Powered by Blogger.

Wednesday 7 November 2012

"Self-righteous"

Thirty-Second SundayIn Ordinary Time
November 11, 2012

First Reading: 1 Kgs 17:10-16

In those days, Elijah the prophet went to Zarephath. As he arrived at the entrance of the city, a widow was gathering sticks there; he called out to her, "Please bring me a small cupful of water to drink." She left to get it, and he called out after her, "Please bring along a bit of bread." She answered, "As the LORD, your God, lives, I have nothing baked; there is only a handful of flour in my jar and a little oil in my jug. Just now I was collecting a couple of sticks, to go in and prepare something for myself and my son; when we have eaten it, we shall die." Elijah said to her, "Do not be afraid. Go and do as you propose. But first make me a little cake and bring it to me. Then you can prepare something for yourself and your son. For the LORD, the God of Israel, says, 'The jar of flour shall not go empty, nor the jug of oil run dry, until the day when the LORD sends rain upon the earth.'" She left and did as Elijah had said. She was able to eat for a year, and he and her son as well; the jar of flour did not go empty, nor the jug of oil run dry, as the LORD had foretold through Elijah.

Responsorial Psalm: Ps 146:7, 8-9, 9-10

Second Reading: Heb 9:24-28

Christ did not enter into a sanctuary made by hands, a copy of the true one, but heaven itself, that he might now appear before God on our behalf. Not that he might offer himself repeatedly, as the high priest enters each year into the sanctuary with blood that is not his own; if that were so, he would have had to suffer repeatedly from the foundation of the world. But now once for all he has appeared at the end of the ages to take away sin by his sacrifice. Just as it is appointed that human beings die once, and after this the judgment, so also Christ, offered once to take away the sins of many, will appear a second time, not to take away sin but to bring salvation to those who eagerly await him.

Gospel: Mk 12:38-44

In the course of his teaching Jesus said to the crowds, "Beware of the scribes, who like to go around in long robes and accept greetings in the marketplaces, seats of honor in synagogues, and places of honor at banquets. They devour the houses of widows and, as a pretext recite lengthy prayers. They will receive a very severe condemnation."

He sat down opposite the treasury and observed how the crowd put money into the treasury. Many rich people put in large sums. A poor widow also came and put in two small coins worth a few cents. Calling his disciples to himself, he said to them, "Amen, I say to you, this poor widow put in more than all the other contributors to the treasury. For they have all contributed from their surplus wealth, but she, from her poverty, has contributed all she had, her whole livelihood."

Reflection
By Patty dela Rosa

Sino nga ba ang mga tinatawag na “ Eskriba “ noong panahon ni Kristo? Ang mga Eskriba ay mga taong dalubhasa sa panulat. Sila ang mga taga-sipi at taga-kopya ng mga kasulatan. Mataas ang kanilang pinag-aralan at sila ay may kaalaman pagdating sa batas ng Hudaismo. Sa madaling salita, hindi sila ordinaryong tao lamang dahil sa kanilang mabigat na tungkulin. At sa estado nilang ito sa lipunan wala silang pinagkaiba sa mga Pariseo at Saduseo na may mataas na pagtingin sa kanilang mga sarili at wala silang ginawa kung hindi tuligsain si Kristo.

Sila ang mga taong “ self-righteous”. Ingat na ingat silang makitaan ng kapintasan ng mga mamamayan. May bigat ang kanilang pananalita. May impluwensiya ika nga. Sila ang mga taong ginagamit ang posisyon upang mapanatili nila ang mataas na pagkilala sa kanila ng mga tao. Mahilig silang magpakita kung saan makakaagaw sila ng pansin at ipinapakita nila na lahat ng kanilang ginagawa ay tama at naayon sa kautusan ng Diyos.

Isang katotohanan na magpasa-hanggang ngayon ay may mga ganitong uri pa rin ng tao. Mga taong ginagamit ang kanilang mga talino, kapangyarihan at matataas na tungkulin sa maling paaraan upang makapang-api o makapang-abuso ng kanilang kapwa.

Ang pagtulong sa ating kapwa at pagbibigay ng abuloy sa simbahan at iba’t-ibang organisasyon ay ginagawa ng kusang-loob. Hindi ito ginagawa para magpasikat at makakuha ng atensyon ng publiko. Hindi dito nasusukat ang ating katapatan at pagmamahal sa Diyos. Wala ito sa laki o liit, ang mahalaga ay ibinibigay natin ito ng may KUSANG-LOOB.

 Sabi nga ni Mother Teresa

“ It is not how much we do, but how much love we put in the doing. It is not how much we give, but how much love we put in the giving.”

Paano nga ba tayo sinusukat ng Diyos ayon sa ating pagkatao? Sinusukat Niya ang ating pagkatao sa pamamagitan ng laki ng ating puso. Hindi sa pamamagitan ng dami ng kayamanan, mataas na antas ng pamumuhay, mataas na pinag-aralan, kapangyarihan at kasikatan. Ang pagsukat ng Diyos sa atin ay naayon sa kalinisan ng ating kalooban. Pagiging tapat sa Kanya, pagiging mababang-loob, may pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa.

Ang Diyos ay hindi nang-uuri at wala Siyang “ favoritism “. Lahat tayo ay pantay-pantay sa Kanyang paningin kung kaya huwag tayong mainggit sa mga taong lulong sa bisyo ng kasikatan at kapangyarihan. Dahil sa oras ng kamatayan, Diyos lamang ang tanging huhusga sa lahat ng ating ginawa. Mabuhay tayo ng walang “ yabang sa katawan “. Dahil wala naman tayong maaaring ipagmalaki sa Diyos, lahat ng tinatamasa natin dito sa lupa ay Kanyang pahiram lamang, maging ang ating buhay ay hiram din lamang. Wala tayong pag-aari sa mundong ito. Huwag tayong mabuhay at masilaw sa kasikatan at mga materyal na bagay na nagpapasaya sa ating katawang-lupa. Huwag rin nating gawing pamantayan ang pera sa pagbibigay ng respeto sa ating kapwa. Dahil kailanman hindi ito ang naging sukatan ng Diyos upang tayo ay Kanyang mahalin at ituring na Kanyang mga anak.

Prayer:           

Panginoon, tulungan mo po kaming maging mapagkumbaba. Palayaain mo po ang aming mga puso sa pagkabulag sa kayamanan, kapangyarihan, karunungan at kasikatan. Iwaksi nawa namin ang kasakiman, panghuhusga, kawalang malasakit sa aming kapwa at pag-iisip na kami ay angat sa iba. Ang mga pag-uugaling ito ay magdudulot sa amin ng kapahamakan. Tularan nawa namin ang kababaang-loob ng Iyong anak na si Hesus at isabuhay ang Kanyang mga turo. Amen.

No comments:

Post a Comment

Tell us what you feel...

Followers

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP