Powered by Blogger.

Saturday, 20 October 2018

Kapangyarihang Maglingkod


29th Sunday in Ordinary Time
21 October 2018


First reading                                                                  Isaiah 53:10-11

It was the will of the Lord to crush him with pain. When you make his life an offering for sin, he shall see his offspring, and shall prolong his days; through him the will of the Lord shall prosper.

Out of his anguish he shall see light; he shall find satisfaction through his knowledge. The righteous one, my servant, shall make many righteous, and he shall bear their iniquities.
Second reading                                                     Hebrews 4:14-16

Since we have a great high priest who has passed through the heavens, Jesus, the Son of God, let us hold fast to our confession. For we do not have a high priest who is unable to sympathize with our weaknesses, but we have one who in every respect has been tested as we are, yet without sin. Let us therefore approach the throne of grace with boldness, so that we may receive mercy and find grace to help in time of need.

Gospel                                                                     
Mark 10:35-45

James and John, the sons of Zebedee, came forward to him and said to him, “Teacher, we want you to do for us whatever we ask of you.” And he said to them, “What is it you want me to do for you?” And they said to him, “Grant us to sit, one at your right hand and one at your left, in your glory.” But Jesus said to them, “You do not know what you are asking. Are you able to drink the cup that I drink, or be baptized with the baptism that I am baptized with?” They replied, “We are able.” Then Jesus said to them, “The cup that I drink you will drink; and with the baptism with which I am baptized, you will be baptized; but to sit at my right hand or at my left is not mine to grant, but it is for those for whom it has been prepared.” When the ten heard this, they began to be angry with James and John.

Jesus called his disciples and said to them, “You know that among the Gentiles those whom they recognize as their rulers lord it over them, and their great ones are tyrants over them. But it is not so among you; but whoever wishes to become great among you must be your servant, and whoever wishes to be first among you must be slave of all. For the Son of Man has come not to be served but to serve, and to give his life a ransom for many.”

Reflection
By Nats Vibiesca

Nakakagulat ang dalawang apostol na sina Juan at Santiago dahil sa hiling nilang maging kanang kamay o kaliwang kamay pa ni Jesus, advance sila kung mag-isip eh, sinisiguradong magkakaroon sila ng kapangyarihan kapag naluklok na si Jesus bilang hari. Hindi naman masamang humiling, hindi ba’t kapag nagdarasal tayo’y mas madami pa kung minsan ang paghiling natin sa Diyos at kadalasa’y nagmamadali pa tayo na sana’y ibigay agad. Pero teka, para kay Jesus, parang tinatanong Niya na kung sino’ng may sabi, na sila’y uupo sa kaliwa’t kanan ni Jesus? Hinamon tuloy sila ni Jesus kung kaya ba nilang gawin ang sakripisyo at kung anupamang gagawin Niya, at sumagot naman sila sa hamon. Aba! Talagang pursigido na makakuha ng puwesto!

Hindi naman natin masisisi ang mga apostol kung maghangad ng ganoon, dahil mula pagkabata’y karaniwan na sa atin na ganoon din naman ang hangad. Hindi ba’t pinapalaki tayo ng ating mga magulang na kailangang huwag pumayag na maging maliit na tao lamang balang araw o laging hinahasa tayo na maghangad na maging isang mataas na tao, ‘yung maging boss ng lahat, tinitingala, napaka-importanteng tao, at may kapangyarihang mag-utos sa mga nasasakupan upang paglingkuran siya. 

Pero para kay Jesus, hindi ganito ang klase ng kapangyarihan para sa kanyang kaharian. Ang kapangyarihan ay hindi dapat nakatuon sa sarili upang paglingkuran Siya, bagkus, nakatuon dapat sa kapwa ang paglilingkod. Ito ang malalang kalagayan ng mga lingkod ng bayan dahil karamihan sa mga nakapuwesto sa pamahalaan na inaasahan sanang maglingkod sa mga nangangailangan ay sila pa ang pinaglilingkuran bilang mga diyos sa lupa.  Ang malinaw na karanasan nati’y tuwing masasalanta ng anumang dilubyo o sakuna ang mga mamamayan, halimbawa’y ang bagyong Yolanda o Ondoy o ang giyera sa Marawi. Hindi ba’t lumilipas na ang maraming araw o taon ngunit nananatiling biktima o higit na nangangailangan pa rin ng tulong ang marami nating kababayan? Nasaan ang mga may kapangyarihan sa panahong kailangan nilang maglingkod sa mga nagdurusa nilang kapwa? Nasaan ang mga ibinoto natin noong eleksiyon na nangakong magbibigay ng mabilis at tapat na serbisyo sa bayan? O, kahit nga hindi naman natin ibinoto’y nagpumilit pa rin silang isaksak ang sarili sa pwesto kahit pa mandaya, bumili ng boto o pumatay ng kapwa. 

Pero para kay Jesus, hindi ganito ang nararapat, hindi ang tao ang magpuputong ng korona sa kanyang sarili kundi ang Diyos lamang ang may karapatan kung sino ang gusto Niyang italaga sa anumang pwesto o kalagayan sa kanyang kaharian. Ganun pa man, hindi rin natin dapat tularan ang iba pang apostoles na nagalit sa dalawa dahil mauungusan pa sila o siguro’y may sarili rin silang interes sa pwesto. 

Ang totoo’y nakakapagod naman talagang maglingkod sa kapwa, lalo na kung ikaw mismo’y may mga pangangailangan din para sa sariling pamilya o wala namang kakayahang magbigay nang magbigay sa kapwa dahil nga ngangangailangan ka rin para sa sarili. Kaya’t tanging ang grasya ng Diyos lamang ang aasahan natin upang mapanatili ang alab ng paglilingkod sa kapwa, kahit nga kung minsa’y walang-wala ka rin. Lagi tayong inuudyukan ng Banal na Espiritu na maglingkod sa kapwang higit na nangangailangan kahit hindi sa mga materyal na bagay ang maibahagi. Masasabing paglilingkod na nga rin kahit ang pagbabahagi halimbawa ng talento o anumang kakayahan. Ang simpleng pakikilahok sa mga organisasyon sa simbahan na tumutulong sa mga nasalantang komunidad, ang maglaan ng oras para sa mga ganitong gawain para sa kapwa, at ang maglingkod nang tapat sa bayan ay katumbas nga ng paglilingkod sa Diyos. 


Nakakalungkot na dumating na ang panahon sa ating bayan na halos hindi na talaga maaasahan ang mga pilit na kumuha ng kaniya-kaniyang puwesto sa pamahalaan, bagkus, sariling kaginhawahan ang ginagawa kahit pa nasa harap na nila ang mga nagdurusang mamamayan.  Kung kaya’t ang bawat ordinaryong mamamayan ay patuloy na hinahamon ng Ebanghelyo na kumilos na’t paglingkuran ang kapwang nasadlak na sa pagdurusa sa kamay ng mga ganid sa kapangyarihan. Mahirap na adhikain nga ito dahil higit na kailangan sa ngayon na talikuran ang sariling interes, magsakripisyo kung kinakailangan, mahalin ang kapwa nang walang hinihintay na kapalit, at tapat na ialay ang sarili sa paglilingkod.             

Prayer


O Jesus, tulungan mo kaming gamitin nang tama ang kakayahan naming maglingkod, lalo na sa mga maralita at inaapi. Amen.

No comments:

Post a Comment

Tell us what you feel...

Followers

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP