Powered by Blogger.

Saturday, 27 October 2018

Bulag na Kayabangan


30th Sunday in Ordinary Time
28 October 2018


First reading                                                                  Jeremiah 31:7-9

Thus says the Lord: “Sing aloud with gladness for Jacob, and raise shouts for the chief of the nations; proclaim, give praise, and say, “Save, O Lord, your people, the remnant of Israel.”

“See, I am going to bring them from the land of the north, and gather them from the farthest parts of the earth, among them the blind and the lame, those with child and those in labor, together; a great company, they shall return here. With weeping they shall come, and with consolations I will lead them back, I will let them walk by brooks of water, in a straight path in which they shall not stumble; for I have become a father to Israel, and Ephraim is my firstborn.”
Second reading                                                     Hebrews 5:1-6

Every high priest chosen from among mortals is put in charge of things pertaining to God on their behalf, to offer gifts and sacrifices for sins. He is able to deal gently with the ignorant and wayward, since he himself is subject to weakness; and because of this he must offer sacrifice for his own sins as well as for those of the people.

And one does not presume to take this honor, but takes it only when called by God, just as Aaron was. So also Christ did not glorify himself in becoming a high priest, but was appointed by the one who said to him, “You are my Son, today I have begotten you;” as he says also in another place, “You are a priest forever, according to the order of Melchizedek.”

Gospel                                                                     
Mark 10:46-52

As Jesus and his disciples and a large crowd were leaving Jericho, Bartimaeus son of Timaeus, a blind beggar, was sitting by the roadside. When he heard that it was Jesus of Nazareth, he began to shout out and say, “Jesus, Son of David, have mercy on me!” Many sternly ordered him to be quiet, but he cried out even more loudly, “Son of David, have mercy on me!”

Jesus stood still and said, “Call him here.” And they called the blind man, saying to him, “Take heart; get up, he is calling you.” So throwing off his cloak, he sprang up and came to Jesus. Then Jesus said to him, “What do you want me to do for you?” The blind man said to him, “My teacher, let me see again.” Jesus said to him, “Go; your faith has made you well.” Immediately he regained his sight and followed him on the way.

Reflection
By Nats Vibiesca

Kapag bulag ka, kayhirap makakita ng tutulong sa iyo. Hindi joke ‘yun. Napapansin ko kasi na ang mga namamalimos na bulag sa bangketa ay madalas na dinadaanan lang, hindi pinapansin, walang nakikialam, walang nagmamalasakit tumulong. Sa dinami-dami ng mga dumadaan, iilan lang ang magbibigay-limos. Maitatanong mo nga kung sino ba talaga ang bulag, ang pulubi o ang mga nagdaraan? Tulad ng kuwento sa Ebanghelyo, walang pumapansin sa bulag na si Bartimaeus, kahit pa nagsisisigaw na siya, nainis pa nga ang mga tao sa ingay niya kaya’t pinatatahimik ito. Naramdaman ni Jesus na sinsero ang paghingi ng tulong ng bulag kaya’t pinatawag siya nito.

Dalawang bagay ang gusto kong ibahaging pagmumunimuni: una, ang tungkol sa lihim na kayabangan ko; ang pangalawa nama’y tungkol sa mga kaawa-awang pulubi sa kalsada. Lahat naman siguro ng tao’y may kayabangan sa sarili, may mga sobrang yabang nga lang talaga na kapag nagsalita ay super bagyo o sa kilos ay tipong talbog ang lahat sa paligid kahit pa matapakan ang kapwa. Ang sa akin ay kayabangang tago. Hindi kasi ako masalita at may pagkamahiyain pa. Pero sa isip ko, sa loob-loob ko, ako dapat ang bida, ako dapat ang pinakamagaling. Ang nakikita ko lang ay ang sarili ko. Kaya sa sarili ko, ako ang mataas at ang lahat ay mababa; ako ang bida, sila ang talunan; ako ang may kapangyarihan, lahat sila’y  mahina. Ang problema, kung ano ang iginigiit sa isip, iyon din ang naisasapuso, at ang malala ay lumalabas ito sa kilos. Ang punto ko’y kung mayabang ako sa loob, ganoon din sa gawa.  Kaya’t anumang pagpapapansin ng mga maliliit na tao, dedma lang sa mga mapagmataas na tao. Hindi nga makikita ng mga mayabang na tao (tulad ko) ang sinumang nangangailangan ng tulong kahit pa nagsusumigaw na ito sa harap nila. Sa gabi, bago matulog, pagkatapos ko balikan ang mga kayabangan sa aking sarili, naghuhumiyaw ako sa Diyos na humihingi ng tulong upang maiwaksi sa araw-araw ang lihim na kayabangan. Tanging si Jesus ang siguradong makakarinig ng aking pagsusumamo kung tapat ang dalangin ko. 

Ang pangalawang bagay sa pagmumuni ko’y ukol sa mga kaawa-awang mga pulubi sa kalsada (kahit hindi bulag). Silang laging umaasa na mapansin ng mga taong nagdaraan at mabigyan kahit man lang barya.  Ang iba’y nangingiming tumulong sa mga pulubi dahil baka raw sindikato lang o may mga taong nasa likod ng kanilang pamamalimos. Kung minsan ay naiinis ang mga taong nakakakita sa kanila lalo na kung may mga bitbit pang mga bata o sanggol bilang pagpapaawa. Ipinagbawal pa nga sa batas ang pamamalimos at mismong pagbibigay ng limos, masakit daw sa mata ang makitang nakakalat sila sa kalsada. Pero teka muna! Hindi lahat ng pulubi sa kalsada ay sindikato o gumigimik lang para kaawaan. Karamihan sa kanila’y totoong nangangailangan ng tulong, silang wala na talagang matakbuhan kahit pa pilitin nilang magsumikap upang magkaroon ng marangal na pagkakakitaan pero pinagsamantalahan lang ng ibang tao. Ang nakalulungkot ay sa dami nilang naging tahanan na ang kalsada’y hindi sasapat ang kakaunting tao na tumutulong sa kanila o may pagkakataong wala talagang nagmamalasakit. Ngunit heto ang rebelasyon ng Diyos sa atin sa Ebanghelyo ngayon at para bagang sinasabi Niya sa ating mga dumadaan: Binulag na kayo ng inyong labis na pagmamahal sa sarili kaya’t hindi na ninyo maaninagan man lang ang mga taong nasa harapan ninyo na humihingi ng saklolo; walang-hanggang awa ang ibibigay Ko sa kanilang mga tapat sa pananampalataya at masigasig na humihingi ng tulong. 

Ito rin naman ang pag-asa nating lahat, kung masigasig din tayong hihingi ng tulong sa Diyos at tapat na mananampalataya sa grasya na ipagkakaloob sa atin na makakitang muli, dahil tayo naman talaga ang totoong bulag.


Sa huli, tulad ng bulag na agad pinagaling, kailangan din nating sumunod kay Jesus. Totoong lagi tayong pinapagaling ni Jesus at madaling sabihing susunod na tayo sa Kanya, ngunit lagi rin namang mahirap isakatuparan ang pagsunod o kung minsan pa’y muli tayong naliligaw ng landas. Kung sakaling manumbalik ang ating pagkabulag, wala naman tayong ibang matatakbuhan, kundi ang pagbabalik natin sa ating pananampalataya, paghingi ng awa at grasya ng Diyos upang magpanibagong sigla ang ating paningin. 

Prayer


Ama, maraming salamat po at Ikaw ay hindi bulag sa aming mga pangangailangan. Tulungan mo po kaming magising sa aming kayabangan at magkaroon ng pusong tunay na nagmamalasakit sa aming kapwa. Sa ngalan ni Jesus. Amen.

No comments:

Post a Comment

Tell us what you feel...

Followers

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP