Powered by Blogger.

Saturday, 4 January 2020

Huwag Basta Magpapadala


Epiphany of the Lord 
 5 January 2020
First reading
Isaiah 60:1-6


Arise, shine; for your light has come,
and the glory of the Lord has risen upon you.
For darkness shall cover the earth,
and thick darkness the peoples;
but the Lord will arise upon you,
and his glory will appear over you.
Nations shall come to your light,
and kings to the brightness of your dawn.

Lift up your eyes and look around;
they all gather together, they come to you;
your sons shall come from far away,
and your daughters shall be carried on their nurses’ arms.
Then you shall see and be radiant;
your heart shall thrill and rejoice,
because the abundance of the sea shall be brought to you,
the wealth of the nations shall come to you.

A multitude of camels shall cover you,
the young camels of Midian and Ephah;
all those from Sheba shall come.
They shall bring gold and frankincense,
and shall proclaim the praise of the Lord.

                
Second reading
Ephesians 3:2-3, 5-6
Surely you have already heard of the commission of God’s grace that was given me for you, and how the mystery was made known to me by revelation, as I wrote above in a few words, In former generations this mystery was not made known to humankind, as it has now been revealed to his holy apostles and prophets by the Spirit: that is, the Gentiles have become fellow heirs, members of the same body, and sharers in the promise in Christ Jesus through the gospel.

Gospel
Matthew 2:1-12


In the time of King Herod, after Jesus was born in Bethlehem of Judea, wise men from the East came to Jerusalem, asking, “Where is the child who has been born king of the Jews? For we observed his star at its rising, and have come to pay him homage.”

When King Herod heard this, he was frightened, and all Jerusalem with him; and calling together all the chief priests and scribes of the people, he inquired of them where the Messiah was to be born. They told him, “In Bethlehem of Judea; for so it has been written by the prophet:
‘And you, Bethlehem, in the land of Judah,
are by no means least among the rulers of Judah;
for from you shall come a ruler
who is to shepherd my people Israel.'”
Then Herod secretly called for the wise men and learned from them the exact time when the star had appeared. Then he sent them to Bethlehem, saying, “Go and search diligently for the child; and when you have found him, bring me word so that I may also go and pay him homage.” When they had heard the king, they set out; and there, ahead of them, went the star that they had seen at its rising, until it stopped over the place where the child was. When they saw that the star had stopped, they were overwhelmed with joy. On entering the house, they saw the child with Mary his mother; and they knelt down and paid him homage. Then, opening their treasure chests, they offered him gifts of gold, frankincense, and myrrh. And having been warned in a dream not to return to Herod, they left for their own country by another road.

Reflection
by Nats Vibiesca
Hindi na yata nasasabik ang mga tao sa ngayon tuwing sasapit ang “Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon” o mas alam natin sa tawag na pista ng “Tatlong Hari" o "3 Kings”. O napagod na siguro ang mga tao sa nagdaang mga araw dahil sa sobra-sobrang komersiyalismo ng Kapaskuhan. Papaano'y Setyembre pa lang ay Pasko na agad ang feeling ng karamihan; pinipilit sabihing  “Ber na, malamig na ang simoy ng hangin, Pasko na talaga,” kahit dumaranas ng init at tagtuyot dahil sa El Niño at kinailangan pa ang Oratio Imperata para sa ulan dahil sa sobrang baba na ng lebel ng mga dam ng tubig. 

Sa panahon nga ng mga “ber months” ay bumibilis ang mga araw dahil sobrang abala ang lahat sa preparasyon sa Pasko. Todo-todo na ang selebrasyon hanggang Bagong Taon at halos hindi na rin napansin na dapat ipagdiwang ang role ni Mama Mary sa unang araw ng taon. Kaya naman bago pa sumapit ng unang Linggo ng Enero'y, tapos na sa karamihan ang Kapaskuhan at nakalimutan na nga ang Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon. Mas mahalaga na ang mga planong balik-alindog, pagkakaroon ng mga kalendaryo at planner na masusulatan, balik trabaho na agad, o ika nila'y “back to normal” na.

Pero teka muna! Hindi pa tapos ang pagninilay natin sa Kapaskuhan. Kung ang tingin nati'y nauumay na tayo sa mga regalo at ayaw na nating isipin pa ang mga regalo ng tatlong hari o tatlong pantas o mga haring mago, dumako tayo sa pagninilay ng gustong sabihin sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang rebelasyon o pagpapakita ng sarili sa ating lahat. Hindi ba't ang paghahanap sa Diyos at pagkilala sa Diyos ang marubdob na hangarin ng ating buhay? Sapagkat kung matagpuan at makilala na natin ang Diyos ay saka natin Siya mamahalin at sasambahin. Para tayong mga tatlong hari na naghahanap sa Diyos mula pa sa malalayong lugar at dumadanas ng hirap sa paglalakbay makita lamang Siya, samantalang binigyan tayo ng biyayang kaalaman kung papaano matatagpuan ang Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa tala. Sa daan patungong sabsaban kung nasaan nakahimlay ang mapagpakumbabang Panginoong Diyos, hahamunin tayo ng mga pagsubok upang hindi siya marating, na sa una'y hindi pa natin maunawaan agad ang mga pagsubok sa buhay, pero sa huli'y ang Diyos mismo ang magpapaalam sa atin ng kahulugan nito. 

Hindi ba't ganito ang nangyari sa tatlong hari nang ihayag sa kanila ang tunay na intensiyon ni Haring Herodes? Sapagkat naging palalo at sakim ang mga naghahariharian sa ating mundo kaya't hindi matanggap ang totoong Hari, bagkus ninais na patayin agad habang sanggol pa ito. Ganito rin ang dinaranas natin sa ating panahon, na ang mga dapat na totoong lingkod ng bayan ay naghahariharian at mistulang napakaaamong tupa dahil pilit na itinatago ang tunay na intensiyong makasarili upang malihis ang ating tuon sa totoong Diyos. 

Tulad ng mga Pantas, maging mapanuri tayo at huwag basta magpapadala sa mga idinidikta ng mga nasa kapangyarihan sa ating bayan na sa una'y akala mo'y sa ikabubuti natin ang intensiyon pero nakatago pala ang masasamang balak at sa huli'y tayo rin ang nagdurusa. Bagkus, makinig tayo sa Diyos na magsasabi sa atin ng dapat nating gawing kabutihan para sa ating sarili at kapwa. 

Tulad ng pagkakakita ng tatlong hari sa pagsilang ng sanggol na Panginoong Jesus natin sa Betlehem at muling pagkakakita ng mga disipulo sa muling pagkabuhay ng Panginoon pagkatapos ng mahabang paglalakbay sa Emaus, na sa pamamagitan ng paghati ng tinapay sa hapag, matatagpuan at siguradong makikita rin natin ang ating Panginoong Jesus sa paghahati ng tinapay sa bawat Misang ating dinadaluhan. Kung buong pamilya ang laging nakikisalo sa piging ng ating Panginoon, ang buong Banal na Pamilya rin ang ating nakakasama sa hapag ng Panginoon.

Prayer

Panginoon, laging kasama ang tukso at paghihirap sa landas na aming tinatahak patungo sa Iyo, ngunit nagsusumaamo kami na ipadalang lagi ang Iyong grasya at patnubay upang makita Ka at makasama ng aming buong pamilya. Amen.

No comments:

Post a Comment

Tell us what you feel...

Followers

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP