First reading
|
Numbers 6:22-27
|
The Lord spoke to Moses, saying:
“Speak to Aaron and his sons, saying, Thus you shall bless the Israelites: You shall say to them,
“Speak to Aaron and his sons, saying, Thus you shall bless the Israelites: You shall say to them,
‘The Lord bless you and keep you;
the Lord make his face to shine upon you, and be gracious to you;
the Lord lift up his countenance upon you, and give you peace.
So they shall put my name on the Israelites, and I will bless them.'”
the Lord make his face to shine upon you, and be gracious to you;
the Lord lift up his countenance upon you, and give you peace.
So they shall put my name on the Israelites, and I will bless them.'”
Second reading
|
Galatians 4:4-7
|
But when the fullness of time had come, God sent his Son, born of a woman, born under the law, in order to redeem those who were under the law, so that we might receive adoption as children. And because you are children, God has sent the Spirit of his Son into our hearts, crying, “Abba! Father!” So you are no longer a slave but a child, and if a child then also an heir, through God.
Gospel
|
Luke 2:16-21
|
So they went with haste and found Mary and Joseph, and the child lying in the manger. When they saw this, they made known what had been told them about this child; and all who heard it were amazed at what the shepherds told them. But Mary treasured all these words and pondered them in her heart. The shepherds returned, glorifying and praising God for all they had heard and seen, as it had been told them.
After eight days had passed, it was time to circumcise the child; and he was called Jesus, the name given by the angel before he was conceived in the womb.
Reflection
By Nats Vibiesca
By Nats Vibiesca
Napansin ninyo ba na ang laging pambungad
na pagninilay natin sa unang araw ng bagong taon ay ang selebrasyon ng pagiging
Dakilang Ina ng Diyos ni Maria? Hindi lang ang pagpapalit ng numero ng taon ang
sumasalubong sa atin dahil nagpaparamdam agad ang nanay ng Diyos na maging
bahagi siya ng ating pagsalubong sa panibagong buhay. Bakit kaya? Hindi ba't sa
mga nanay natin tayo unang natututo ng mga dapat nating malaman sa buhay? Bukod
sa mga pisikal na pangangailangan natin, nalaman natin sa kanila ang mga unang
kuwento ng buhay at kung papaano natin dapat harapin ito. Alam nating mahirap
ang role ng isang ina ngunit buong tiyaga pa rin tayong pinalalaki ng ating mga
nanay. Masunurin naman tayo sa mga utos ng ating mga nanay noong bata pa tayo;
lagi nating nadarama ang pagmamahal nila at ipinadarama rin natin ang ating
pagmamahal sa kanila, pero kung tayo'y tumatanda na't minsan pa'y naliligaw ng
landas, nahihirapan tayong bumalik sa ating nanay dahil sa kahihiyan. Subalit
laging handang magpatawad at bukas ang puso ng ating mga ina sa kanyang mga
anak na lumalapit.
Tulad ni Maria, dumanas man ng sobrang paghihirap mula sa
pagdadalang-tao kay Hesus hanggang sa kalbaryo ng kanyang daan ng krus
patungong hapis ng kamatayan, buong pagmamahal na niyayakap tayo ng ating mga
ina anuman ang mangyari sa ating buhay. Kaya nga higit na dapat nating
pasalamatan ang Diyos sa kanyang kabutihang pagbibigay sa atin ng tulad ni
Maria bilang Ina ng Diyos at maging Ina na rin nating lahat na nagsisilbing
gabay at modelo ng sangkatauhan. Ang pagiging Ina ng Diyos ni Maria at gampanin
na maging Ina rin nating lahat ay pagbubunyag ng kalooban mismo ng Diyos, at
paglalantad ng kanyang pagka-Diyos sa ating lahat. Kaya't tunay tayong
nagagalak dahil mas nakikilala natin ang Diyos sa simula pa lang ng taon.
Iniisip ko, papaano kaya kung naging Lola
si Maria? Siguradong magandang Lola si Maria; bagay ba ang tawag na Lola Maria?
Teka, imposible 'yun, kaya ko lang naman naisip 'yun dahil naoobserbahan ko ang
mga Lola na parang tunay nilang mga anak kung ituring ang kanilang mga apo.
Madalas na hindi nalalayo sa pagiging ina ang ginagampanan ng mga Lola sa
kanilang mga mahal na apo, kaya naman parang hindi sila tumatanda dahil hindi
natatapos ang pagiging ina nila sa atin. Ito rin ang turing ni Maria sa ating
lahat kaya't hindi nga siya tumatanda at walang katapusan ang kanyang
pagpapadama ng kanyang pagmamahal sa atin kaya't hindi na rin kailangan pang
maging Lola.
Panalangin
Samahan mo kami aming Inang Maria sa
anumang tunguhin ng aming buhay upang lalong mabunyag ang kadakilaan ng iyong
anak na aming Panginoong Hesus. Hayaan mong maipadama rin namin ang aming
pagmamahal sa iyo at sa aming Diyos sa anumang pagkakataon ng aming buhay.
Amen.
No comments:
Post a Comment
Tell us what you feel...