Powered by Blogger.
Showing posts with label Diyos. Show all posts
Showing posts with label Diyos. Show all posts

Saturday, 17 October 2015

Ang Corona ang Dapat Humanap ng Ulo

Twenty Ninth Sunday 
   In Ordinary Time
   October 18, 2015

“ Be imitators of me, as I am of Christ.”

First Reading: Isaiah 53:10-11

The LORD was pleased to crush him in infirmity.

If he gives his life as an offering for sin, he shall see his descendants in a long life, and the will of the LORD shall be accomplished through him.

Because of his affliction he shall see the light in fullness of days; through his suffering, my servant shall justify many, and their guilt he shall bear.

Responsorial Psalm: Psalms 33:4-5, 18-19, 20, 22

Second Reading: Hebrews 4:14-16

Brothers and sisters:

Since we have a great high priest who has passed through the heavens,  Jesus, the Son of God, let us hold fast to our confession. For we do not have a high priest who is unable to sympathize with our weaknesses, but one who has similarly been tested in every way, yet without sin. So let us confidently approach the throne of grace to receive mercy and to find grace for timely help.

Gospel: Mark 10:35-45

James and John, the sons of Zebedee, came to Jesus and said to him, "Teacher, we want you to do for us whatever we ask of you."  He replied, "What do you wish me to do for you?"  They answered him, "Grant that in your glory we may sit one at your right and the other at your left."

Jesus said to them, "You do not know what you are asking.  Can you drink the cup that I drink or be baptized with the baptism with which I am baptized?"  They said to him, "We can."  Jesus said to them, "The cup that I drink, you will drink, and with the baptism with which I am baptized, you will be baptized; but to sit at my right or at my left is not mine to give but is for those for whom it has been prepared."

When the ten heard this, they became indignant at James and John.  Jesus summoned them and said to them, "You know that those who are recognized as rulers over the Gentiles lord it over them, and their great ones make their authority over them felt.  But it shall not be so among you. Rather, whoever wishes to be great among you will be your servant; whoever wishes to be first among you will be the slave of all.  For the Son of Man did not come to be served but to serve and to give his life as a ransom for many."

Reflection
By Nats Vibiesca

Ang m~ga camahalan sa bayan, ang cahalimbaua,i, corona na di ipinagcacaloob cun di sa may carapatan, caya di dapat pagpilitang camtan cun di tanguihan, cun inaacala na di niya icamamahal, sa macatouid, cun di mapapurihan ang camahalan. Ang corona, camahalan at caran~galan, ang dapat humanap nang ulo na puputungan, at di ang ulo ang dapat humanap nang coronang ipuputong. Ang caran~galan, sa caraniuan, ay may calangcap na mabigat na catungculan, caya bago pahicayat ang loob nang tauo sa pagnanasa nangcaran~galan, ay ilin~gap muna ang mata sa catungculan, at pagtimbangtim, ban~gin cun macacayanangpasanin.

-Sipi mula sa orihinal na teksto ng “PAG SUSULATAN NANG DALAUANG BINIBINI NA SI URBANA AT NI FELIZA (1902)ni Presbitéro D. Modesto De Castro


Hindi na ginagamit sa ngayon ang dating estilo ng Tagalog na orihinal na teksto ng kuwentong Urbana at Felisa na nailathala noong bago tuluyang umalis ang mga Kastila sa Pilipinas. Pero ang mga aral nito ay napapanahon pa rin at pasok sa Ebanghelyo ngayon. Kasama ang Urbana at Felisa sa mga panitikan na ipinapabasa ko sa mga estudiyante sa kolehiyo upang mapag-aralan ang panitikang Pilipino sa iba’t ibang panahon at sabit dito ang mga aral na maiaakma pa rin sa ngayon.  Ang suspetsa ko ay nakuha ni Padre Modesto De Castro sa ebanghelyo ngayon ang ideya na ang korona dapat ang humanap ng ulo na puputungan at hindi ang ulo ang dapat humanap ng koronang ipuputong sa kanyang sarili. Bakit nga ba gustong-gusto nating maputungan ng korona? Nagkakandarapa tayo na makuha ang matataas na posisyon,  sa kumpanya o pulitika, sa paaralan o maging sa pamilya, o sa anumang organisasyon. Iba’t iba ang dahilan marahil: ang iba’y gustong sumikat, o kaya’y gustong umasenso sa kabuhayan, o ang iba’y gustong maging importante, pero anuman  ang dahilan, kadalasa’y pansarili ang pakinabang ang intensiyon. Ngayo’y kasagsagan ng kampanya ng mga pulitiko sa bansa at nakakasawa na ang kung anu-ano’ng pakulo ng mga kandidato para lamang mailuklok nila ang kanilang sarili sa posisyon na dapat sana’y sa mga taong may totoong hangarin na maglingkod sa bayan, kaya nga’t tinatawag sana silang public servant. Saan nga ba natin uugatin ang pag-aagawan ng puwesto sa pamamahala? Bakit tila kanser na hindi magamot ang kagahaman sa pangangamkam ng matataas na posisyon sa pamahalaan?

Bago magsimula ang semestral break, sa faculty room, narinig ko ang isang estudiyante na kausap ang kanyang propesor dahil gusto niyang malaman kung bakit mas mababa ang kanyang nakuhang grado kaysa sa ilang kamag-aral niya. Ipinakita ng propesor ang kanyang record at ipinaliwanag sa kanya kung papaano ang pagkuwenta ng grado mula sa mga bahagdan ng kanyang attendance, recitation, projects, at mga eksaminasyon. Inulit pa nga sa harap ng estudiyante ang pagkuwenta para ipakitang tama naman ang ibinigay niyang grado sa kanya. Pero mapilit siya na sa tingin niya’y mas mataas dapat ang kanyang grado kaysa sa iba. "Hindi ko naman pwedeng dayain ang grado mo at kung anuman ang nakuha ng ibang kamag-aral mo ay hindi mo na concern iyon", ang sabi ng propesor. Hindi na inalam pa ng propesor kung bakit niya ikinukumpara ang sariling grado sa ibang kamag-aral, na kung huhulaan ko ay maaaring nag-uugat sa pagkainggit ito. Kung mula kabataa’y lagi na lang tayong naiinggit sa ating kapwa sa anumang kagalingang natatamasa nila sa buhay, at hindi na tayo nahihiyang kuwestyunin kung bakit sila’y nasa ganoong kalagayan, na wala namang ibang dahilan ito kundi ang kanilang pagsusumikap. Katulad ng ipinapahayag ng ebanghelyo ngayon na tanging ang  tapat na paglilingkod natin sa kapwa ang magluluklok sa atin sa kadakilaan. At kung tunay na pinaglilingkuran natin ang ating kapwa, pinaglilingkuran na rin natin ang ating bayan at ito rin ang bayan ng Diyos sa lupa, kaya’t ang Diyos din naman ang talagang ating pinaglilingkuran. Hangga’t maaga pa’y maikintal na sa mga kabataan ang paglilingkod sa kapwa’y paglilingkod din sa bayan, at ito’y paglilingkod ngang tunay sa Diyos.


Prayer

Panginoon, nawa'y kalooban Mo Ang masunod sa pagpili ng ulo para sa korona ng pamahalaan ng Pilipinas sapagkat mas alam Mo Kung ano ang ikabubuti namin. Sa ngalan ni Jesus. Amen.

Friday, 9 October 2015

Hiwaga sa Puso ng Dukha


Twenty-Eighth Sunday
in Ordinary Time



“ Refusing further service as a Roman soldier: I am a soldier of Christ: combat is not permitted to me.” - St. Martin of Tours

First Reading:  Wisdom 7:7-11

I prayed, and prudence was given me; I pleaded, and the spirit of wisdom came to me. I preferred her to scepter and throne, and deemed riches nothing in comparison with her, nor did I liken any priceless gem to her; because all gold, in view of her, is a little sand, and before her, silver is to be accounted mire. Beyond health and comeliness I loved her, and I chose to have her rather than the light, because the splendor of her never yields to sleep. Yet all good things together came to me in her company, and countless riches at her hands.

Responsorial Psalm Psalm 90:12-13, 14-15, 16-17

Second Reading: Hebrews 4:12-13

Brothers and sisters:

Indeed the word of God is living and effective, sharper than any two-edged sword, penetrating even between soul and spirit, joints and marrow, and able to discern reflections and thoughts of the heart. No creature is concealed from him, but everything is naked and exposed to the eyes of him to whom we must render an account.

Gospel:  Mark 10:17-30

As Jesus was setting out on a journey, a man ran up, knelt down before him, and asked him, "Good teacher, what must I do to inherit eternal life?" Jesus answered him, "Why do you call me good?  No one is good but God alone. You know the commandments: You shall not kill; you shall not commit adultery; you shall not steal; you shall not bear false witness; you shall not defraud; honor your father and your mother."

He replied and said to him, "Teacher, all of these I have observed from my youth." Jesus, looking at him, loved him and said to him, "You are lacking in one thing. Go, sell what you have, and give to the poor and you will have treasure in heaven; then come, follow me."  At that statement his face fell, and he went away sad, for he had many possessions.

Jesus looked around and said to his disciples, "How hard it is for those who have wealth to enter the kingdom of God!"  The disciples were amazed at his words. So Jesus again said to them in reply, "Children, how hard it is to enter the kingdom of God!  It is easier for a camel to pass through the eye of a needle than for one who is rich to enter the kingdom of God."  They were exceedingly astonished and said among themselves, "Then who can be saved?"

Jesus looked at them and said, "For human beings it is impossible, but not for God.  All things are possible for God."  Peter began to say to him, “ We have given up everything and followed you."  Jesus said, "Amen, I say to you, there is no one who has given up house or brothers or sisters or mother or father or children or lands for my sake and for the sake of the gospel who will not receive a hundred times more now in this present age: houses and brothers and sisters and mothers and children and lands, with persecutions, and eternal life in the age to come."

Reflection
by Nats Vibiesca

Pinagninilayan ko kung ang mga mayayaman ay magkakaproblema sa pagpasok sa kaharian ng Diyos dahil sa kanilang kayamanan, ibig sabihin kaya’y mas madali naman para sa mga mahihirap ang makapasok sa langit dahil wala naman silang kayamanan? 

Pero ano nga ba ang konteksto natin ng pagiging mayaman sa ating bansa? Ano ba ang kahulugan ng pagiging mahirap o papaano natin susukatin ang pagiging mahirap? Kung ang sukatan nito ay katulad ng nararanasan ko bilang guro sa isang State University na katulad ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), na may mahigit limampung libong estudiyante, at kasalukuyang may walumpu o higit pang bilang ng mga first year na estudiyante sa bawat klase na pinagkakasya sa napakaliit na silid-aralan na walang aircon at madalas pang sira ang electricfan (palagi ko ngang sinasabi sa klase na para kaming sardinas sa kuwarto pero ngayo’y parang corned beef na), na halos isandaang porsiyento ay galing sa mga pamilyang walang pambayad ng tuition fee (kahit dose pesos lang per unit ang tuition fee) at walang perang maibigay na pamasahe o allowance pagpasok sa paaralan. Kaya nga’t naglalakad na lang ang karamihan makapasok lang; lagi na lang itlog o kaya’y pansit canton ang nakikita kong ulam sa tanghalian. Pero teka, ayokong isa-isahin pa ang mahabang-mahabang listahan ng manipestasyon ng kahirapan sa PUP. Basta sigurado kaming hindi mahihirapang makapasok sa kaharian ng Diyos kung ito nga ang pamantayan ng kahirapan. Ang totoo’y nasa langit na ako sa tuwing nahihikayat kong magsulat ng kuwento ang mga estudiyante ko tungkol sa kanilang mga karanasan sa pagiging mahirap. Kayamanan sa panulat o panitikan at ayon sa ebanghelyo’y pasaporte sa kalangitan ang mga kuwento nila tungkol sa paghihirap, pakikipaglaban, pagtitiyaga, pagtitiis, pakikipagsapalaran, pagsusumikap, pag-asa-- ang lahat ng mga detalye ng kuwentong galing sa urban poor o rural poor ay hindi madaling maunawaan ng mga mayayaman (papaano pa kaya ang tumulong sa mahihirap?).

Kakarampot ang sweldo ng isang guro sa Pilipinas, ibig sabihi’y hindi kayang bumuhay ng pamilya (kaya’t kaliwa’t kanan ang diskarte ng mga guro para kumita ng pang-dagdag sa pamilya) kaya’t lagi’t laging nakasandig ang mga guro sa ebanghelyong ito upang matuon sa pag-asa ang paghihirap kundi man maibsan ang mga nararanasan. Ito rin ang pinanghahawakang katibayan ng pagmamahal ng Diyos ng mga kargador sa palengke, saleslady, kunduktor, tindera ng sigarilyo, magbabalut, kasambahay, trabahador sa pabrika, at ang lahat ng uri ng manggagawa.

Pero hindi rin naman exempted ang mga mahihirap sa pagtulong sa kapwa, pagkat may kayamanan  din naman ang mga mahihirap, hindi nga lang materyal o pera. Tamang isipin na ang maraming-maraming talento na kaloob ng Diyos sa tao’y sapat na kayamanan ng mahihirap upang maibahagi sa iba. Pero mayroon pang mas higit dito na nakikita na natin pero kadalasang hindi pinapansin. Ganito ‘yung halimbawa na madalas kong nararanasan. Parang binabayo ang puso ko sa tuwing nakakakita ako ng isang construction worker na nakasakay sa jeep at hitsurang hapong-hapo sa maghapong pagbubungkal ng kalsada at biglang may sasakay na mga batang katutubo upang manghingi ng pera sa mga pasahero, at walang pasubaling ibibigay ng construction worker ang isang biskwit galing sa kanyang bulsa na hindi na niya siguro nameryenda dahil sa pagiging sobrang abala sa trabaho. Pero halos mapulbos ang puso ko sa pagkadurog nang bumaba ang mga bata sa jeep at makita kong hinati-hati pa ng batang katutubo ang kakapirasong biskwit at ibinahagi sa iba pang batang lansangan na hindi naman nila kasamang katutubo. Ano’ng hiwaga ang nasa puso ng mga mahihirap kung bakit laging nakikita at nadarama sa kanila ang pag-ibig sa kapwa na mula sa grasya ng Diyos? Pero hindi nagtatapos sa ganoon, kung itutuloy ko ang kuwento, isasama naman ang mga katutubo sa mga nagboboluntaryong kabataan na magturo ng mga asignaturang pampaaralan upang matuto sila na may pag-asang inaasam na balang araw ay hindi na muling mamamalimos sa lansangan.Walang katapusan ang pagtulong ng mahihirap sa mga nangangailangang kapwa mahirap na nakatuon sa pag-asang isang araw ay makakaahon din sa mga nararanasan. Hindi sobrang pera o sobrang panahon ang itinutulong ng mga mahihirap sa kapwa nila mahirap, sa katunaya’y kung ano ang mayroon sila at ito’y hindi rin madali dahil mararamdaman mo ang hirap at sakit na ibibigay mo pa ang kailangan mo rin naman. Siguro’y totoong mahirap para sa mga mayayaman na magbigay sa mahihirap ng hindi lang sobra sa kanilang kayamanan. Pero walang imposible sa tulong ng grasya ng Diyos.


Prayer

AMA, tulungan mo po kaming maging mapabigay at mapagmahal, mahirap man o mayaman. Iloob mo po na manatili kaming malapit sa Iyo magpakailanman. Amen.


Thursday, 26 June 2014

Sino Ka Ba Talaga?

Saints Peter and Paul, Apostles
June 29


First reading Acts 12:1-11

King Herod started persecuting certain members of the Church. He beheaded James the brother of John, and when he saw that this pleased the Jews he decided to arrest Peter as well. This was during the days of Unleavened Bread, and he put Peter in prison, assigning four squads of four soldiers each to guard him in turns. Herod meant to try Peter in public after the end of Passover week. All the time Peter was under guard the Church prayed to God for him unremittingly.
  On the night before Herod was to try him, Peter was sleeping between two soldiers, fastened with double chains, while guards kept watch at the main entrance to the prison. Then suddenly the angel of the Lord stood there, and the cell was filled with light. He tapped Peter on the side and woke him. ‘Get up!’ he said ‘Hurry!’ – and the chains fell from his hands. The angel then said, ‘Put on your belt and sandals.’ After he had done this, the angel next said, ‘Wrap your cloak round you and follow me.’ Peter followed him, but had no idea that what the angel did was all happening in reality; he thought he was seeing a vision. They passed through two guard posts one after the other, and reached the iron gate leading to the city. This opened of its own accord; they went through it and had walked the whole length of one street when suddenly the angel left him. It was only then that Peter came to himself. ‘Now I know it is all true’ he said. ‘The Lord really did send his angel and has saved me from Herod and from all that the Jewish people were so certain would happen to me.’

Psalm                                                                          Psalm 33:2-9


Second reading                                                      2 Timothy 4:6-8, 17-18

My life is already being poured away as a libation, and the time has come for me to be gone.
I have fought the good fight to the end; I have run the race to the finish; I have kept the faith; all 
there is to come now is the crown of righteousness reserved for me, which the Lord, the 
righteous judge, will give to me on that Day; and not only to me but to all those who have longed 
for his Appearing.

The Lord stood by me and gave me power, so that through me the whole message might be 
proclaimed for all the pagans to hear; and so I was rescued from the lion’s mouth. The Lord will
rescue me from all evil attempts on me, and bring me safely to his heavenly kingdom. To him 
be glory for ever and ever. Amen.

Gospel                                                                     Matthew 16:13-19

When Jesus came to the region of Caesarea Philippi he put this question to his disciples, ‘Who do people say the Son of Man is?’ And they said, ‘Some say he is John the Baptist, some Elijah, and others Jeremiah or one of the prophets.’ ‘But you,’ he said ‘who do you say I am?’ Then Simon Peter spoke up, ‘You are the Christ,’ he said ‘the Son of the living God.’ Jesus replied, ‘Simon son of Jonah, you are a happy man! Because it was not flesh and blood that revealed this to you but my Father in heaven. So I now say to you: You are Peter and on this rock I will build my Church. And the gates of the underworld can never hold out against it. I will give you the keys of the kingdom of heaven: whatever you bind on earth shall be considered bound in heaven; whatever you loose on earth shall be considered loosed in heaven.’

Reflection
by Nats Vibiesca

Maglulunsad ng kumperensiya sa pagsusulat ng nobela at kuwento  na tatawaging “Biyaheng Panulat” sa mga piling unibersidad ang ilan sa mga sikat na manunulat sa Pilipinas tulad nina Ricky Lee, Jun Cruz Reyes, Eros Atalia, Manix Abrera at Bob Ong sa susunod na buwan.  Unang pupuntahan ng mga batikang manunulat ang Polytechnic University of the Philippines upang makipagbalitaktakan sa mga kapwa manunulat, guro at mag-aaral. Sa wakas makikita na rin natin si Bob Ong! Hep! Hep! ‘Wag muna magbunyi dahil ang balita ko’y boses lang ni Bob Ong ang maririnig at hindi pa rin siya magpapakita sa kumperensiya. Aww… Ang tagal na nating sinusubaybayan ang mga nobela ni Bob Ong kasabay nito ang kagustuhan nating makilala talaga ang manunulat sa likod ng mga akdang ABNKKBSNPLA, Stainless Longganisa, Alamat ng Gubat at iba pa.  Marami na ang naghanap sa tunay na katauhan ni Bob Ong. Sa katunayan, ipinakontes pa nga nila ito noon kung sino ba talaga si Bob Ong.  Ngunit mas mailap pa yata siya kay Palos at hindi pa rin siya nakikilala magpahanggang ngayon. May nagsasabi pa na marketing gimmick lang daw ni Bob Ong ang pagtatago ng kanyang sarili at baka hindi na mabili ang kanyang mga akda kung sakaling makilala na siya. Bakit ba pilit nating inaalam kung sino si Bob Ong? Gaano ba kahalaga sa buhay natin ang kanyang pagkatao? Totoong maraming tao ang nagtatago ng kanilang sarili at kung anupaman ang dahilan, madalas na naiintriga tayo sa kanila kung kaya’t  pilit inaalam ang kanilang katauhan.

Pero ano nga bang saysay kung makilala man natin sila? Hindi ba’t mas makabuluhan ngayon na kilalanin nang husto ang mga taong nagtatago sa likod ng mga korapsiyon sa ating gobyerno upang hindi na natin sila muling iboto sa susunod na halalan?  Karamihan sa atin ay nahahalina sa engganyo ng makabagong teknolohiya. Halimbawa’y nahihibang tayo sa pagkilala ng mga tao na nakikita sa Facebook o pag-follow sa Twitter ng kung sinu-sino at iba pang social media. Pilit nating sinusubaybayan ang buhay ng mga tao na hindi naman natin alam kung ano ang kinalaman nila sa ating paghihirap sa buhay. Hindi pa nga tayo nakontento at kinulong natin sila sa iisang bahay  basta’t sumunod lang sila sa utos ni Big Bro. Natatabunan tuloy ang mga isyu na direktang nakakaapekto sa ating pamumuhay tulad nga ng mga korapsiyon sa kaban ng bayan. Papaano natin palalayain ang ating bayan sa kamay ng mga gahaman kung hindi natin sila nakikilala? 

Ngunit makilala man natin sila at mawakasan na ang mga karumaldumal na gawain nila sa bayan, hindi pa rin magiging ganap ang ating buhay sa mundong ibabaw kung hindi natin makikilala ang tunay na makapagbibigay ng walang hanggang kaligayahan. Ipinahayag ni Simon Pedro sa Ebanghelyo kung sino ito na ating hinahanap.  Nananampalataya tayo na si Jesus ang magsasalba sa atin sa panahon ng kahirapan ng ating katawan at kaluluwa.  Ngunit baka matulad tayo sa mga disipulong nangapa sa pagkakakilala kay Jesus kung hindi natin tatanggapin ang handog ng Diyos Ama.  Dahil sa labis na pagmamahal ni Simon Pedro kay Jesus, tinanggap niya ang handog ng Diyos Ama. Ito ang handog na liwanag at malalim na pagkakakilala kay Jesus—ang ating Mesiyas, ang Anak ng Buhay nating Diyos. Handog ito hindi lang kay Simon Pedro kundi para sa ating lahat upang sundan si Jesus at mahalin natin nang lubos.

Prayer

Diyos Ama namin, batid Mo na gusto naming makilala nang lubos si Jesus, ipagkaloob Mo po  ito upang patuloy namin Siyang mahalin at paglingkuran.  Amen.

Monday, 23 June 2014

Ang Bawang ni Jesus


Corpus Christi 
June 22


First reading Deuteronomy 8:2-3,14-16

Moses said to the people: ‘Remember how the Lord your God led you for forty years in the wilderness, to humble you, to test you and know your inmost heart – whether you would keep his commandments or not. He humbled you, he made you feel hunger, he fed you with manna which neither you nor your fathers had known, to make you understand that man does not live on bread alone but that man lives on everything that comes from the mouth of the Lord.
  ‘Do not become proud of heart. Do not forget the Lord your God who brought you out of the land of Egypt, out of the house of slavery: who guided you through this vast and dreadful wilderness, a land of fiery serpents, scorpions, thirst; who in this waterless place brought you water from the hardest rock; who in this wilderness fed you with manna that your fathers had not known.’

Psalm                                                                          Psalm 147:12-15,19-20

Second reading                                                      1 Corinthians 10:16-17

The blessing-cup that we bless is a communion with the blood of Christ, and the bread that we 
break is a communion with the body of Christ. The fact that there is only one loaf means that,
though there are many of us, we form a single body because we all have a share in this one
loaf.

Gospel                                                                     John 6:51-58

Jesus said to the Jews:
‘I am the living bread which has come down from heaven.
Anyone who eats this bread will live for ever;
and the bread that I shall give is my flesh,
for the life of the world.’
Then the Jews started arguing with one another: ‘How can this man give us his flesh to eat?’ they said. Jesus replied:
‘I tell you most solemnly,
if you do not eat the flesh of the Son of Man and drink his blood,
you will not have life in you.
Anyone who does eat my flesh and drink my blood
has eternal life,
and I shall raise him up on the last day.
For my flesh is real food
and my blood is real drink.
He who eats my flesh and drinks my blood
lives in me
and I live in him.
As I, who am sent by the living Father,
myself draw life from the Father,
so whoever eats me will draw life from me.
This is the bread come down from heaven;
not like the bread our ancestors ate:
they are dead,
but anyone who eats this bread will live for ever.’

Reflection
by Nats Vibiesca


Mabuti’t naturuan tayo ng mga Kastila noon na magluto sa paraan ng paggigisa o sa panimula ng maraming putahe ay igigisa muna ang bawang, sibuyas, kamatis at iba pang gustong rekado at saka ihahalo ang iba pang mga sahog para maging swak sa panlasa ang ating ulam. Kaya lang, nitong mga nakaraang araw, hindi ko magawang maggisa o kahit mag-adobo dahil mas mataas pa sa baboy o manok ang halaga ng kilo ng bawang. Nagkalat na nga siguro ang mga aswang sa paligid kung kaya’t in-demand at sobrang taas ang presyo ng bawang. May kartel daw ang sabi nila. Ang sabi ko naman, pero hindi lang naman bawang ang tumaas ang presyo, pati na rin luya, sibuyas, at ang mga gulay na binabanggit sa kantang Bahay Kubo. Siyempre pati presyo ng bigas tumaas din. Wala na ngang dahilan pa para maniwala sa mga pambobola ng mga nakaupo sa puwesto ng ating pamahalaan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pagkain. Mas nagkakatotoo pa ang mga hula sa horoscope kaysa mga buladas ng mga pulitikong puro dakdak at wala namang magandang resulta para sa mamamayan.

Kadalasan, nangingiti ang mga estudiyante ko sa kolehiyo sa tuwing magdarasal kami bago magsimula ang klase. Maikli lang kasi ang aming panalangin, ganito: “Lord, kailangan po namin ng pera, bigyan mo po kami ng pera. Amen.”  Nangingiti sila dahil alam nilang totoo ito ngunit karamihan sa ibang guro ay pagkahaba-haba ang mga panalangin bago magsimula ang klase.  Ipinapaliwanag ko sa kanila na kailangang sincere at walang paliguy-ligoy ang pagdarasal. Direct to the point ika nga. Kailangan natin ng pera dahil patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain, at kung hindi tayo makakakain nang husto, imposible na matuto ng mga leksiyon sa paaralan. Naaalala ko tuloy ang aking Lola Celing na nagtitinda noon ng mani. Kailangang kumain daw kami ng mani dahil pampatalino ito, pero mas gusto ko ang malutong na bawang na nakahalo sa mani. Dati’y hinihingi lang ang malutong na bawang kapag bumili ng mani. Ngayon, dahil sa taas ng presyo nito, hindi na nagbibigay ng bawang sa mani o kahit pa sa kornik na Boy Bawang ay wala na ring bawang. Kaya nga ang pagkain ng bawang ngayon ay nakaka-high-blood na rin.

Teka, bakit ba kasi lagi na lang pinoproblema ang pagtaas ng presyo ng pagkain? Lagi na lang natutuon ang ating pansin sa pagkain para sa ating katawang lupa. Nakakalimutan natin na may buhay pa pagkaraan ng atin panahon sa mundong ito. Kaya nga ang Panginoong Jesus mismo ang nagbigay ng sarili Niya bilang pagkain natin upang mabuhay tayo ng habang panahon.  Hindi naman Niya sinabi na huwag na tayo kumain ng anumang pagkain. Ang sinasabi ni Jesus ay huwag nating problemahin ang pagkain ng ating katawan, kahit umabot sa ulap ang taas ng presyo ng bawang, kung magsisipag at magiging tapat lang sa hanapbuhay, ang Diyos ang gagawa ng paraan at tiyak na hindi tayo magugutom. Ang nais lamang ng Panginoong Jesus ay higit na mahalin natin ang pagkain na ibinibigay Niya, ito ang pagkain na higit pa sa halaga ng bawang, ito nga ay ibang klaseng bawang ni Jesus— ito ang Kanyang sarili, ang pagkain na magbibigay ng lubos na kaligayahan at walang katapusang buhay kapiling Niya. Ang ibig sabihin lamang nito ay magsimba tayong lagi, makibahagi sa Banal na Misa upang tanggapin si Jesus sa Banal na Komunyon at dalhin Siya sa ating kapwa saan man tayo magpunta. 

Prayer

Panginoong Jesus, salamat po sa pagbibigay Mo ng Iyong sarili sa amin upang maging ganap ang aming kaligayahan at mabuhay na kapiling Ka magpakailanman. Manatili Ka sa aming puso upang kami rin ay maging instrumento ng kaligayahan at buhay para sa aming kapwa.  Amen.


Friday, 13 June 2014

Lover's request


Trinity Sunday 
June 15


First reading Exodus 34:4-6,8-9

With the two tablets of stone in his hands, Moses went up the mountain of Sinai in the early morning as the Lord had commanded him. And the Lord descended in the form of a cloud, and Moses stood with him there.
  He called on the name of the Lord. The Lord passed before him and proclaimed, ‘The Lord, a God of tenderness and compassion, slow to anger rich in kindness and faithfulness.’ And Moses bowed down to the ground at once and worshipped. ‘If I have indeed won your favour, Lord,’ he said ‘let my Lord come with us, I beg. True, they are a headstrong people, but forgive us our faults and our sins, and adopt us as your heritage.’

Psalm                                                                          Daniel 3:52-55

Second reading                                                      2 Corinthians 13:11-13

Brothers, we wish you happiness; try to grow perfect; help one another. Be united; live in peace,
and the God of love and peace will be with you. Greet one another with the holy kiss. All the
saints send you greetings. The grace of the Lord Jesus Christ, the love of God and the 
fellowship of the Holy Spirit be with you all.

Gospel                                                                     John 3:16-18

Jesus said to Nicodemus:
‘God loved the world so much that he gave his only Son,
so that everyone who believes in him may not be lost
but may have eternal life.
For God sent his Son into the world
not to condemn the world,
but so that through him the world might be saved.
No one who believes in him will be condemned;
but whoever refuses to believe is condemned already,
because he has refused to believe in the name of God’s only Son.’

Reflection
by Nats Vibiesca

Bakit nga ba ‘friend request’ at hindi p’wedeng ‘lover’s request’?

Ito na nga yata ang panahon ng narsisismo, na ang tanging mahalaga ay ang sarili, ang ‘selfie’ o lagi na lang si ‘ako’, ‘me’, ‘I’ and ‘myself’, na ginawang salamin ang cellphone kahit sa hapag-kainan o kahit pa nakaupo sa trono ni David ay panay ang click ng camera, na pilit pinapaganda o pinapapangit ang mukha. Hindi naman daw masama ang pagseselfie (maging si Pope Francis nga ay nakiki-selfie rin) pero ibang usapan na ito kung unti-unting nalulusaw ang pagtuon ng pansin sa ibang tao na kadalasan ay nauuwi sa paglimot sa pag-ibig sa kapwa.  Bakit hindi puwedeng ‘love’ at hindi lang ‘like’ ang ipukol sa post ng ibang tao sa FB? Bakit nga ba ‘friend request’ at hindi p’wedeng ‘lover’s request’? Kaya siguro hindi matapos-tapos ang ating pagla-‘like’ at pagfe-‘friend request’ dahil kapos ito na maabot ang tunay na hangarin ng ating buhay? 

Sa pagpapatuloy ng rebolusyong teknolohiya, ang pagbabago ng lahat ay lalong bumibilis pero nagkakaubusan naman ng oras sa pagpansin sa maraming bagay o sa isa’t isa, nananatili ang labis na pagmamahal ng Diyos sa atin. Kahit pa sariling kapakanan na lamang ang ating iniisip ay hindi nagbabago ang Diyos sa pagkalinga sa atin. Hindi ba’t walang habas nating dinudumihan ang kapaligiran? Hindi na nga natin malaman kung saan isasaksak ang ating mga basura at panay pa ang putol natin ng mga puno para sa inaakala nating kaunlaran. Pero hindi natin napapansin na laging abala ang Diyos na linisin ang hangin upang sariwa pa rin ang ating malanghap. Hindi nauubusan ang Diyos ng paraan upang maisaayos ang ating magulong buhay (o sadyang ginugulo nating buhay) at hindi natin napapansin na kadalasa’y mga mahal natin sa buhay ang nagiging instrumento ng Diyos upang tayo’y tulungan. Ganito ang kadalasang ginagawa ng ating mga ama o ina, kahit dedma sila sa atin dahil busy tayo sa kaseselfie, hindi natin namamalayan na hinahawan nila ang ating landas na daraanan upang maging matiwasay ang ating pamumuhay.  Hindi mo alam na sikreto nilang tinitingnan kung kumpleto ang gamit mo sa eskwela o sinisuguro kung nadala mo ang panyo na pamunas mo ng pawis. Hanggang sa nagkatrabaho ka na nga ay lagi pa ring taga-gising mo ang mga magulang sa umaga para huwag kang mahuli sa trabaho o laging ipapaalala ang cellphone mo para huwag maiwanan. Hindi nga nauubusan ng pagkalinga ang ama’t ina. Hindi na nga lang natin napapansin ang mga ito dahil binulag tayo ng pagseselfie na lagi na lang si ako, at si ako o ng pananaw na ‘akoismo’.

Sa panahon ng ating pagkabulag, hindi lang naman kapaligiran ang ating sinasalaula. Hindi ba’t napakadungis na ng ating mga konsiyensiya dahil sa ating kaliwa’t kanang korapsiyon, kasakiman, kamunduhan, at kung anu-ano pang kasalanan sa ating kapwa, mga mahal sa buhay , at sa sarili? Pero hindi pa rin nagbago ang pagtingin ng Diyos sa atin. Ginagawa Niya ang lahat para ipaalala, ipadama at ipakita kung gaano kalaki ang Kanyang pagmamahal sa atin. ‘Yun nga lang, kailangang idilat natin ang ating mga mata upang makita natin at tanggapin ang labis na pag-ibig ng Diyos sa atin. Pagkatapos, hindi na lang sarili natin ang aatupagin, uunahin nang kunan ng litrato ang Diyos, matutuon ang pansin sa iyong ama’t ina, sa mga mahal sa buhay, sa iyong kapwa, lalo na sa higit na mga nangangailangan ng tulong.

Prayer

Mahal naming Ama, salamat po sa labis na pagmamahal Mo sa amin at ibinigay Mo sa amin ang Iyong Anak na si Jesus. Patuloy Mong imulat ang aming mga mata upang makita at tanggapin namin Siya na kadalasa’y nasa katauhan ng aming mga magulang, mga mahal sa buhay at sa aming kapwa. Amen.

Thursday, 5 June 2014

Kanino ka natatakot?


Pentecost Sunday 
June 8


First reading Acts 2:1-11

When Pentecost day came round, they had all met in one room, when suddenly they heard what sounded like a powerful wind from heaven, the noise of which filled the entire house in which they were sitting; and something appeared to them that seemed like tongues of fire; these separated and came to rest on the head of each of them. They were all filled with the Holy Spirit, and began to speak foreign languages as the Spirit gave them the gift of speech.
  Now there were devout men living in Jerusalem from every nation under heaven, and at this sound they all assembled, each one bewildered to hear these men speaking his own language. They were amazed and astonished. ‘Surely’ they said ‘all these men speaking are Galileans? How does it happen that each of us hears them in his own native language? Parthians, Medes and Elamites; people from Mesopotamia, Judaea and Cappadocia, Pontus and Asia, Phrygia and Pamphylia, Egypt and the parts of Libya round Cyrene; as well as visitors from Rome – Jews and proselytes alike – Cretans and Arabs; we hear them preaching in our own language about the marvels of God.’

Psalm                                                                          Psalm 103:1,24,29-31,34

Second reading                                                       1 Corinthians 12:3-7,12-13

No one can say, ‘Jesus is Lord’ unless he is under the influence of the Holy Spirit.
There is a variety of gifts but always the same Spirit; there are all sorts of service to be done,
but always to the same Lord; working in all sorts of different ways in different people, it is the 
same God who is working in all of them. The particular way in which the Spirit is given to each 
person is for a good purpose. Just as a human body, though it is made up of many parts, is a
single unit because all these parts, though many, make one body, so it is with Christ. In the one 
Spirit we were all baptised, Jews as well as Greeks, slaves as well 
as citizens, and one Spirit was given to us all to drink.

Gospel                                                                       John 20:19-23

In the evening of the first day of the week, the doors were closed in the room where the disciples were, for fear of the Jews. Jesus came and stood among them. He said to them, ‘Peace be with you’, and showed them his hands and his side. The disciples were filled with joy when they saw the Lord, and he said to them again, ‘Peace be with you.
‘As the Father sent me,
so am I sending you.’
After saying this he breathed on them and said:
‘Receive the Holy Spirit.
For those whose sins you forgive,
they are forgiven;
for those whose sins you retain,
they are retained.’

Reflection
by Nats Vibiesca

Iba’t iba ang dahilan, lahat tayo’y minsan nang dinatnan ng takot sa kung sino man. Kapag takot sa tao ang pinag-uusapan, agad na pumapasok sa isip ko ang mga terror kong guro noon (mula elementarya hanggang kolehiyo); naiisip ko rin ang mga tiyahin ko na pilit kaming pinapatulog noon tuwing tanghali at kung hindi kami matutulog ay pingot at kurot sa singit ang aabutin. Noon iyon na wala pa ‘kong kamalay-malay sa paligid na ginagalawan. Pero ngayon, ang mga tao sa gobyerno ang siyang nakapagdudulot ng matinding takot sa akin (o sa karamihan). Hindi ba’t nakakatakot na napakaraming sinungaling at kurakot sa pamahalaan na kitang-kita ang mga kalokohan dahil saksakan ng dami ang mga ebidensiya ng kawalanghiyaan pero hindi naman sila napaparusahan? Totoong nakakatakot ang pagkawala ng mga konsiyensiya ng mga dapat ay lingkod ng bayan ngunit naging halimaw na sa kasakiman at nakalimutan ang dapat na serbisyong ibinibigay sa mamamayan.  

At ang mas matinding pagkatakot ay hindi lang para sa sarili kundi ang takot para sa kinabukasan ng ating mga anak. Ano’ng klaseng bayan ang magigisnan ng mga batang henerasyon? Nakakatakot din ang maaaring isumbat nila sa atin sa pagpapamana ng kaguluhan at kahirapan ng lipunan. At ano ang kontribusyon ng mga nasa gitnang uri (middle class) sa pagsasaayos ng ating bansa? Sapat bang magkibit-balikat na lang sila, siguraduhin ang sariling kapakanan ng pamilya, at maghintay na lang ng kung anumang solusyon ang dumating para sa bayan? Pinaghirapan nga naman nila ang kasalukuyang estado sa buhay kaya’t marapat lang na protektahan ang mga bagay na bunga ng kanilang pagsusumikap. Samantalang ang mga hampaslupa, etsapuwera, dugyot na mamamayan ay napipinid ang boses sa kawalan. 

Ayoko na ngang tanungin pa ang mga taong sobrang yaman dahil si Jesus na nga ang nagsabing dadaan muna sila sa butas ng karayom bago pa makarating sa langit.  Saan huhugutin ng mas nakararaming mamamayang naghihirap sa kasalukuyang panahon ang lakas ng loob sa pagsupil ng kasamaan sa bayan? Punong-puno na ng pagkatakot ang kawawang mamamayan. Wala na nga rin siyang malugaran upang makapagtago.

Subalit sa gitna ng lahat ng pagkatakot na bumabagabag sa atin, tuwi-tuwina’y sa ganitong pagkakataon ay biglang nagpapakita ang Panginoon sa atin (tulad ng sa Ebanghelyo ngayon). Dahil sa sobrang kaguluhan, kalituhan at pagkatakot, madalas ay nakakaligtaan nating lumapit sa Diyos, kaya’t ang Diyos na mismo ang lumalapit sa atin upang magbigay ng pambihirang kapayapaan. Pilit hinahanap ng Diyos ang sinumang nagtatago dahil sa malabis na pagkatakot at saka ibibigay ang kapayapaan na hindi kayang ibigay ninuman. Ang kapayapaang dulot ni Jesus ay kayang pumawi ng lahat ng pagkatakot, kaguluhan, kahirapan, at kasawian sa buhay. Para bagang sinasabi Niyang “Relaks lang, ako’ng bahala sa inyo, kaya kong gawan ng paraan ang lahat ng problema ninyo.” Hindi ba’t ganito ang mga salitang nakakapagpagaan ng anumang suliranin sa buhay? Kapag nasigurado na niyang panatag na ang ating mga kalooban, saka niya tayo bibigyan ng misyon. 

Bilang tao, kabahan man tayo nang kaunti sa anumang misyon, hinding-hindi na matotodo ang ating pagkatakot sa sinumang humahadlang sa kagustuhan ng Diyos, dahil ang Espiritu ng Diyos na ibinigay ni Jesus ay nasa kalooban na natin. Kaya nga’t hindi na nakapagtataka na sa kabila ng kahirapan, may mga tao pa ring tapat na naglilingkod sa kumpanyang pinapasukan. Hindi sila nagdadalawang isip gumawa ng kabutihan kaya’t hindi nila maaatim na pagnakawan ang kumpanyang pinagtatrabahuhan. Lagi nilang isinasang-alang-alang ang sasabihin ng kanilang mga anak at ng darating pang henerasyon. Ang mga taong nakatanggap ng misyong kaloob ni Jesus ay hindi na natatakot maging mabuting halimbawa saan man magpunta.     

Prayer

Panginoong Jesus, salamat sa Iyong handog na kapayapaan lalo na ngayong nalilito na kami sa kaguluhang nararanasan sa aming bayan. Manatili nawa sa amin ang kaloob mong Espiritu upang maging matatag kami sa pagtupad ng misyong maging mabuting halimbawa ng isang tunay na Kristiyano.  Amen.

Followers

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP