The Baptism of the Lord
12 January 2020
12 January 2020
Second reading Acts 10:34-38 |
---|
Then Peter began to speak to them: “I truly understand that God shows no partiality, but in every nation anyone who fears him and does what is right is acceptable to him. You know the message he sent to the people of Israel, preaching peace by Jesus Christ: he is Lord of all. That message spread throughout Judea, beginning in Galilee after the baptism that John announced: how God anointed Jesus of Nazareth with the Holy Spirit and with power; how he went about doing good and healing all who were oppressed by the devil, for God was with him.”
Jesus came from Galilee to John at the Jordan, to be baptized by him. John would have prevented him, saying, “I need to be baptized by you, and do you come to me?” But Jesus answered him, “Let it be so now; for it is proper for us in this way to fulfill all righteousness.” Then he consented.
And when Jesus had been baptized, just as he came up from the water, suddenly the heavens were opened to him and he saw the Spirit of God descending like a dove and alighting on him. And a voice from heaven said, “This is my Son, the Beloved, with whom am well pleased.”

By Nats Vibiesca
Sa Ebanghelyo ukol sa Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon, ang agad na napagninilayan ko’y ang paghuhugas o paglilinis ni Jesus ng ating mga kasalanan upang mapaloob tayo sa grasya ng Diyos. Kasaba’y nito’y ang mapabilang o maging kabahagi ng pamilya ng Diyos, kaya’t sinasabi sa atin pagkatapos ng binyag "Kristiyano ka na". At laging naiisip ko ang mga misyon ng pagiging Kristiyano na ipinapaliwanag na madalas sa mga Misa, ang misyong “Priestly, Prophetic at Kingly”. Maraming pari ang mahusay magpaliwanag nito kaya’t hindi ko na itutuon ang pagpapatuloy ng aking pagninilay.
Mas gusto kong ibahagi ang isang karanasan na napagninilayan kong kaugnay sa Ebanghelyo. Minsan kasing nagtuturo ako, biglang may natanaw akong dumaan na isang matandang babae na may dalang dalawang malalaking plastic bag na may lamang samu’t saring sitsirya at mga biskwit. Inaakay siya ng isang estudiyante at lumagpas sila sa pinto ng aming silid. Mabagal lang naman ang lakad ng matanda na akay ng estudiyante, huminto ako sa pagtuturo at sinabihan ko ang matanda na bibili ako, at saka sila lumapit. Hindi na bago sa amin ang mga naglilibot sa campus para magtinda ng mga pagkain pero napukaw ang damdamin ko nang makita ang matandang babae na hirap na maglakad para magtinda. Bukod kasi sa pagiging matanda at kuba na ang likod, napansin ko na bulag pala ang matanda. Pagpasok ng matanda sa silid, umalis na ang estudiyanteng umaakay, sinabihan ko ang buong klase na bumili at ubusin ang paninda niya. Nag-abot ako ng isandaan sa estudiyante ko at sinabi kong ibili lahat iyon at bigyan ang mga kaklase na walang pambili. Bago nagbenta ang matanda’y panay ang pasalamat nito at nagsabing naririnig niya raw ang boses ko habang nagtuturo nang napadaan siya ngunit nahihiya siyang mag-alok.
Tapos habang nagbebenta’y nagkuwento siya na dati rin siyang propesor sa unibersidad na pinapasukan ko, nabulag lang siya kaya’t huminto sa pagtuturo. Dalawampung taon din daw siyang naging Campus Minister. Napansin ko nga na mahusay siyang magkuwento at minsan ay English ang gamit niyang salita. Lumayo muna ako upang makapagbenta siya nang maayos sa mga estudiyante ko, pero mukhang madaldal siya at panay pa rin ang kuwento sa mga estudiyante ko. Pinaliwanag niya ang sakripisyo ng pagiging isang guro dahil naranasan daw niya iyon noon. Kinukuwento rin niya na sa kabila ng paghihirap niya sa kanyang kalagayan ay hindi siya pinapabayaan ng Diyos at lagi’t laging may mga taong nasa paligid niya ang handang tumulong.
Napagtanto ko na ‘yung mga sinasabi niya na dapat ipamalas ang laging handang pagtulong sa mga nangangailangan, ang pagpapahayag sa mga tao ng matuwid na pamumuhay, at ang kapangyarihang pamunuan at paglingkuran nang may kababaang-loob ang ating kapwa ay ang mga tunay na kahulugan ng pakikibahagi natin sa pamilya ng Diyos at ang tunay na misyon ng lahat ng Kristiyano. Sa pag-aakalang malaking tulong na ang pagbili namin sa matandang babae, mas malaking grasya pala para akin at sa aking mga estudiyante ang aming matatanggap sa pagpapahayag niya ng katotohanan ng buhay at ang pagpapatuloy niya ng tapat na pamumuhay bilang binyagang Kristiyano sa kabila ng kanyang nararanasan sa takip-silim ng kanyang buhay.
Prayer

Panginoon, ipagkaloob Mo sa amin ang
biyayang sumampalataya sa aming Panginoong Jesus at talikdan ang lahat ng
masasamang bagay na naglalayo sa amin sa Iyo. Higit naming hangad na
maipagpatuloy sa pang-araw-araw naming pamumuhay ang kahalagahan ng Sakramento
ng Binyag na maging kabahagi ng pamilya ng Diyos na laging handang magtulungan
lalo na sa mga nangangailangan. Amen.
No comments:
Post a Comment
Tell us what you feel...