With the two tablets of stone in his hands, Moses went up the mountain of Sinai in the early morning as the Lord had commanded him. And the Lord descended in the form of a cloud, and Moses stood with him there.
He called on the name of the Lord. The Lord passed before him and proclaimed, ‘The Lord, a God of tenderness and compassion, slow to anger rich in kindness and faithfulness.’ And Moses bowed down to the ground at once and worshipped. ‘If I have indeed won your favour, Lord,’ he said ‘let my Lord come with us, I beg. True, they are a headstrong people, but forgive us our faults and our sins, and adopt us as your heritage.’
Psalm Daniel 3:52-55
Second reading 2 Corinthians 13:11-13
Brothers, we wish you happiness; try to grow perfect; help one another. Be united; live in peace,
and the God of love and peace will be with you. Greet one another with the holy kiss. All the
saints send you greetings. The grace of the Lord Jesus Christ, the love of God and the
fellowship of the Holy Spirit be with you all.
Second reading 2 Corinthians 13:11-13
Brothers, we wish you happiness; try to grow perfect; help one another. Be united; live in peace,
and the God of love and peace will be with you. Greet one another with the holy kiss. All the
saints send you greetings. The grace of the Lord Jesus Christ, the love of God and the
fellowship of the Holy Spirit be with you all.
Jesus said to Nicodemus:
‘God loved the world so much that he gave his only Son,
so that everyone who believes in him may not be lost
but may have eternal life.
For God sent his Son into the world
not to condemn the world,
but so that through him the world might be saved.
No one who believes in him will be condemned;
but whoever refuses to believe is condemned already,
because he has refused to believe in the name of God’s only Son.’
Bakit nga ba ‘friend request’ at hindi p’wedeng ‘lover’s request’?
Ito na nga yata ang panahon ng narsisismo, na ang tanging mahalaga ay ang sarili, ang ‘selfie’ o lagi na lang si ‘ako’, ‘me’, ‘I’ and ‘myself’, na ginawang salamin ang cellphone kahit sa hapag-kainan o kahit pa nakaupo sa trono ni David ay panay ang click ng camera, na pilit pinapaganda o pinapapangit ang mukha. Hindi naman daw masama ang pagseselfie (maging si Pope Francis nga ay nakiki-selfie rin) pero ibang usapan na ito kung unti-unting nalulusaw ang pagtuon ng pansin sa ibang tao na kadalasan ay nauuwi sa paglimot sa pag-ibig sa kapwa. Bakit hindi puwedeng ‘love’ at hindi lang ‘like’ ang ipukol sa post ng ibang tao sa FB? Bakit nga ba ‘friend request’ at hindi p’wedeng ‘lover’s request’? Kaya siguro hindi matapos-tapos ang ating pagla-‘like’ at pagfe-‘friend request’ dahil kapos ito na maabot ang tunay na hangarin ng ating buhay?
Sa pagpapatuloy ng rebolusyong teknolohiya, ang pagbabago ng lahat ay lalong bumibilis pero nagkakaubusan naman ng oras sa pagpansin sa maraming bagay o sa isa’t isa, nananatili ang labis na pagmamahal ng Diyos sa atin. Kahit pa sariling kapakanan na lamang ang ating iniisip ay hindi nagbabago ang Diyos sa pagkalinga sa atin. Hindi ba’t walang habas nating dinudumihan ang kapaligiran? Hindi na nga natin malaman kung saan isasaksak ang ating mga basura at panay pa ang putol natin ng mga puno para sa inaakala nating kaunlaran. Pero hindi natin napapansin na laging abala ang Diyos na linisin ang hangin upang sariwa pa rin ang ating malanghap. Hindi nauubusan ang Diyos ng paraan upang maisaayos ang ating magulong buhay (o sadyang ginugulo nating buhay) at hindi natin napapansin na kadalasa’y mga mahal natin sa buhay ang nagiging instrumento ng Diyos upang tayo’y tulungan. Ganito ang kadalasang ginagawa ng ating mga ama o ina, kahit dedma sila sa atin dahil busy tayo sa kaseselfie, hindi natin namamalayan na hinahawan nila ang ating landas na daraanan upang maging matiwasay ang ating pamumuhay. Hindi mo alam na sikreto nilang tinitingnan kung kumpleto ang gamit mo sa eskwela o sinisuguro kung nadala mo ang panyo na pamunas mo ng pawis. Hanggang sa nagkatrabaho ka na nga ay lagi pa ring taga-gising mo ang mga magulang sa umaga para huwag kang mahuli sa trabaho o laging ipapaalala ang cellphone mo para huwag maiwanan. Hindi nga nauubusan ng pagkalinga ang ama’t ina. Hindi na nga lang natin napapansin ang mga ito dahil binulag tayo ng pagseselfie na lagi na lang si ako, at si ako o ng pananaw na ‘akoismo’.
Sa panahon ng ating pagkabulag, hindi lang naman kapaligiran ang ating sinasalaula. Hindi ba’t napakadungis na ng ating mga konsiyensiya dahil sa ating kaliwa’t kanang korapsiyon, kasakiman, kamunduhan, at kung anu-ano pang kasalanan sa ating kapwa, mga mahal sa buhay , at sa sarili? Pero hindi pa rin nagbago ang pagtingin ng Diyos sa atin. Ginagawa Niya ang lahat para ipaalala, ipadama at ipakita kung gaano kalaki ang Kanyang pagmamahal sa atin. ‘Yun nga lang, kailangang idilat natin ang ating mga mata upang makita natin at tanggapin ang labis na pag-ibig ng Diyos sa atin. Pagkatapos, hindi na lang sarili natin ang aatupagin, uunahin nang kunan ng litrato ang Diyos, matutuon ang pansin sa iyong ama’t ina, sa mga mahal sa buhay, sa iyong kapwa, lalo na sa higit na mga nangangailangan ng tulong.
Prayer
Mahal naming Ama, salamat po sa labis na pagmamahal Mo sa amin at ibinigay Mo sa amin ang Iyong Anak na si Jesus. Patuloy Mong imulat ang aming mga mata upang makita at tanggapin namin Siya na kadalasa’y nasa katauhan ng aming mga magulang, mga mahal sa buhay at sa aming kapwa. Amen.
No comments:
Post a Comment
Tell us what you feel...