Powered by Blogger.

Thursday 29 May 2014

Ang Pagtatapos ng Mahabang Kuwento Pero Hindi Pa Pala


Ascension Sunday 
June 1


First reading Acts 1:1-11

In my earlier work, Theophilus, I dealt with everything Jesus had done and taught from the beginning until the day he gave his instructions to the apostles he had chosen through the Holy Spirit, and was taken up to heaven. He had shown himself alive to them after his Passion by many demonstrations: for forty days he had continued to appear to them and tell them about the kingdom of God. When he had been at table with them, he had told them not to leave Jerusalem, but to wait there for what the Father had promised. ‘It is’ he had said ‘what you have heard me speak about: John baptised with water but you, not many days from now, will be baptised with the Holy Spirit.’
  Now having met together, they asked him, ‘Lord, has the time come? Are you going to restore the kingdom to Israel?’ He replied, ‘It is not for you to know times or dates that the Father has decided by his own authority, but you will receive power when the Holy Spirit comes on you, and then you will be my witnesses not only in Jerusalem but throughout Judaea and Samaria, and indeed to the ends of the earth.’
  As he said this he was lifted up while they looked on, and a cloud took him from their sight. They were still staring into the sky when suddenly two men in white were standing near them and they said, ‘Why are you men from Galilee standing here looking into the sky? Jesus who has been taken up from you into heaven, this same Jesus will come back in the same way as you have seen him go there.’

Psalm                                                                          Psalm 46:2-3, 6-9

Second reading                                                       Ephesians 1:17-23

May the God of our Lord Jesus Christ, the Father of glory, give you a spirit of wisdom and
perception of what is revealed, to bring you to full knowledge of him. May he enlighten the eyes
of your mind so that you can see what hope his call holds for you, what rich glories he has 
promised the saints will inherit and how infinitely great is the power that he has exercised for us
believers. This you can tell from the strength of his power at work in Christ, when he used it to 
raise him from the dead and to make him sit at his right hand, in heaven, far above every 
Sovereignty, Authority, Power, or Domination, or any other name that can be named not only in
this age but also in the age to come. He has put all things under his feet and made him, as the
ruler of everything, the head of the Church; which is his body, the fullness of him who fills the
whole creation.

Gospel                                                                       Matthew 28:16-20

The eleven disciples set out for Galilee, to the mountain where Jesus had arranged to meet them. When they saw him they fell down before him, though some hesitated. Jesus came up and spoke to them. He said, ‘All authority in heaven and on earth has been given to me. Go, therefore, make disciples of all the nations; baptise them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, and teach them to observe all the commands I gave you. And know that I am with you always; yes, to the end of time.’

Reflection
by Nats Vibiesca

And Jesus came and said to them, “All authority in heaven and on earth has been given to me. Go therefore and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, and teaching them to obey everything that I have commanded you. And remember, I am with you always, to the end of the age.”

Kapag nanonood ka  ng mga telenovela (o kaya ngayo’y Koreanovela ang sikat), sa simula’y nakakalibang pero kapag tumatagal na ang panonood mo, ito ay nakakainis na.  Madalas kasi’y namamatay ang kontrabida at aakalain mong tapos na ang kuwento pero hindi pa pala. Nagiging mas mabagsik pa nga ang pagbabalik ng kontrabida. Kung minsan nama’y nagiging bida ang kontrabida. Pero wala namang bago sa mga paraan o estilo ng mga karakter.  May nagkaka-amnesia at biglang manunumbalik ang mga alaala, may nasusunog ang mukha at magpapaplastic surgery para hindi makilala, hindi nawawala ang mga nang-aapi at inaapi, at mga eksenang “muntik nang makita pero  buti na lang… hindi.” 

Kapag nagkaproblema sa artista, binabago pa ang takbo ng kuwento. Sa kabuuan, madalas na walang matatag na problema (conflict), balangkas (plot) at kalalabasan (resolution) ang mga telenovela. At dahil pagod sa pamamasada sa kalsada si Tatay, sumakit ang katawan ng Nanay sa maghapong paglalaba at paglilinis ng bahay , ngawit na ngawit sa katatayo sa department store ang Ate mong saleslady, at kung anu-ano pang trabaho na nagpataranta sa buong araw ng isang-kahig-isang-tukang mamamayan, sa harap ng telebisyon magpapahinga. Pagkatapos manood ng balita na puro patayan, holdapan, korapsiyon, aksidente, at kung anu-anong malalagim na balita, magrerelaks sila sa panonood ng mga telenovela dahil wala namang iba pa na mapagpipilian. Sa madaling salita, maraming tao ang lokong-loko (o naloloko) sa panonood ng telenovela. Papaano’y wala ka naman talagang mapupulot na aral para sa buhay. Kung mayroon ma’y kailangang baguhin mo pa ang takbuhan ng kuwento. Hindi naman natin magawang baguhin ang kuwento at nasasabi na lang natin na “sana ganoon ang ginawa niya”, “sana ganito ang ending ng kuwento”, at kung anu-ano pang mga “sana”.

Sa kasaysayan ng ating kaligtasan, mula sa Lumang Tipan hanggang sa panahon ng ating Panginoong Jesus, mala-telenovela rin naman ang mga kuwento pero malinaw ang mga aral nito sa buhay. Ang climax o ang pinakaaabangan ng lahat ay ang buhay ni Jesus.  Ang mga pagdududa at agam-agam ng mga apostoles at mga  disupulo nang mamatay si Jesus ay napawi nang makita nilang nabuhay muli ang Panginoon. Mabuti’t nabuhay muli ang Panginoong Jesus kung hindi’y mauuwi sa wala ang pananampalataya ng lahat. 

Pero pagkatapos ng mahabang kuwento, narito ang Ebanghelyo ngayon, iiwan pala tayo ni Jesus, aakyat siya sa langit at magbibigay ng kapangyarihan upang ipagpatuloy natin ang kuwento ng buhay sa lupa. Kaya’t hindi pa pala talaga tapos ang kuwento pero hindi tulad sa isang palabas sa telebisyon, na wala tayong kapangyarihang baguhin ang kuwento, ngayon binibigyan tayo ng pagkakataon ng Panginoong Jesus na ayusin ang kuwento ng ating buhay.

Alam ng mga manunulat ng kuwento na napakahirap kumatha ng isang obra dahil laging nag-iisa at umaasa sa sariling kakayahan lamang. Hindi tulad ng pagkatha ng kuwento ng buhay, ipinagkaloob ng Panginoon ang Kanyang sarili na laging dapat alalaahanin na si Jesus ay kasama natin. Ang kaso, madalas na nabubulagan tayo at hindi nga napapansin na kasama si Jesus sa lakad ng buhay, tulad ng nangyari sa dalawang disipulo na kasamang naglakad ang nabuhay na si Jesus patungong Emaus. Kaya’t malaking hamon sa lahat na tanggapin at alalahaning kasamang lagi ang Panginoon upang ipagpatuloy ang mahabang kuwento ng pananamplataya na hindi pa pala tapos.

Sige nga dugtungan mo ang kuwento ng mga kabataan at magulang na magdamag na pumili para makabili ng tiket ng 1 Direction at nadismaya’t napaiyak nang maubusan ng VIP tiket na halagang 17,000 piso at ang iba ay kaya pang isakripisyo ang pambayad na tuition sa eskuwela para lang makanood ng concert?  Hindi ba’t daang libong kabataan ang gustong makapag-aral pero hindi makapag-enrol dahil walang pera? Kaya mo bang ituloy ang kuwentong kapos ng mga taong panay ang inom ng kape sa Starbucks habang maraming giniginaw sa lamig ng semento na ginawang higaan sa gabi ngunit kahit mainit na tubig sa paggising ay wala?  Papaano mo ikukuwento sa Wattpad ang araw-araw mong pagseselfie gamit ang mamahaling cellphone habang iniisip ng isang magsasaka kung papaano padadaluyin ang tubig sa bukirin na kinurakot ng mga politiko ang sana’y budget sa irigasyon para lang may makain kang kanin matapos ang nakakapagod na pagseselfie? 

Ang daming kuwentong kapos: Yolanda-Boracay, demolisyong iskwater-World Economic Forum, sweldo’t pagtaas ng bilihin-PDAF, edukasyon-korapsiyon, OFW-Mall culture, HIV-AIDS, etc. Totoong ang daming kuwentong hindi pa natatapos at mahirap matapos kung ang kadalasang pinoproblema lang sa ngayon ay kung papaano dadami ang “likes” sa post na selfie sa FB.

Hindi pa tapos ang mahabang kuwento ng ating pagiging Kristiyano.  Kasama natin si Jesus sa pagpapatuloy ng ating kuwento.

Prayer

Panginoong Jesus, salamat sa Iyong pananatili sa piling namin upang gabayan kami sa hamon ng buhay bilang tapat na Kristiyano; hiling namin na patatagin Mo ang aming pananampalataya at pag-asa upang maipagpatuloy ang misyong mapabuti ang aming buhay hindi lamang sa lupa kundi hanggang sa makapiling Ka namin.  Amen.

No comments:

Post a Comment

Tell us what you feel...

Followers

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP