Powered by Blogger.

Sunday 15 April 2012

" Faith, As We See It."

Second Sunday of Easter
Image and video hosting by TinyPic
“ Blessed are those who believe without seeing me.

First Reading: Acts: 4:32-35

The community of believers was of one heart and mind, and no one claimed that any of his possessions was his own, but they had everything in common. With great power the apostles bore witness to the resurrection of the Lord Jesus, and great favor was accorded them all. There was no needy person among them, for those who owned property or houses would sell them, bring the proceeds of the sale, and put them at the feet of the apostles, and they were distributed to each according to need.

Resp. Psalm: Psalms: 118:2-4, 13-15, 22-24

Second Reading: 1John 5:1-6

Everyone who believes that Jesus is the Christ is begotten by God, and everyone who loves the father loves (also) the one begotten by him. In this way we know that we love the children of God when we love God and obey his commandments. For the love of God is this, that we keep his commandments. And his commandments are not burdensome, for whoever is begotten by God conquers the world. And the victory that conquers the world is our faith. Who (indeed) is the victor over the world but the one who believes that Jesus is the Son of God? This is the one who came through water and blood, Jesus Christ, not by water alone, but by water and blood. The Spirit is the one that testifies, and the Spirit is truth.

Gospel: John 20:1-31

On the evening of that first day of the week, when the doors were locked, where the disciples were, for fear of the Jews, Jesus came and stood in their midst and said to them, "Peace be with you." When he had said this, he showed them his hands and his side. The disciples rejoiced when they saw the Lord. (Jesus) said to them again, "Peace be with you. As the Father has sent me, so I send you." And when he had said this, he breathed on them and said to them, "Receive the holy Spirit. Whose sins you forgive are forgiven them, and whose sins you retain are retained."

Thomas, called Didymus, one of the Twelve, was not with them when Jesus came. So the other disciples said to him, "We have seen the Lord." But he said to them, "Unless I see the mark of the nails in his hands and put my finger into the nailmarks and put my hand into his side, I will not believe." Now a week later his disciples were again inside and Thomas was with them. Jesus came, although the doors were locked, and stood in their midst and said, "Peace be with you." Then he said to Thomas, "Put your finger here and see my hands, and bring your hand and put it into my side, and do not be unbelieving, but believe."

Thomas answered and said to him, "My Lord and my God!" Jesus said to him, "Have you come to believe because you have seen me? Blessed are those who have not seen and have believed." Now Jesus did many other signs in the presence of (his) disciples that are not written in this book. But these are written that you may (come to) believe that Jesus is the Messiah, the Son of God, and that through this belief you may have life in his name.

Reflection
By: Pam Manzano

Maraming pagkakataon na sa buhay ko inisip ko kung totoo nga ba ang Diyos na pinaniniwalaan ko. Lalo na kapag nahaharap sa malalaking pagsubok. At alam ko, hindi ako nag-iisa.

Kinagisnan ko na ang Katolisismo sa aking pamilya at kanila akong pinalaki sa Kristiyanong pamamaraan. Noong bata pa ako, itinuro sa akin ng nanay ko na importante ang pagsisimba tuwing Linggo at ang pagdarasal kung kaya’t naging parte na ng buhay-kabataan ko ang pagdalo sa misa tuwing alas-tres ng hapon para sa children’s mass sa Parokya ni San Jose sa Gagalangin. Nakalakihan ko na ang tagpong iyon tuwing Linggo at masasabi kong isa iyon sa mga nakapagpatibay sa pundasyon ng aking pananampalataya.

Tulad ng lahat ng tao, ang bawat bata ay tumatanda at hindi ako exempted ‘don. Sa pagtanda ko, marami akong naranasan, mga bagay na natutunan, sinubukan at iniwasan. Namulat ako sa karahasan ng mundo at sa hindi pagiging patas ng buhay. Naging bukas ang mga mata ko sa kahirapan. Hindi na lingid sa kaalaman ng mura kong isipan ang hirap ng pagsabay sa bilis ng agos ng mundo, ang materyalistik na paraan ng pamumuhay ng tao at ang pagbabago ng moralidad ng tao.

Tulad pa rin ng marami, dumanas ako ng mga problemang akala ko’y wala ng solusyon. Noong mga panahong iyon, napakababa ng tingin ko sa aking sarili. Wari ba’y pakiramdam ko na kung ihahalintulad sa isang papel ang buhay ko, masyado na kong maraming bura. Butas na ang ibang parte, gusot-gusot at hindi na rin papasa kahit pa pang-scratch paper lang. Handa na ko itapon sa basurahan. At alam ko, noong mga panahon na iyon, na hindi masyadong magtatagal ay itatapon na ako ng tuluyan.

Ayon sa sikolohiya, ang tao ay may konsepto ng “self-preservation”. Ito ay ang pagprotekta ng isang tao sa kanyang sarili mula sa mga external variables na nagbabanta sa kanyang buong pagkatao, pati na sa paraan ng kanyang pamumuhay. Napatunayan ko sa maraming pagkakataon na may katotohanan ang teoryang ito. Ang tao, kahit alam nya na siya ang puno at dulo ng mga pangyayari sa buhay nya dahil sa mga bagay na pinili nya, pilit pa ring isinisisi sa relihiyon, iba’t ibang parte ng katawan (e.g. puso, utak, etc), sa ibang tao, at higit sa lahat, sa Diyos ang mga nararanasan.

Tuwing may problema o nasasaktan, mabenta ang tanong na “Diyos ko, nasan Ka ngayong naghihirap ako?” o di naman kaya ay “Kung totoong may Diyos, hindi Niya sana ito hinayaang mangyari!” Isa rin ako sa mga nagtanong nyan. May kaibahan nga lamang dahil sa natatandaan ko, hindi ko sinisi ang DIyos kundi nawalan ako ng tiwala sa aking pananampalataya. Natagpuan ko ang sarili ko na nangangapa sa dilim, walang pag-asa, at walang katiyakan kung saan dapat pumunta. Hindi ko alam bakit ako napalayo sa Diyos at bakit humina ang pananalig ko sa Kanya. Hindi ko sigurado kung bakit nga ba ako nabulag at nawalan ng pag-asa na kaya ko pang bumangon at magpatuloy sa paglakad. Parang bigla na lamang ako napagod sa ikot ng buhay, nalumpo ng bagyong naranasan at naiwan ng byahe sa pupuntahan kaya naligaw.

Hindi pa uso ang recycling ng basura noon pero nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kahit isa ako sa milyun-milyong anak Niya na minsan nang naligaw at nawalan ng matibay na pananampalataya sa Kanya, pinili Niyang i-recycle ang basura kong papel upang maging bago, malinis, may patutunguhan at kaaya-aya sa Kaniyang paningin. Inihingi ko iyon ng kapatawaran sa Kaniya at muli ay namangha ako sa kapangyarihan ng Kaniyang pagmamahal at pagpapatawad. Tulad ng pagkakaligaw ko noon na hindi ko alam saan nag-ugat, hindi ko rin maisip ngayon kung ano ang nagtulak sa akin upang magbalik-loob sa Kaniya. Siguro, Siya na lamang ang may alam nun. Ang mahalaga, nakabalik na ako sa aking Pastol.

Sa repleksyon kong ito para sa Ebanghelyo ngayong Linggo, hindi naging madaling aminin na isa ako sa mga Kristiyanong nag-back-slide sa pananampalataya. Hindi madaling ihalintulad ko ang aking sarili kay Tomas na hindi naniwalang buhay si Hesus hangga’t hindi niya pa ito nakikita, sampu ng Kaniyang mga tinamong sugat. Hindi naging madaling isulat ang bawat salita na binabasa mo ngayon dahil bawat letra sa repleksyon na ito ay sumasagisag ng pananampalatayang nawalan ng alab, nanlamig at unti-unting namatay. Nakakahiya mang aminin o nakagugulat man para sa iba, ramdam ko ang kasiyahan dahil naibahagi ko sa inyong lahat ang minsan ay pinakatatago kong kahinaan. At sa kahinaang ito, naramdaman ko ang kalakasan ng aking Diyos.

Ikaw? Kamusta na ang pananampalataya mo ngayon?

Prayer

Mahal na Panginoon, salamat sa handog Mong pananampalataya.  Maraming beses na di ako naging tapat sa Iyo subalit Ika'y nanatili at mananatili pa ring tapat sa akin. Patatagin Mo po ako sa aking pakikipag-ugnayan sa Iyo upang makilala ng lahat ang Iyong pagliligtas at ang Iyong pagkabuhay na mag-uli. Amen. Aleluya.



No comments:

Post a Comment

Tell us what you feel...

Followers

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP