The people who walked in darkness have seen a great light; upon those who dwelt in the land of gloom a light has shone. You have brought them abundant joy and great rejoicing, as they rejoice before you as at the harvest, as people make merry when dividing spoils. For the yoke that burdened them, the pole on their shoulder, and the rod of their taskmaster you have smashed, as on the day of Midian. For every boot that tramped in battle, every cloak rolled in blood, will be burned as fuel for flames. For a child is born to us, a son is given us; upon his shoulder dominion rests. They name him Wonder-Counselor, God- Hero, Father-Forever, Prince of Peace. His dominion is vast and forever peaceful. He will rule as David’s successor, basing his power on right and justice, from now until the end of time. The zeal of the Lord of hosts will do this!
Blessed be the God and Father of our Lord Jesus Christ, who has blessed us in Christ with every spiritual blessing in the heavens, as he chose us in him, before the foundation of the world, to be holy and with- out blemish before him. In love he destined us for adoption to
himself through Jesus Christ, in accord with the favor of his will, for the praise of the glory of his grace that he granted us in the beloved. Therefore, I, too, hearing of your faith in the Lord Jesus and of your love for all the holy ones, do not cease giving thanks for you, remembering you in my prayers. May the God of our Lord Jesus Christ, the Father of glory, give you a Spirit of wisdom and revelation resulting in knowledge of him. May the eyes of your hearts be enlightened, that you may know what is the hope that belongs to his call, what are the riches of glory in his inheritance among the holy ones.
At that time the disciples approached Jesus and said, “Who is the greatest in the Kingdom of heaven?” He called a child over, placed it in their midst, and said, “Amen, I say to you, unless you turn and become like children, you will not enter the kingdom of heaven. Whoever humbles himself like this child is the greatest in the kingdom of heaven. And whoever receives one child such as this in my name receives me. Whoever causes one of these little ones who believe in me to sin, it would be better for him to have a great millstone hung around his neck and to be drowned in the depths of the sea. See that you do not despise one of these little ones, for I say to you that their angels in heaven always look upon the face of my heavenly Father.”
Panginoon, tulad ng Iyong pagkalungkot, labis din kaming nagdurusa sa tuwing nakikita naming inaabuso ang mga bata. Nagsusumaamo kami sa Iyo na bigyan kami ng sapat na biyaya upang sapat kaming makatugon sa hamon na tanggapin at pangalagaan namin ang mga bata sa lahat ng pagkakataon, at upang maunawaan naming lubos na dapat naming tularan ang kanilang mga katangian. Amen.
Reflection
By Nats Vibiesca
Tampok ang katangian ng mga bata sa Ebanghelyo ngayon na nais ng Panginoong Jesus na ating tularan (nating mga matatanda o anuman ang edad): ang maging mapagpakumbaba. Malinaw ang habiling ito ni Jesus sa mga alagad, pero bakit nga ba nagtanong pa ang mga alagad kung sino ang pinakadakila sa kaharian ng langit? Lagi naman kasing ganito tayong matatanda, na nangangarap na maging dakila, ang masaklap lang ay hindi ito upang maglingkod bagkus upang magmalaki o magyabang sa lahat. Kung nakikita nating nakahihigit ang ibang tao sa atin, materyal o anumang bagay na nakaaangat ang iba, hindi na lang paghanga ang nararamdaman natin kundi inggit at pag-iimbot na sana'y makuha rin o mahigitan pa ang anumang mayroon siya.
Sana'y hanggang paghanga na lang ang nararamdaman natin sa tagumpay ng iba o magsilbing inspirasyon ang kanyang natamo upang magsumikap din na makamit iyon, ngunit hindi sa dahilang upang may maipagmalaki lamang kundi maging daan ang tagumpay na iyon na mapabuti ang paglilingkod sa kapwa at mapatatag pa lalo ang mga relasyon sa kapwa. Kaya nga lang ay parang natural na pag-uugali ang umuusbong sa ating katauhan na dapat na maging mapagmataas sa kapwa na humahantong sa paghamak sa mga maliliit. Subalit taliwas naman ang pag-uugaling ito sa kagustuhan ng Diyos at isang mabuting halimbawa nga ang utos sa atin na pagtanggap at pagtulad sa mga bata.
Sa totoo lang, napakabigat at napakahirap na gawain ang nais ng Diyos kung susuriin natin ang madalas na mga nangyayari sa mga bata sa ating panahon. Nandiyan ang madalas na pag-abuso ng mga matatanda sa mga bata: abusong pisikal at sekswal, abusong verbal, abusong moral at abusong ispiritwal. Ang mas masakit pa nga kung minsan ay ang mismong mga magulang o kamag-anak ang numero unong nang-aabuso sa mga bata. Hindi rin ligtas ang mga bata sa abusong paggamit sa kanila sa puwersahang paghahanapbuhay imbes na mag-aral o maglaro upang mapanatili ang pagiging bata.
Laging nakakadurog ng puso ang makakita ng mga namamalimos sa kalsada na matatanda habang bitbit ang mga sanggol o bata na hindi alintana ang anumang masamang epekto nito sa kalusugan o pagkatao ng bata. Hindi natin siguro masisisi ang mga magulang nila kung napilitan silang isangkalang sa hanapbuhay ang kanilang mga anak kung sila rin ay biktima ng kawalang pagpapahalaga nating nakaaalam sa kahirapang dinaranas nila. Ang iba nama'y naglaho na talaga ang konsiyensiya kaya't mismong anak nilang bata pa'y kinakalakal na ang katawan na ngayo'y kumakalat sa internet. Dahil na rin sa kahinaan ng mga bata, sila ang madalas na malubhang apektado ng anumang sakuna, halimbawa'y ang kalunos-lunos na sinapit nila sa pagputok ng bulkang Taal. Huwag sana nating ipagkait ang anumang tulong na maibibigay natin sa mga batang apektado ng kalamidad na ito.
Mahaba pa ang listahan kung papaano natin hinahamak ang mga bata sa ating panahon. Kung minsa'y nakawawala na rin ng pag-asa tayong mga matatanda upang sagipin sila sa kumunoy ng pag-aalipusta at sumisibol na lang marahil ang pag-asa sa mismong mga bata na rin. Pagsumikapan nawa natin ang malaking hamon sa atin ng Ebanghelyo ngayon na mahalin natin nang lubos ang mga bata dahil sa pagtanggap sa mga bata ay si Jesus nga ang ating tinatanggap.
Prayer
Sana'y hanggang paghanga na lang ang nararamdaman natin sa tagumpay ng iba o magsilbing inspirasyon ang kanyang natamo upang magsumikap din na makamit iyon, ngunit hindi sa dahilang upang may maipagmalaki lamang kundi maging daan ang tagumpay na iyon na mapabuti ang paglilingkod sa kapwa at mapatatag pa lalo ang mga relasyon sa kapwa. Kaya nga lang ay parang natural na pag-uugali ang umuusbong sa ating katauhan na dapat na maging mapagmataas sa kapwa na humahantong sa paghamak sa mga maliliit. Subalit taliwas naman ang pag-uugaling ito sa kagustuhan ng Diyos at isang mabuting halimbawa nga ang utos sa atin na pagtanggap at pagtulad sa mga bata.
Sa totoo lang, napakabigat at napakahirap na gawain ang nais ng Diyos kung susuriin natin ang madalas na mga nangyayari sa mga bata sa ating panahon. Nandiyan ang madalas na pag-abuso ng mga matatanda sa mga bata: abusong pisikal at sekswal, abusong verbal, abusong moral at abusong ispiritwal. Ang mas masakit pa nga kung minsan ay ang mismong mga magulang o kamag-anak ang numero unong nang-aabuso sa mga bata. Hindi rin ligtas ang mga bata sa abusong paggamit sa kanila sa puwersahang paghahanapbuhay imbes na mag-aral o maglaro upang mapanatili ang pagiging bata.
Laging nakakadurog ng puso ang makakita ng mga namamalimos sa kalsada na matatanda habang bitbit ang mga sanggol o bata na hindi alintana ang anumang masamang epekto nito sa kalusugan o pagkatao ng bata. Hindi natin siguro masisisi ang mga magulang nila kung napilitan silang isangkalang sa hanapbuhay ang kanilang mga anak kung sila rin ay biktima ng kawalang pagpapahalaga nating nakaaalam sa kahirapang dinaranas nila. Ang iba nama'y naglaho na talaga ang konsiyensiya kaya't mismong anak nilang bata pa'y kinakalakal na ang katawan na ngayo'y kumakalat sa internet. Dahil na rin sa kahinaan ng mga bata, sila ang madalas na malubhang apektado ng anumang sakuna, halimbawa'y ang kalunos-lunos na sinapit nila sa pagputok ng bulkang Taal. Huwag sana nating ipagkait ang anumang tulong na maibibigay natin sa mga batang apektado ng kalamidad na ito.
Mahaba pa ang listahan kung papaano natin hinahamak ang mga bata sa ating panahon. Kung minsa'y nakawawala na rin ng pag-asa tayong mga matatanda upang sagipin sila sa kumunoy ng pag-aalipusta at sumisibol na lang marahil ang pag-asa sa mismong mga bata na rin. Pagsumikapan nawa natin ang malaking hamon sa atin ng Ebanghelyo ngayon na mahalin natin nang lubos ang mga bata dahil sa pagtanggap sa mga bata ay si Jesus nga ang ating tinatanggap.
Prayer
Panginoon, tulad ng Iyong pagkalungkot, labis din kaming nagdurusa sa tuwing nakikita naming inaabuso ang mga bata. Nagsusumaamo kami sa Iyo na bigyan kami ng sapat na biyaya upang sapat kaming makatugon sa hamon na tanggapin at pangalagaan namin ang mga bata sa lahat ng pagkakataon, at upang maunawaan naming lubos na dapat naming tularan ang kanilang mga katangian. Amen.
No comments:
Post a Comment
Tell us what you feel...