Powered by Blogger.

Saturday 28 April 2012

" Sino Ka? "

Fourth Sunday of Easter
April 29, 2012
Image and video hosting by TinyPic
“I am the good shepherd, and know my sheep, and am known of mine “

First Reading: Acts 4:8-12

Then Peter, filled with the Holy Spirit, said to them, "Rulers of the people and elders, if we are being examined today concerning a good deed done to a cripple, by what means this man has been healed, be it known to you all, and to all the people of Israel, that by the name of Jesus Christ of Nazareth, whom you crucified, whom God raised from the dead, by him this man is standing before you well. This is the stone which was rejected by you builders, but which has become the head of the corner. And there is salvation in no one else, for there is no other name under heaven given among men by which we must be saved."

Resp. Psalm: Psalm 118:1, 8-9, 21-23, 26, 28-29

Second Reading: 1 John 3:1-2

See what love the Father has given us, that we should be called children of God; and so we are. The reason why the world does not know us is that it did not know him. Beloved, we are God's children now; it does not yet appear what we shall be, but we know that when he appears we shall be like him, for we shall see him as he is.

Gospel: John 10:11-18

"Truly, truly, I say to you, he who does not enter the sheepfold by the door but climbs in by another way, that man is a thief and a robber; but he who enters by the door is the shepherd of the sheep. To him the gatekeeper opens; the sheep hear his voice, and he calls his own sheep by name and leads them out. When he has brought out all his own, he goes before them, and the sheep follow him, for they know his voice. A stranger they will not follow, but they will flee from him, for they do not know the voice of strangers." This figure Jesus used with them, but they did not understand what he was saying to them. So Jesus again said to them, "Truly, truly, I say to you, I am the door of the sheep. All who came before me are thieves and robbers; but the sheep did not heed them.I am the door; if any one enters by me, he will be saved, and will go in and out and find pasture. The thief comes only to steal and kill and destroy; I came that they may have life, and have it abundantly.

Reflection
By: Pam Manzano

Sabi ng isang kanta sa simbahan: “Walang sino man ang nabubuhay sa sarili lamang. Walang sino man ang namamatay para sa sarili lamang…”

Sa ilang taon na inilagi mo na sa mundong ito, hindi ba at kinailangan mo rin ng ibang tao para mabuhay o para magtagumpay sa isang pagsubok? May iba’t ibang uri ng tao na ikinategorya ayon sa Ebanghelyo ngayon at atin din silang isa-isahin.

Good Shepherd: Ito si Hesus. Sa mundo ng mga mortal, sinisimbolo ito ng mga taong literal na handang magbigay ng buhay nila para sa atin. Kabilang dito lahat ng nagmamahal sa atin sa hirap at ginhawa. Kung igu-grupo ang mga taong ito, kadalasan sila sina nanay, tatay, lolo, lola, ate, at kuya. Kung napansin mo, sila ang mga kapamilya natin. Mangilan ngilan din sa ating mga kaibigan at kakilala ang kasama dito. Minsan pa nga ay hindi natin kakilala yung mga taong kabilang sa grupong ito ngunit handa tayo ipagtanggol o maging ang ibang tao sa oras ng pangangailangan. At oo, kahit gaano pa tayo lagi pasaway o pinapagalitan ng mga taong yan, asahan mo na sa oras ng kagipitan, unang-una sila na dadamay sa atin. Ito ang grupo ng mga taong kahit ano pa man ang mangyari, hindi tayo susukuan o iiwan.

Hired hand: Ito naman ang mga taong nagbabantay at nag-aalaga satin. Pero may kapalit. Kadalasan ito yung mga literal na “hired”. Helpers, driver, yaya, at iba pa. Oo, inaalagaan nila tayo, pero hindi katulad ng mga good shepherd ng buhay natin. Kapag inalis natin yung “bayad” o kung ano mang bagay ang nakukuha nila mula sa atin, mawawala na rin sila. Ang masaklap pa, kasama rin sa grupo ng mga taong ito ang ibang kaibigan natin. Madalas, kapag nagkakagipitan na, ito yung mga taong biglang nawawala. Mga taong nag-aalaga sa atin pero hindi tayo handang ipaglaban o ipagtanggol sa kagipitan o maging hanggang sa kamatayan.

Wolves: Ito naman ang grupo ng tao na walang ibang hangad kundi sirain ang dignidad at pagkatao natin. Hindi ko alam kung mayroon ngang ganitong uri ng tao dahil sa isang banda ay fan ako ng humanistic theory ng sikolohiya. Nakakalungkot man na isipin, sa laganap na kasamaan sa ating mundo, hindi maiiwasang isipin na baka nga may mga taong ganito. Sila yung walang pakialam makasakit man ng kapwa. Ang mga tao sa grupong ito ang nagiging daan ng kasamaan upang lumaganap sa mundo natin. Sa kanila tayo kalimitang ipinagtatanggol ng mga good shepherds ng buhay natin. Sila rin ang kalimitang dahilan bakit tayo iniiwan ng mga hired hands. Minsan, kasama sa grupong ito ang ilan sa ating mga kaibigan at kakilala. Ang kalimitang mensahe sa kanila: hindi pa huli ang lahat para humingi ng tawad at magsisi
.
Ano man ang grupong kinabibilangan ng iyong sarili, sana ay gawin mo ang lahat para mapabilang ka sa kategoryang good shepherd. Sana ay gayahin natin si Hesus na itinuring tayong mga kaibigan at ibinigay ang buhay Niya para sa atin kahit gaano pa tayo kalubog sa mga kasalanan. Dalangin ko na sana ay hangarin ng bawat isa sa atin ang kabutihan para sa ibang tao at maging sa ating mga sarili na rin.

Lahat tayo ay may pananagutan para sa bawat isa, hindi ba nga at isa tayong komunidad? One for all, all for one ang dapat. Lalo na kung para sa ikagaganda at ikabubuti ng kalagayan ng bawat isa.

Prayer:

Mahabagin at mapagmahal na Diyos, patuloy mo po na pag-alabin ang iyong pag-ibig sa aming mga buhay. Magsilbi nawa kaming daluyan ng Iyong dakilang pagmamahal sa aming pamilya at maging sa komunidad na aming kinabibilangan. Patuloy Mo po kaming hawakan sa Iyong mga kamay at ilayo sa kapahamakan. Ituon Mo po sa Iyo ang aming mga mata, hanggang sa matapos naming ang aming paglalakbay. Amen

( Hindi ko layunin na mag-“stereotype” ng mga uri ng tao sa repleksyon kong ito. Ang mga paghahambing at paglalarawan sa itaas ay akin lamang opinyon at aking inirerespeto ang subhektibong pananaw ng bawat mambabasa. )




No comments:

Post a Comment

Tell us what you feel...

Followers

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP