Powered by Blogger.

Thursday 1 November 2012

Huwag Kang Pasaway!

Thirty-First Sunday
In Ordinary Time
November 4, 2012

First Reading: Dt 6:2-6

I Moses spoke to the people, saying: "Fear the LORD, your God, and keep, throughout the days of your lives, all his statutes and commandments which I enjoin on you, and thus have long life. Hear then, Israel, and be careful to observe them, that you may grow and prosper the more, in keeping with the promise of the LORD, the God of your fathers, to give you a land flowing with milk and honey.

" Hear, O Israel! The LORD is our God, the LORD alone! Therefore, you shall love the LORD, your God, with all your heart, and with all your soul, and with all your strength. Take to heart these words which I enjoin on you today."

Responsorial Psalm: Ps 18:2-3, 3-4, 47, 51

Second Reading: Heb 7:23-28

Brothers and sisters:

The levitical priests were many because they were prevented by death from remaining in office, but Jesus, because he remains forever, has a priesthood that does not pass away. Therefore, he is always able to save those who approach God through him, since he lives forever to make intercession for them.

It was fitting that we should have such a high priest: holy, innocent, undefiled, separated from sinners, higher than the heavens. He has no need, as did the high priests, to offer sacrifice day after day, first for his own sins and then for those of the people; he did that once for all when he offered himself. For the law appoints men subject to weakness to be high priests, but the word of the oath, which was taken after the law, appoints a son, who has been made perfect forever.

Gospel: Mk 12:28b-34

One of the scribes came to Jesus and asked him, "Which is the first of all the commandments?" Jesus replied, "The first is this: Hear, O Israel! The Lord our God is Lord alone! You shall love the Lord your God with all your heart, with all your soul, with all your mind, and with all your strength. The second is this: You shall love your neighbor as yourself. There is no other commandment greater than these." The scribe said to him, "Well said, teacher. You are right in saying, 'He is One and there is no other than he.' And 'to love him with all your heart, with all your understanding, with all your strength, and to love your neighbor as yourself' is worth more than all burnt offerings and sacrifices." And when Jesus saw that he answered with understanding, he said to him, "You are not far from the kingdom of God." And no one dared to ask him any more questions.

Reflection
By Patty dela Rosa-Paat

Babala! Patalastas! Paunawa! Mag-ingat! Mahigpit na Ipinagbabawal! Ilan lamang ito sa mga nababasa nating paalala sa mga pampubliko o pribadong lugar kung saan tayo ay pinapaalalahanang mag-ingat o sumunod sa mga patakaran o batas.

Sa loob ng tahanan, eskwelahan, simbahan, opisina, sa mga pasyalan at kung saan-saang lugar laging may mga “ reminders “ at “ rules and regulations “na tinatawag. Maging sa panonod ng T.V. o sa iba’t-ibang babasahin tulad ng Diyaryo, magazine at mga libro, laging may hatid na paalala sa mga manonood at mambabasa nito.  Tulad na lamang ng makikita natin sa mga daan. Bawat kalye o daan na iyong makikita ay laging may babala. Napakalaking bagay ng mga ito upang maiwasan ang mga aksidente at malagim na kamatayan. Subalit nakakalungkot isipin na marami pa ring matitigas ang ulo o mga taong tinatawag na“ pasaway “ na lumalabag sa batas-trapiko o batas ng kalye kung kaya paulit-ulit na nagaganap ang mga aksidente at banggaan sa daan.

Bawat bansa ay may mga batas o kautusang ipinapatupad para sa ikauunlad at ikapapayapa hindi lamang ng bansa pati na rin ng mga mamamayan. Ito ang tinatawag na “ Batas ng Tao “ sapagkat  tao ang may akda at tao rin ang nagpatupad nito. Ngunit bago pa man nagkaroon ng mga batas ng tao, nauna ng nagbigay sa atin ang Diyos ng babala sa pamamagitan ng ating unang mga magulang na sina Eba at Adan. Sila ay binigyan ng babala ng Diyos, sa pamamagitan ng mahigpit na pagbabawal sa kanila ng pagkain ng prutas mula sa puno ng karunungan. Sa kasamaang palad sinuway ni Eba at Adan ang utos ng Diyos at sila ay pinalayas sa hardin ng Eden.

Sa Lumang Tipan ipinahayag ng Diyos ang kanyang Sampung Utos sa pamamagitan ni Moises. At ang Sampung Utos na ito ay nahati sa dalawang bahagi sa Bagong Tipan at tinawag itong “ Dalawang Dakilang Utos ng Diyos.“

1.     Ang una ay nauukol sa pag-ibig sa Diyos.

“ Ibigin mo ang Diyos ng buo mong puso at buong pag-iisip.” Kung saan saklaw nito ang una hanggang ikatlong Utos ayon sa orihinal na Sampung Utos ng Diyos.

2.     At ang ikalawa naman ay nauukol sa pag-ibig sa kapwa.

“ Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” Saklaw naman nito ang kautusan mula ika-apat hanggang ika-sampung Utos ng Diyos.

Bilang mga kristiyano, hindi lingid sa ating kaalaman kung ano ang mga bagay-bagay o mga gawain na dapat nating gawin at mga hindi nararapat gawin upang maging kalugod-lugod tayo sa paningin ng Diyos. Hindi sapat na sundin natin ang unang dakilang utos at suwayin ang pangalawa. Sapagkat iniuutos Niya sa atin na ibigin natin ang ating kapwa. Alinman sa mga utos na ito ang ating labagin tayo ay hindi magiging kaaya-aya sa Kanyang paningin.

Ang pagsunod sa Diyos ang magpapalalim at magpapatibay ng ating relasyon sa Kanya at ating kapwa. Ito ang magiging sandata natin upang makaiwas tayo sa mga gawaing masama na magdudulot sa atin ng kapahamakan. Lagi nating tatandaan, ang mga kautusang ito ang magpapaalala at magsisilbing gabay para sa kaligtasan ng ating kaluluwa. Kaya sa mga kapatid natin sa pananampalataya, maging masunurin tayong mga anak ng Diyos at “ HUWAG TAYONG MAGING PASAWAY! “

Prayer

Panginoon naming Diyos, kami ay nagpapasalamat sa pagbibigay Mo sa amin ng mga kautusang magdudulot ng kabutihan sa aming buhay. Tularan nawa namin si Hesus na Iyong anak at si Maria  na aming ina sa pagiging tapat at masunurin sa Iyo. Patuloy Mo po kaming gabayan upang maisakatuparan namin ang aming tungkulin sa Iyo at sa aming kapwa. Amen.

No comments:

Post a Comment

Tell us what you feel...

Followers

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP