Powered by Blogger.

Saturday 17 November 2012

" Permanente "

Thirty-Third Sunday
In Ordinary Time
November 18, 2012
Jesus Creation Animated Pictures, Images and Photos
“ Heaven and earth will pass away, but my words will not pass away.”


First Reading: Dn 12:1-3

In those days, I Daniel, heard this word of the Lord: "At that time there shall arise Michael, the great prince, guardian of your people; it shall be a time unsurpassed in distress since nations began until that time. At that time your people shall escape, everyone who is found written in the book.

" Many of those who sleep in the dust of the earth shall awake; some shall live forever, others shall be an everlasting horror and disgrace.

" But the wise shall shine brightly like the splendor of the firmament, and those who lead the many to justice shall be like the stars forever."

Responsorial Psalm: Ps 16:5, 8, 9-10, 11

Second Reading: Heb 10:11-14, 18

Brothers and sisters:

Every priest stands daily at his ministry, offering frequently those same sacrifices that can never take away sins. But this one offered one sacrifice for sins, and took his seat forever at the right hand of God; now he waits until his enemies are made his footstool. For by one offering he has made perfect forever those who are being consecrated. Where there is forgiveness of these, there is no longer offering for sin.

Gospel: Mk 13:24-32

Jesus said to his disciples:

" In those days after that tribulation the sun will be darkened, and the moon will not give its light, and the stars will be falling from the sky, and the powers in the heavens will be shaken. "And then they will see 'the Son of Man coming in the clouds' with great power and glory, and then he will send out the angels and gather his elect from the four winds, from the end of the earth to the end of the sky.

" Learn a lesson from the fig tree. When its branch becomes tender and sprouts leaves, you know that summer is near. In the same way, when you see these things happening, know that he is near, at the gates. Amen, I say to you, this generation will not pass away until all these things have taken place. Heaven and earth will pass away, but my words will not pass away. "But of that day or hour, no one knows, neither the angels in heaven, nor the Son, but only the Father."

Reflection
By Patty-dela Rosa

EVERYTHING THAT HAS BEGINNING HAS AN END!

Ako ay personal na naniniwala sa kasabihang ito. Sadyang walang permanente sa mundo. Lahat naglalaho, may hangganan. Bawat bagay na nakikita natin sa mundo ay hindi permanente. Tulad ng mga pagkain, inumin, mga bagay-bagay na ginagamit natin sa pang-araw-araw nating pamumuhay lahat may “expiration date”.

Tulad rin mga kwentong nababasa natin sa mga libro o komiks, at mga kwentong napapanood natin sa telebisyon, masaya man o malungkot, lahat nagtatapos sa salitang “ The end “. Parang tulay o daan laging may dead end. Ang mga hayop, halaman at mga puno gayundin ang iba pang mga likas na yaman tulad ng tao ay may nakatakdang panahon para sa kanilang paglisan. Oo, lahat tayo ay lilisan din sa mundong ibabaw.
 Negatibo man ito sa ating pandinig, ito ay katotohanang dapat nating tanggapin. Lahat ay may katapusan… may hangganan.

Sabi ng karamihan tanging pagbabago lamang ang natitirang permanente sa mundo. Maliban dito meron pa kayang natitirang permanente sa mundo?

 Malinaw na ang sagot ay MERON! At pinatunayan ito ni San Mateo sa kanyang sinulat. 

“ Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas. “ - Mateo 24:35

Ilang henerasyon na ang nagdaan at naisalin na Ito sa iba’t-ibang wika. Nagpapasalin-salin na rin Ito sa iba’t-ibang lahi subalit magpa-hanggang ngayon ay nanatiling buhay ang mga SALITA NG DIYOS. At Ito ay mananatiling buhay magpakailanman!

Hindi man natin nakikita ang Diyos, naririnig naman natin ang Kanyang mga Salita na nasusulat sa Bibliya. Ang Bibliya ay mismong Salita ng Diyos. Ito ay banal at bawat salitang naisulat dito ay naglalaman ng mga mensahe at mga pangyayari na magpapatunay sa kapangyarihan at kadakilaan ng Diyos.

Oo buhay ang SALITA NG DIYOS at Ito ay BANAL sapagkat ang Diyos ay banal. Lahat ng sinabi ng Diyos sa Banal na Kasulatan ay nangyari at mangyayari pa lamang. Hindi na natin kailangang hintayin ang huling paghuhukom para lamang paniwalaan ang Kanyang mga Salita.

Sa pagbabasa ng Bibliya at pakikinig ng Salita ng Diyos tuwing araw ng pangilin, malalaman natin ang mga nais ng Diyos para sa atin. Ito ang magiging gabay natin sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Ngunit paano nga ba sumasabay ang mga mananampalatayang katoliko o mga Kristiyano sa modernong pamumuhay? Ngayon naglabasan na ang mga makabagong teknolohiya kung saan napapadali ang pakikipag-ugnayan ng mga tao sa bawat isa. Tulad na lamang ng mga cellphones, iba’t-ibang gadgets, computer, internet at kung anu-ano pa.

Sa ngayon iba’t-ibang “social networking sites” ang kinahuhumalingan ng mga tao. Tinagurian na nga tayong mga Pilipino na “ netizens “ dahil sa pagkahumaling natin sa pag-gamit ng internet. Wala masama sa pag-gamit ng internet. Hindi rin ipinagbabawal ito sapagkat napapadali nito ang maraming bagay, subalit may mga umaabuso rin sa pag-gamit nito. Sa ngayon mariing tinutulan ng ating gobyerno ang labis na pang-aabuso sa pag-gamit ng internet kung saan nagagawa ang iba’t-ibang krimen o “cybercrime”. Mahabang usapin pa ang mangyayari bago maisabatas ang “cybercrime law’. Mahaba-habang debate ang mangyayari maisakatuparan lamang ito. Pabor man tayo o hindi isipin natin ang mabuting maidudulot nito sa mga “ netizens ” tulad natin.

Sa usaping internet, hindi rin naman nagpapahuli ang Simbahang Katoliko at iba’t-ibang “religious denominations” o “religious groups”. Sumasabay din sila sa makabagong teknolohiya upang maipagpatuloy ang mga gawaing pang-kristiyano. Tulad ng tubig na dapat sinasabayan ang agos, at sayaw na dapat sumasabay sa tugtog ng musika ganito kahalaga na maipagpatuloy ang mga gawaing nasimulan na bago pa man dumating si Kristo. Ang Bibliya bilang aklat na naglalaman ng mga Salita ng Diyos, sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya ay maari na rin nating mabasa sa pamamagitan ng computer at internet.

Wala mang Facebook ang Diyos, hindi man Siya nagtu-tweet o nag-o-“online message” sa atin, wala man Siyang blog site, alam natin na kailanman ang Kanyang mga Salita ay hindi magwawakas o maglalaho.

Makaluma man o makabagong tradisyon, Netizen ka man o hindi, ang pakikinig o pagbabasa ng Salita ng Diyos ay isang mabuting paraan upang mapalalim ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos. Hindi Ito pana-panahon lamang at wala ring katapusan. Magunaw man ang mundo, ang Salita ng Diyos ay mananatili ngayon, bukas at magpakailanman.

Kaya bilang mananampalatayang katoliko, ang SALITA NG DIYOS ay ating isa-puso, isa-isip, isagawa at isabuhay sapagkat Ito ang magliligtas sa atin tungo sa buhay na walang hanggan.

Prayer:

Panginoon naming Diyos, Amang mapagmahal, kami ay nagpapasalamat sa pagbabahagi mo ng Iyong mga Salita dito sa sanlibutan. Nawa’y maging gabay namin Ito sa paggawa ng kabutihan sa aming kapwa at pagsunod sa Iyo. Maging ehemplo nawa kami  sa pagiging tunay na Kristiyano. Tulad Mo, ang Iyong mga Salita ay banal at mabuti. Ipahintulot mo pong maisakatuparan naming ang Iyong mga Salita sa ngalan ni Hesus na Iyong anak at aming tagapag-ligtas.Amen.

No comments:

Post a Comment

Tell us what you feel...

Followers

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP