Powered by Blogger.

Saturday, 25 January 2020

Biyaya ng Tapat na Paglilingkod


Third Sunday in Ordinary Time
26 January 2020

First reading Isaiah 9:1-3

In the former time God brought into contempt the land of Zebulun and the land of Naphtali, but in the latter time he will make glorious the way of the sea, the land beyond the Jordan, Galilee of the nations. The people who walked in darkness have seen a great light; those who lived in a land of deep darkness-on them light has shined.

You have multiplied the nation, you have increased its joy; they rejoice before you as with joy at the harvest, as people exult when dividing plunder.

Second reading                                                          1 Corinthians 1:10-13, 17

I appeal to you, brethren, by the name of our Lord Jesus Christ, that all of you agree and that there be no dissensions among you, but that you be united in the same mind and the same judgment. For it has been reported to me by Chloe’s people that there is quarreling among you, my brethren. What I mean is that each one of you says, “I belong to Paul,” or “I belong to Apol’los,” or “I belong to Cephas,” or “I belong to Christ.” Is Christ divided? Was Paul crucified for you? Or were you baptized in the name of Paul? For Christ did not send me to baptize but to preach the gospel, and not with eloquent wisdom, lest the cross of Christ be emptied of its power.

Gospel                                                                          Matthew 4:12-23

Now when Jesus heard that John had been arrested, he withdrew to Galilee. He left Nazareth and made his home in Capernaum by the sea, in the territory of Zebulun and Naphtali, so that what had been spoken through the prophet Isaiah might be fulfilled: “Land of Zebulun, land of Naphtali, on the road by the sea, across the Jordan, Galilee of the Gentiles- the people who sat in darkness have seen a great light, and for those who sat in the region and shadow of death light has dawned.”

From that time Jesus began to proclaim, “Repent, for the kingdom of heaven has come near.”

As he walked by the Sea of Galilee, he saw two brothers, Simon, who is called Peter, and Andrew his brother, casting a net into the sea-for they were fishermen. And he said to them, “Follow me, and I will make you fish for people.” Immediately they left their nets and followed him. As he went from there, he saw two other brothers, James son of Zebedee and his brother John , in the boat with their father Zebedee, mending their nets, and he called them. Immediately they left the boat and their father, and followed him. Jesus went throughout Galilee, teaching in their synagogues and proclaiming the good news of the kingdom and curing every disease and every sickness among the people.

Reflection
By Nats Vibiesca

Nang pumutok ang bulkang Taal, naramdaman natin ang desperasyon ng mga apektadong tao na naninirahan malapit sa bulkan at agad namang tumugon ang karamihan sa atin upang maghatid ng tulong sa ating mga kababayan. Bukod sa paglikas at pagtutulungan ng mga Pilipino, kapansin-pansin ang naging problema hanggang sa ngayon ang pagpupumilit na makabalik ng mga tao sa kanilang mga tirahan upang balikan ang kanilang ikinabubuhay-- iyon ang pag-aalaga ng mga hayop tulad ng manok, baboy, kambing, baka at iba pa. At hindi rin napigilan ang pagbabalik ng mga mangingisda sa kanilang pamamalakaya kahit pa mataas ang banta ng muling pagsabog ng bulkan. Hindi natin masisisi ang mga mangingisda o ang iba pang biktima ng mapaminsalang kalikasan na bumalik upang isalba ang mga alagang hayop dahil iyon nga lang talaga ang kanilang inaasahang ikabubuhay at napakahirap talikdan ang nakasanayan nang hanapbuhay lalo pa't wala namang malinaw na kapalit na maaari nilang gawing hanapbuhay.

Ngunit ang mga mangingisda sa Ebanghelyo nang tawagin ni Jesus, (bagama't wala namang banta sa kanilang hanapbuhay) agad na tinalikdan nila ang kanilang nakagisnang hanapbuhay upang sumunod sa Kanya. Ano'ng hiwaga ang pagtawag na iyon at agad na tumalima sila? Laging bumubukal marahil ang grasya ng Diyos sa mga taong tinatawag Niya kaya't nawawala ang anumang alinlangan o agam-agam ng pagtalima sa Kanya. Malinaw ang kapalit na gawain ang ibinigay sa kanila ni Jesus: ang mamalakaya ng tao. Ang bagong gampanin ay ang pagsunod kay Jesus na nakatuon ang mga gawain sa pangangaral ng Mabuting Balita, ang pagpapagaling ng mga may sakit, at ang tapat na paglilingkod sa kapwa.  Ito rin ang laging hamon sa ating lahat -- talikdan ang lumang gawain at sumunod sa bagong misyon na gustong ibigay sa atin ni Jesus.

Subalit ang hamong ito ay hindi lamang paglilingkod upang maging pari, madre o pagsapi sa pagiging relihiyoso, bagkus ay ito para sa ating lahat, anumang ang propesyon sa buhay. Kung minsang tayo'y nakaramdam ng tawag ng Diyos sa pagpapari ngunit nagbago naman kalaunan ang desisyon sa buhay at napunta sa ibang bokasyon, ang grasya ng Diyos ay nananatili upang makatugon tayo sa Kanyang bagong tawag. Sinisikap nating sumunod pa rin kay Jesus bilang mga tapat na Kristiyano at maging mabuting halimbawa sa paglilingkod sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan ng tulong.

Prayer

Mahal naming Panginoong Jesus, kami ay laging nakaabang sa grasyang Iyong kaloob tuwing kami'y tinatawag mo upang sumunod sa Iyo. Matimyas na dalangin nami'y ipagkaloob ang bukal ng biyayang magdudulot ng aming tapat na paglilingkod sa Iyo at sa aming kapwa.  Amen.

No comments:

Post a Comment

Tell us what you feel...

Followers

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP