Twenty-Eighth Sunday
in Ordinary Time
“ Refusing further service as a Roman soldier: I am a soldier of Christ: combat is not permitted to me.” - St. Martin of Tours
First Reading: Wisdom 7:7-11
I prayed, and prudence was given me; I pleaded, and the spirit of wisdom came to me. I preferred her to scepter and throne, and deemed riches nothing in comparison with her, nor did I liken any priceless gem to her; because all gold, in view of her, is a little sand, and before her, silver is to be accounted mire. Beyond health and comeliness I loved her, and I chose to have her rather than the light, because the splendor of her never yields to sleep. Yet all good things together came to me in her company, and countless riches at her hands.
Responsorial Psalm Psalm 90:12-13, 14-15, 16-17
Second Reading: Hebrews 4:12-13
Brothers and sisters:
Indeed the word of God is living and effective, sharper than any two-edged sword, penetrating even between soul and spirit, joints and marrow, and able to discern reflections and thoughts of the heart. No creature is concealed from him, but everything is naked and exposed to the eyes of him to whom we must render an account.
Gospel: Mark 10:17-30
As Jesus was setting out on a journey, a man ran up, knelt down before him, and asked him, "Good teacher, what must I do to inherit eternal life?" Jesus answered him, "Why do you call me good? No one is good but God alone. You know the commandments: You shall not kill; you shall not commit adultery; you shall not steal; you shall not bear false witness; you shall not defraud; honor your father and your mother."
He replied and said to him, "Teacher, all of these I have observed from my youth." Jesus, looking at him, loved him and said to him, "You are lacking in one thing. Go, sell what you have, and give to the poor and you will have treasure in heaven; then come, follow me." At that statement his face fell, and he went away sad, for he had many possessions.
Jesus looked around and said to his disciples, "How hard it is for those who have wealth to enter the kingdom of God!" The disciples were amazed at his words. So Jesus again said to them in reply, "Children, how hard it is to enter the kingdom of God! It is easier for a camel to pass through the eye of a needle than for one who is rich to enter the kingdom of God." They were exceedingly astonished and said among themselves, "Then who can be saved?"
Jesus looked at them and said, "For human beings it is impossible, but not for God. All things are possible for God." Peter began to say to him, “ We have given up everything and followed you." Jesus said, "Amen, I say to you, there is no one who has given up house or brothers or sisters or mother or father or children or lands for my sake and for the sake of the gospel who will not receive a hundred times more now in this present age: houses and brothers and sisters and mothers and children and lands, with persecutions, and eternal life in the age to come."
Reflection
by Nats Vibiesca
Pinagninilayan ko kung ang mga mayayaman ay magkakaproblema sa pagpasok sa kaharian ng Diyos dahil sa kanilang kayamanan, ibig sabihin kaya’y mas madali naman para sa mga mahihirap ang makapasok sa langit dahil wala naman silang kayamanan?
Pero ano nga ba ang konteksto natin ng pagiging mayaman sa ating bansa? Ano ba ang kahulugan ng pagiging mahirap o papaano natin susukatin ang pagiging mahirap? Kung ang sukatan nito ay katulad ng nararanasan ko bilang guro sa isang State University na katulad ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), na may mahigit limampung libong estudiyante, at kasalukuyang may walumpu o higit pang bilang ng mga first year na estudiyante sa bawat klase na pinagkakasya sa napakaliit na silid-aralan na walang aircon at madalas pang sira ang electricfan (palagi ko ngang sinasabi sa klase na para kaming sardinas sa kuwarto pero ngayo’y parang corned beef na), na halos isandaang porsiyento ay galing sa mga pamilyang walang pambayad ng tuition fee (kahit dose pesos lang per unit ang tuition fee) at walang perang maibigay na pamasahe o allowance pagpasok sa paaralan. Kaya nga’t naglalakad na lang ang karamihan makapasok lang; lagi na lang itlog o kaya’y pansit canton ang nakikita kong ulam sa tanghalian. Pero teka, ayokong isa-isahin pa ang mahabang-mahabang listahan ng manipestasyon ng kahirapan sa PUP. Basta sigurado kaming hindi mahihirapang makapasok sa kaharian ng Diyos kung ito nga ang pamantayan ng kahirapan. Ang totoo’y nasa langit na ako sa tuwing nahihikayat kong magsulat ng kuwento ang mga estudiyante ko tungkol sa kanilang mga karanasan sa pagiging mahirap. Kayamanan sa panulat o panitikan at ayon sa ebanghelyo’y pasaporte sa kalangitan ang mga kuwento nila tungkol sa paghihirap, pakikipaglaban, pagtitiyaga, pagtitiis, pakikipagsapalaran, pagsusumikap, pag-asa-- ang lahat ng mga detalye ng kuwentong galing sa urban poor o rural poor ay hindi madaling maunawaan ng mga mayayaman (papaano pa kaya ang tumulong sa mahihirap?).
Kakarampot ang sweldo ng isang guro sa Pilipinas, ibig sabihi’y hindi kayang bumuhay ng pamilya (kaya’t kaliwa’t kanan ang diskarte ng mga guro para kumita ng pang-dagdag sa pamilya) kaya’t lagi’t laging nakasandig ang mga guro sa ebanghelyong ito upang matuon sa pag-asa ang paghihirap kundi man maibsan ang mga nararanasan. Ito rin ang pinanghahawakang katibayan ng pagmamahal ng Diyos ng mga kargador sa palengke, saleslady, kunduktor, tindera ng sigarilyo, magbabalut, kasambahay, trabahador sa pabrika, at ang lahat ng uri ng manggagawa.
Pero hindi rin naman exempted ang mga mahihirap sa pagtulong sa kapwa, pagkat may kayamanan din naman ang mga mahihirap, hindi nga lang materyal o pera. Tamang isipin na ang maraming-maraming talento na kaloob ng Diyos sa tao’y sapat na kayamanan ng mahihirap upang maibahagi sa iba. Pero mayroon pang mas higit dito na nakikita na natin pero kadalasang hindi pinapansin. Ganito ‘yung halimbawa na madalas kong nararanasan. Parang binabayo ang puso ko sa tuwing nakakakita ako ng isang construction worker na nakasakay sa jeep at hitsurang hapong-hapo sa maghapong pagbubungkal ng kalsada at biglang may sasakay na mga batang katutubo upang manghingi ng pera sa mga pasahero, at walang pasubaling ibibigay ng construction worker ang isang biskwit galing sa kanyang bulsa na hindi na niya siguro nameryenda dahil sa pagiging sobrang abala sa trabaho. Pero halos mapulbos ang puso ko sa pagkadurog nang bumaba ang mga bata sa jeep at makita kong hinati-hati pa ng batang katutubo ang kakapirasong biskwit at ibinahagi sa iba pang batang lansangan na hindi naman nila kasamang katutubo. Ano’ng hiwaga ang nasa puso ng mga mahihirap kung bakit laging nakikita at nadarama sa kanila ang pag-ibig sa kapwa na mula sa grasya ng Diyos? Pero hindi nagtatapos sa ganoon, kung itutuloy ko ang kuwento, isasama naman ang mga katutubo sa mga nagboboluntaryong kabataan na magturo ng mga asignaturang pampaaralan upang matuto sila na may pag-asang inaasam na balang araw ay hindi na muling mamamalimos sa lansangan.Walang katapusan ang pagtulong ng mahihirap sa mga nangangailangang kapwa mahirap na nakatuon sa pag-asang isang araw ay makakaahon din sa mga nararanasan. Hindi sobrang pera o sobrang panahon ang itinutulong ng mga mahihirap sa kapwa nila mahirap, sa katunaya’y kung ano ang mayroon sila at ito’y hindi rin madali dahil mararamdaman mo ang hirap at sakit na ibibigay mo pa ang kailangan mo rin naman. Siguro’y totoong mahirap para sa mga mayayaman na magbigay sa mahihirap ng hindi lang sobra sa kanilang kayamanan. Pero walang imposible sa tulong ng grasya ng Diyos.
Prayer
AMA, tulungan mo po kaming maging mapabigay at mapagmahal, mahirap man o mayaman. Iloob mo po na manatili kaming malapit sa Iyo magpakailanman. Amen.

Salamat Kuya Nats, graduate din po ako ng PUP. Napagdaanan ko yung sinasabi nyo noon hehe. Pero sa awa ng Diyos nakaangat din =)
ReplyDelete