Powered by Blogger.

Saturday 17 October 2015

Ang Corona ang Dapat Humanap ng Ulo

Twenty Ninth Sunday 
   In Ordinary Time
   October 18, 2015

“ Be imitators of me, as I am of Christ.”

First Reading: Isaiah 53:10-11

The LORD was pleased to crush him in infirmity.

If he gives his life as an offering for sin, he shall see his descendants in a long life, and the will of the LORD shall be accomplished through him.

Because of his affliction he shall see the light in fullness of days; through his suffering, my servant shall justify many, and their guilt he shall bear.

Responsorial Psalm: Psalms 33:4-5, 18-19, 20, 22

Second Reading: Hebrews 4:14-16

Brothers and sisters:

Since we have a great high priest who has passed through the heavens,  Jesus, the Son of God, let us hold fast to our confession. For we do not have a high priest who is unable to sympathize with our weaknesses, but one who has similarly been tested in every way, yet without sin. So let us confidently approach the throne of grace to receive mercy and to find grace for timely help.

Gospel: Mark 10:35-45

James and John, the sons of Zebedee, came to Jesus and said to him, "Teacher, we want you to do for us whatever we ask of you."  He replied, "What do you wish me to do for you?"  They answered him, "Grant that in your glory we may sit one at your right and the other at your left."

Jesus said to them, "You do not know what you are asking.  Can you drink the cup that I drink or be baptized with the baptism with which I am baptized?"  They said to him, "We can."  Jesus said to them, "The cup that I drink, you will drink, and with the baptism with which I am baptized, you will be baptized; but to sit at my right or at my left is not mine to give but is for those for whom it has been prepared."

When the ten heard this, they became indignant at James and John.  Jesus summoned them and said to them, "You know that those who are recognized as rulers over the Gentiles lord it over them, and their great ones make their authority over them felt.  But it shall not be so among you. Rather, whoever wishes to be great among you will be your servant; whoever wishes to be first among you will be the slave of all.  For the Son of Man did not come to be served but to serve and to give his life as a ransom for many."

Reflection
By Nats Vibiesca

Ang m~ga camahalan sa bayan, ang cahalimbaua,i, corona na di ipinagcacaloob cun di sa may carapatan, caya di dapat pagpilitang camtan cun di tanguihan, cun inaacala na di niya icamamahal, sa macatouid, cun di mapapurihan ang camahalan. Ang corona, camahalan at caran~galan, ang dapat humanap nang ulo na puputungan, at di ang ulo ang dapat humanap nang coronang ipuputong. Ang caran~galan, sa caraniuan, ay may calangcap na mabigat na catungculan, caya bago pahicayat ang loob nang tauo sa pagnanasa nangcaran~galan, ay ilin~gap muna ang mata sa catungculan, at pagtimbangtim, ban~gin cun macacayanangpasanin.

-Sipi mula sa orihinal na teksto ng “PAG SUSULATAN NANG DALAUANG BINIBINI NA SI URBANA AT NI FELIZA (1902)ni Presbitéro D. Modesto De Castro


Hindi na ginagamit sa ngayon ang dating estilo ng Tagalog na orihinal na teksto ng kuwentong Urbana at Felisa na nailathala noong bago tuluyang umalis ang mga Kastila sa Pilipinas. Pero ang mga aral nito ay napapanahon pa rin at pasok sa Ebanghelyo ngayon. Kasama ang Urbana at Felisa sa mga panitikan na ipinapabasa ko sa mga estudiyante sa kolehiyo upang mapag-aralan ang panitikang Pilipino sa iba’t ibang panahon at sabit dito ang mga aral na maiaakma pa rin sa ngayon.  Ang suspetsa ko ay nakuha ni Padre Modesto De Castro sa ebanghelyo ngayon ang ideya na ang korona dapat ang humanap ng ulo na puputungan at hindi ang ulo ang dapat humanap ng koronang ipuputong sa kanyang sarili. Bakit nga ba gustong-gusto nating maputungan ng korona? Nagkakandarapa tayo na makuha ang matataas na posisyon,  sa kumpanya o pulitika, sa paaralan o maging sa pamilya, o sa anumang organisasyon. Iba’t iba ang dahilan marahil: ang iba’y gustong sumikat, o kaya’y gustong umasenso sa kabuhayan, o ang iba’y gustong maging importante, pero anuman  ang dahilan, kadalasa’y pansarili ang pakinabang ang intensiyon. Ngayo’y kasagsagan ng kampanya ng mga pulitiko sa bansa at nakakasawa na ang kung anu-ano’ng pakulo ng mga kandidato para lamang mailuklok nila ang kanilang sarili sa posisyon na dapat sana’y sa mga taong may totoong hangarin na maglingkod sa bayan, kaya nga’t tinatawag sana silang public servant. Saan nga ba natin uugatin ang pag-aagawan ng puwesto sa pamamahala? Bakit tila kanser na hindi magamot ang kagahaman sa pangangamkam ng matataas na posisyon sa pamahalaan?

Bago magsimula ang semestral break, sa faculty room, narinig ko ang isang estudiyante na kausap ang kanyang propesor dahil gusto niyang malaman kung bakit mas mababa ang kanyang nakuhang grado kaysa sa ilang kamag-aral niya. Ipinakita ng propesor ang kanyang record at ipinaliwanag sa kanya kung papaano ang pagkuwenta ng grado mula sa mga bahagdan ng kanyang attendance, recitation, projects, at mga eksaminasyon. Inulit pa nga sa harap ng estudiyante ang pagkuwenta para ipakitang tama naman ang ibinigay niyang grado sa kanya. Pero mapilit siya na sa tingin niya’y mas mataas dapat ang kanyang grado kaysa sa iba. "Hindi ko naman pwedeng dayain ang grado mo at kung anuman ang nakuha ng ibang kamag-aral mo ay hindi mo na concern iyon", ang sabi ng propesor. Hindi na inalam pa ng propesor kung bakit niya ikinukumpara ang sariling grado sa ibang kamag-aral, na kung huhulaan ko ay maaaring nag-uugat sa pagkainggit ito. Kung mula kabataa’y lagi na lang tayong naiinggit sa ating kapwa sa anumang kagalingang natatamasa nila sa buhay, at hindi na tayo nahihiyang kuwestyunin kung bakit sila’y nasa ganoong kalagayan, na wala namang ibang dahilan ito kundi ang kanilang pagsusumikap. Katulad ng ipinapahayag ng ebanghelyo ngayon na tanging ang  tapat na paglilingkod natin sa kapwa ang magluluklok sa atin sa kadakilaan. At kung tunay na pinaglilingkuran natin ang ating kapwa, pinaglilingkuran na rin natin ang ating bayan at ito rin ang bayan ng Diyos sa lupa, kaya’t ang Diyos din naman ang talagang ating pinaglilingkuran. Hangga’t maaga pa’y maikintal na sa mga kabataan ang paglilingkod sa kapwa’y paglilingkod din sa bayan, at ito’y paglilingkod ngang tunay sa Diyos.


Prayer

Panginoon, nawa'y kalooban Mo Ang masunod sa pagpili ng ulo para sa korona ng pamahalaan ng Pilipinas sapagkat mas alam Mo Kung ano ang ikabubuti namin. Sa ngalan ni Jesus. Amen.

No comments:

Post a Comment

Tell us what you feel...

Followers

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP