwis o anumang negosyo o ganansiya sa kaperahan sa mundo, bagkus ay ipinapakita sa atin ni Hesus ang mabuting halimbawa na ang higit na kailangan nati’y ang pagbibigay ng ating oras at buhay na naayon para sa Diyos. Sapagkat ang tunay na layunin ng ating buhay ay ang makilala nang husto ang Diyos at mahalin nang tunay upang maialay natin ang ating buhay hanggang sa makapiling Siya habambuhay. Hindi naman bulag ang Diyos para hindi makita ang mga ninanakaw na buwis sa atin ng mga tusong nagsasamantala. Nag-uumapaw naman ang kagustuhan ng Diyos na tayo’y pasaganahin din sa ating buhay upang sundin ang kalooban Niya na maglaan tayo ng oras para sa Kanya. Ang totoo’y higit pa sa katalinuhan ang ipinamalas ni Hesus sa pagsagot sa Pariseo dahil ito’y tunay na karunungang mula sa Kanyang pagka-Diyos at kahit sino pang may pinakamataas na katungkulan o pinakamatalinong tao na tuso ay hinding-hindi uubra sa karunungan ng ating Diyos. Amen.
 
Panalangin

Panginoong Hesus, higit ang Iyong katalinuhan at walang hanggang karunungan na amin ding kahilingan na kahit mambunan man lang, upang mapagtagumpayan namin ang anumang hamon ng pagsilo ng mga tuso at maging grasya ito ng pagbabalik namin ng aming buhay na nararapat para sa Iyo. Amen.

Monday, 18 October 2010

Work In Progress



30th Sunday in Ordinary Time
24 October 2010


We are God’s people, the sheep of his flock: come, let us worship him, alleluia.


First reading Ecclesiasticus 35:15-17,20-22
The Lord is a judge
who is no respecter of personages.
He shows no respect of personages to the detriment of a poor man,
he listens to the plea of the injured party.
He does not ignore the orphan’s supplication,
nor the widow’s as she pours out her story.
The man who with his whole heart serves God will be accepted,
his petitions will carry to the clouds.
The humble man’s prayer pierces the clouds,
until it arrives he is inconsolable,
And the Lord will not be slow,
nor will he be dilatory on their behalf.

Psalm: Psalm 33:2-3,17-19,23

Second reading 2 Timothy 4:6-8,16-18
My life is already being poured away as a libation, and the time has come for me to be gone. I have fought the good fight to the end; I have run the race to the finish; I have kept the faith; all there is to come now is the crown of righteousness reserved for me, which the Lord, the righteous judge, will give to me on that Day; and not only to me but to all those who have longed for his Appearing.
The first time I had to present my defence, there was not a single witness to support me. Every one of them deserted me – may they not be held accountable for it. But the Lord stood by me and gave me power, so that through me the whole message might be proclaimed for all the pagans to hear; and so I was rescued from the lion’s mouth. The Lord will rescue me from all evil attempts on me, and bring me safely to his heavenly kingdom. To him be glory for ever and ever. Amen.

Gospel Luke 18:9-14
Jesus spoke the following parable to some people who prided themselves on being virtuous and despised everyone else: ‘Two men went up to the Temple to pray, one a Pharisee, the other a tax collector. The Pharisee stood there and said this prayer to himself, “I thank you, God, that I am not grasping, unjust, adulterous like the rest of mankind, and particularly that I am not like this tax collector here. I fast twice a week; I pay tithes on all I get.” The tax collector stood some distance away, not daring even to raise his eyes to heaven; but he beat his breast and said, “God, be merciful to me, a sinner.” This man, I tell you, went home again at rights with God; the other did not. For everyone who exalts himself will be humbled, but the man who humbles himself will be exalted.’

Reflection
By Fidji Rivera-Sarmiento

I read from somewhere that the minute you say you are humble, you just did the opposite. It is easy for us to exalt how good we are against a criminal. Yet we fail to realize that the Lord sees what is in our heart of hearts. The Lord is wise and just, and this is another truth apart from Him being compassionate and unconditional. We seem to forget that role of our Father, and we only consider Him being a vending machine of all the things we want in life.

As a just Father, He gives us due circumstances in order for us to learn and believe more. This is the essence of the song “In His Time.” Not that we are being punished, but to give us a lesson, more like a negative reinforcement, as teachers would call it. We are given our own individual spiritual educational program by our Lord, patterned according to our personalities, behaviors, and limitations. Today’s Gospel reminds us that we are a work in progress. We cannot be perfect overnight. We have to continually reflect and examine how our spirituality has evolved through tumbles and turns. We should always call on the Holy Spirit to inspire us to be worthy of God’s presence.

Dear Jesus,
Thank You for reminding us that You are a fair and wise judge; that the blessings and tribulations that we receive are for our welfare. Help us to trust that when you delay in answering our prayers, You have a deeper purpose. May we not act as spoiled children, but rather humble and obedient to Your most holy will. Amen.


Next on God-speak
Who Am I

Followers

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP