Powered by Blogger.

Monday 23 June 2014

Ang Bawang ni Jesus


Corpus Christi 
June 22


First reading Deuteronomy 8:2-3,14-16

Moses said to the people: ‘Remember how the Lord your God led you for forty years in the wilderness, to humble you, to test you and know your inmost heart – whether you would keep his commandments or not. He humbled you, he made you feel hunger, he fed you with manna which neither you nor your fathers had known, to make you understand that man does not live on bread alone but that man lives on everything that comes from the mouth of the Lord.
  ‘Do not become proud of heart. Do not forget the Lord your God who brought you out of the land of Egypt, out of the house of slavery: who guided you through this vast and dreadful wilderness, a land of fiery serpents, scorpions, thirst; who in this waterless place brought you water from the hardest rock; who in this wilderness fed you with manna that your fathers had not known.’

Psalm                                                                          Psalm 147:12-15,19-20

Second reading                                                      1 Corinthians 10:16-17

The blessing-cup that we bless is a communion with the blood of Christ, and the bread that we 
break is a communion with the body of Christ. The fact that there is only one loaf means that,
though there are many of us, we form a single body because we all have a share in this one
loaf.

Gospel                                                                     John 6:51-58

Jesus said to the Jews:
‘I am the living bread which has come down from heaven.
Anyone who eats this bread will live for ever;
and the bread that I shall give is my flesh,
for the life of the world.’
Then the Jews started arguing with one another: ‘How can this man give us his flesh to eat?’ they said. Jesus replied:
‘I tell you most solemnly,
if you do not eat the flesh of the Son of Man and drink his blood,
you will not have life in you.
Anyone who does eat my flesh and drink my blood
has eternal life,
and I shall raise him up on the last day.
For my flesh is real food
and my blood is real drink.
He who eats my flesh and drinks my blood
lives in me
and I live in him.
As I, who am sent by the living Father,
myself draw life from the Father,
so whoever eats me will draw life from me.
This is the bread come down from heaven;
not like the bread our ancestors ate:
they are dead,
but anyone who eats this bread will live for ever.’

Reflection
by Nats Vibiesca


Mabuti’t naturuan tayo ng mga Kastila noon na magluto sa paraan ng paggigisa o sa panimula ng maraming putahe ay igigisa muna ang bawang, sibuyas, kamatis at iba pang gustong rekado at saka ihahalo ang iba pang mga sahog para maging swak sa panlasa ang ating ulam. Kaya lang, nitong mga nakaraang araw, hindi ko magawang maggisa o kahit mag-adobo dahil mas mataas pa sa baboy o manok ang halaga ng kilo ng bawang. Nagkalat na nga siguro ang mga aswang sa paligid kung kaya’t in-demand at sobrang taas ang presyo ng bawang. May kartel daw ang sabi nila. Ang sabi ko naman, pero hindi lang naman bawang ang tumaas ang presyo, pati na rin luya, sibuyas, at ang mga gulay na binabanggit sa kantang Bahay Kubo. Siyempre pati presyo ng bigas tumaas din. Wala na ngang dahilan pa para maniwala sa mga pambobola ng mga nakaupo sa puwesto ng ating pamahalaan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pagkain. Mas nagkakatotoo pa ang mga hula sa horoscope kaysa mga buladas ng mga pulitikong puro dakdak at wala namang magandang resulta para sa mamamayan.

Kadalasan, nangingiti ang mga estudiyante ko sa kolehiyo sa tuwing magdarasal kami bago magsimula ang klase. Maikli lang kasi ang aming panalangin, ganito: “Lord, kailangan po namin ng pera, bigyan mo po kami ng pera. Amen.”  Nangingiti sila dahil alam nilang totoo ito ngunit karamihan sa ibang guro ay pagkahaba-haba ang mga panalangin bago magsimula ang klase.  Ipinapaliwanag ko sa kanila na kailangang sincere at walang paliguy-ligoy ang pagdarasal. Direct to the point ika nga. Kailangan natin ng pera dahil patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain, at kung hindi tayo makakakain nang husto, imposible na matuto ng mga leksiyon sa paaralan. Naaalala ko tuloy ang aking Lola Celing na nagtitinda noon ng mani. Kailangang kumain daw kami ng mani dahil pampatalino ito, pero mas gusto ko ang malutong na bawang na nakahalo sa mani. Dati’y hinihingi lang ang malutong na bawang kapag bumili ng mani. Ngayon, dahil sa taas ng presyo nito, hindi na nagbibigay ng bawang sa mani o kahit pa sa kornik na Boy Bawang ay wala na ring bawang. Kaya nga ang pagkain ng bawang ngayon ay nakaka-high-blood na rin.

Teka, bakit ba kasi lagi na lang pinoproblema ang pagtaas ng presyo ng pagkain? Lagi na lang natutuon ang ating pansin sa pagkain para sa ating katawang lupa. Nakakalimutan natin na may buhay pa pagkaraan ng atin panahon sa mundong ito. Kaya nga ang Panginoong Jesus mismo ang nagbigay ng sarili Niya bilang pagkain natin upang mabuhay tayo ng habang panahon.  Hindi naman Niya sinabi na huwag na tayo kumain ng anumang pagkain. Ang sinasabi ni Jesus ay huwag nating problemahin ang pagkain ng ating katawan, kahit umabot sa ulap ang taas ng presyo ng bawang, kung magsisipag at magiging tapat lang sa hanapbuhay, ang Diyos ang gagawa ng paraan at tiyak na hindi tayo magugutom. Ang nais lamang ng Panginoong Jesus ay higit na mahalin natin ang pagkain na ibinibigay Niya, ito ang pagkain na higit pa sa halaga ng bawang, ito nga ay ibang klaseng bawang ni Jesus— ito ang Kanyang sarili, ang pagkain na magbibigay ng lubos na kaligayahan at walang katapusang buhay kapiling Niya. Ang ibig sabihin lamang nito ay magsimba tayong lagi, makibahagi sa Banal na Misa upang tanggapin si Jesus sa Banal na Komunyon at dalhin Siya sa ating kapwa saan man tayo magpunta. 

Prayer

Panginoong Jesus, salamat po sa pagbibigay Mo ng Iyong sarili sa amin upang maging ganap ang aming kaligayahan at mabuhay na kapiling Ka magpakailanman. Manatili Ka sa aming puso upang kami rin ay maging instrumento ng kaligayahan at buhay para sa aming kapwa.  Amen.


No comments:

Post a Comment

Tell us what you feel...

Followers

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP