Powered by Blogger.

Thursday 5 June 2014

Kanino ka natatakot?


Pentecost Sunday 
June 8


First reading Acts 2:1-11

When Pentecost day came round, they had all met in one room, when suddenly they heard what sounded like a powerful wind from heaven, the noise of which filled the entire house in which they were sitting; and something appeared to them that seemed like tongues of fire; these separated and came to rest on the head of each of them. They were all filled with the Holy Spirit, and began to speak foreign languages as the Spirit gave them the gift of speech.
  Now there were devout men living in Jerusalem from every nation under heaven, and at this sound they all assembled, each one bewildered to hear these men speaking his own language. They were amazed and astonished. ‘Surely’ they said ‘all these men speaking are Galileans? How does it happen that each of us hears them in his own native language? Parthians, Medes and Elamites; people from Mesopotamia, Judaea and Cappadocia, Pontus and Asia, Phrygia and Pamphylia, Egypt and the parts of Libya round Cyrene; as well as visitors from Rome – Jews and proselytes alike – Cretans and Arabs; we hear them preaching in our own language about the marvels of God.’

Psalm                                                                          Psalm 103:1,24,29-31,34

Second reading                                                       1 Corinthians 12:3-7,12-13

No one can say, ‘Jesus is Lord’ unless he is under the influence of the Holy Spirit.
There is a variety of gifts but always the same Spirit; there are all sorts of service to be done,
but always to the same Lord; working in all sorts of different ways in different people, it is the 
same God who is working in all of them. The particular way in which the Spirit is given to each 
person is for a good purpose. Just as a human body, though it is made up of many parts, is a
single unit because all these parts, though many, make one body, so it is with Christ. In the one 
Spirit we were all baptised, Jews as well as Greeks, slaves as well 
as citizens, and one Spirit was given to us all to drink.

Gospel                                                                       John 20:19-23

In the evening of the first day of the week, the doors were closed in the room where the disciples were, for fear of the Jews. Jesus came and stood among them. He said to them, ‘Peace be with you’, and showed them his hands and his side. The disciples were filled with joy when they saw the Lord, and he said to them again, ‘Peace be with you.
‘As the Father sent me,
so am I sending you.’
After saying this he breathed on them and said:
‘Receive the Holy Spirit.
For those whose sins you forgive,
they are forgiven;
for those whose sins you retain,
they are retained.’

Reflection
by Nats Vibiesca

Iba’t iba ang dahilan, lahat tayo’y minsan nang dinatnan ng takot sa kung sino man. Kapag takot sa tao ang pinag-uusapan, agad na pumapasok sa isip ko ang mga terror kong guro noon (mula elementarya hanggang kolehiyo); naiisip ko rin ang mga tiyahin ko na pilit kaming pinapatulog noon tuwing tanghali at kung hindi kami matutulog ay pingot at kurot sa singit ang aabutin. Noon iyon na wala pa ‘kong kamalay-malay sa paligid na ginagalawan. Pero ngayon, ang mga tao sa gobyerno ang siyang nakapagdudulot ng matinding takot sa akin (o sa karamihan). Hindi ba’t nakakatakot na napakaraming sinungaling at kurakot sa pamahalaan na kitang-kita ang mga kalokohan dahil saksakan ng dami ang mga ebidensiya ng kawalanghiyaan pero hindi naman sila napaparusahan? Totoong nakakatakot ang pagkawala ng mga konsiyensiya ng mga dapat ay lingkod ng bayan ngunit naging halimaw na sa kasakiman at nakalimutan ang dapat na serbisyong ibinibigay sa mamamayan.  

At ang mas matinding pagkatakot ay hindi lang para sa sarili kundi ang takot para sa kinabukasan ng ating mga anak. Ano’ng klaseng bayan ang magigisnan ng mga batang henerasyon? Nakakatakot din ang maaaring isumbat nila sa atin sa pagpapamana ng kaguluhan at kahirapan ng lipunan. At ano ang kontribusyon ng mga nasa gitnang uri (middle class) sa pagsasaayos ng ating bansa? Sapat bang magkibit-balikat na lang sila, siguraduhin ang sariling kapakanan ng pamilya, at maghintay na lang ng kung anumang solusyon ang dumating para sa bayan? Pinaghirapan nga naman nila ang kasalukuyang estado sa buhay kaya’t marapat lang na protektahan ang mga bagay na bunga ng kanilang pagsusumikap. Samantalang ang mga hampaslupa, etsapuwera, dugyot na mamamayan ay napipinid ang boses sa kawalan. 

Ayoko na ngang tanungin pa ang mga taong sobrang yaman dahil si Jesus na nga ang nagsabing dadaan muna sila sa butas ng karayom bago pa makarating sa langit.  Saan huhugutin ng mas nakararaming mamamayang naghihirap sa kasalukuyang panahon ang lakas ng loob sa pagsupil ng kasamaan sa bayan? Punong-puno na ng pagkatakot ang kawawang mamamayan. Wala na nga rin siyang malugaran upang makapagtago.

Subalit sa gitna ng lahat ng pagkatakot na bumabagabag sa atin, tuwi-tuwina’y sa ganitong pagkakataon ay biglang nagpapakita ang Panginoon sa atin (tulad ng sa Ebanghelyo ngayon). Dahil sa sobrang kaguluhan, kalituhan at pagkatakot, madalas ay nakakaligtaan nating lumapit sa Diyos, kaya’t ang Diyos na mismo ang lumalapit sa atin upang magbigay ng pambihirang kapayapaan. Pilit hinahanap ng Diyos ang sinumang nagtatago dahil sa malabis na pagkatakot at saka ibibigay ang kapayapaan na hindi kayang ibigay ninuman. Ang kapayapaang dulot ni Jesus ay kayang pumawi ng lahat ng pagkatakot, kaguluhan, kahirapan, at kasawian sa buhay. Para bagang sinasabi Niyang “Relaks lang, ako’ng bahala sa inyo, kaya kong gawan ng paraan ang lahat ng problema ninyo.” Hindi ba’t ganito ang mga salitang nakakapagpagaan ng anumang suliranin sa buhay? Kapag nasigurado na niyang panatag na ang ating mga kalooban, saka niya tayo bibigyan ng misyon. 

Bilang tao, kabahan man tayo nang kaunti sa anumang misyon, hinding-hindi na matotodo ang ating pagkatakot sa sinumang humahadlang sa kagustuhan ng Diyos, dahil ang Espiritu ng Diyos na ibinigay ni Jesus ay nasa kalooban na natin. Kaya nga’t hindi na nakapagtataka na sa kabila ng kahirapan, may mga tao pa ring tapat na naglilingkod sa kumpanyang pinapasukan. Hindi sila nagdadalawang isip gumawa ng kabutihan kaya’t hindi nila maaatim na pagnakawan ang kumpanyang pinagtatrabahuhan. Lagi nilang isinasang-alang-alang ang sasabihin ng kanilang mga anak at ng darating pang henerasyon. Ang mga taong nakatanggap ng misyong kaloob ni Jesus ay hindi na natatakot maging mabuting halimbawa saan man magpunta.     

Prayer

Panginoong Jesus, salamat sa Iyong handog na kapayapaan lalo na ngayong nalilito na kami sa kaguluhang nararanasan sa aming bayan. Manatili nawa sa amin ang kaloob mong Espiritu upang maging matatag kami sa pagtupad ng misyong maging mabuting halimbawa ng isang tunay na Kristiyano.  Amen.

No comments:

Post a Comment

Tell us what you feel...

Followers

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP