Powered by Blogger.
Showing posts with label Divine Mercy. Show all posts
Showing posts with label Divine Mercy. Show all posts

Sunday, 12 April 2026

Doubting Thomas

Second Sunday of Easter (Divine Mercy Sunday)

12 April 2026

 
First Reading: Acts 2:42-47
Responsorial Psalm: Psalm 118:2-4, 13-15, 22-24
Second Reading: 1 Peter 1:3-9
Gospel: John 20:19-31
 
Reflection
By: Benj Santiago
 
Thomas represents many of us today—wounded by broken systems, unfulfilled promises, and deep disappointments. 

We struggle to believe in change because we have seen too much injustice, corruption, and inequality. 

Yet Jesus enters locked rooms of fear and speaks peace. This Gospel teaches that faith is not blind optimism but courageous trust. 

For all of us, healing begins when we choose belief over bitterness, unity over division, and service over self-interest. 

Christ’s wounds remind us that even suffering can become a source of healing, and that true transformation begins when we allow God to touch our doubts.

Prayer

Lord Jesus, like Thomas, we carry doubts born from injustice and broken promises. 

Enter our locked hearts and speak Your peace. Heal our nation’s wounds with courage and faith. Teach us to choose unity over division and service over self. Transform our suffering into hope, and our doubts into trust. Amen.

Friday, 5 April 2024

Pagtawid: Ang Awa at ang Pagkabuhay ng ating Panginoon

    

Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay / Linggo ng Banal na Awa

07 Abril 2024

 
Unang Pagbasa: Gawa 4:32-35
Salmong Tugunan: 118:2-4, 13-15, 22-24
Ikalawang Pagbasa: 1 Jn 5:1-6
Mabuting Balita: Jn 20:19-31
 
Repleksyon
Ni: Bro. Emerson C. Maala

Bahagi na ng tradisyon ng pagdiriwang ng mga mahal na araw na may mga gumaganap na Apostoles ng ating Panginoong Hesus. Ito'y isang paraan din ng ebanghelisyason upang maipakilala ang labindalawang apostoles sa mga tao.

Sa isang karanasan dito sa bayan ng Taytay, sa probinsiya ng Palawan, ang mga gumaganap na mga apostoles ay hindi lamang makikita sa tatlong araw na pagdiriwang ng pagpapakasakit at pagkabuhay ng Panginoon, bagkus sila ay nagbabahay-bahay upang mag-imbita sa magaganap na pagdiriwang at gayundin ay maipanalangin ang Tahanan at ang Pamilya. Sa aking pakikipagkwentuhan sa kanila, masaya nilang ibinabahagi ang kanilang mga naging karanasan. "Alam niyo brother, unang beses ko na gumanap bilang apostoles. Bagama't nakakapagod dahil sa init at layo ng nilalakad dahil ilang bundok  ang tinawid namin, masaya dahil tuwang tuwa yung isang sitio na pinuntahan namin. Akala nila, hindi namin sila pupuntahan. May Awa talaga ang Diyos. Sinamahan kami sa paglalakbay na ito." 

Pagtawid at Awa ng Diyos.

Sa patuloy nating pagdiriwang ng muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo, at ang ikalawang Linggo ng Pagkabuhay ay tinatawag din na Divine Mercy Sunday, inaanyayahan tayo nito sa patuloy nating pagtawid sa buhay kasama ng ating Panginoon.

Pagtawid. Mula sa salitang tawid na ang ibig sabihin ay pagpunta o pagtungo mula sa isang lugar o sitwasyon patungo sa isa pang lugar o sitwasyon. Ito ang karanasan ni Hesus sa kanyang pagpapakasakit, pagkamatay at pagkabuhay. Tinawid ni Hesus ang kamatayan patungo sa Kanyang buhay na walang hanggan. Bakit? Dahil sa Awa. Awa ng Diyos Ama kaya Niya ibinigay sa atin ang Kanyang Bugtong na Anak. At gayundin, nang dahil sa Awa, tinawid naman ni Hesus ang hirap na kanyang dinanas upang sa gayon, tayo ay maligtas mula sa kadiliman ng kasalanan. Awa na patuloy niyang ipinagkakaloob sa atin sa kabila din ng mga marami nating pagkukulang.

Marami sa atin ang may karanasan ng Pagtawid. Maaaring, pagtawid ng dagat. Pagtawid ng kalsada. Pagtawid sa himpapawid. At gayundin, sa marami din nating pagtawid sa karanasan ng ating buhay. Gayunpaman, sa bawat pagtawid natin, hindi nawawala ang mga pagasubok. Mga bagay na nagbibigay takot at nagpapahina sa ating loob upang makatawid. 

Sa mabuting balita, matinding takot ang naging karanasan ng mga alagad na kanilang hinarap upang makatawid sa kanilang pananampalataya. Nakasarado ang mga pintuan at bintana dahil bilang mga taga-sunod ni Hesus ay maaaring mangyari din sa kanila ang sinapit ng ating Panginoong Hesus. Ngunit hindi naging matagumpay ang takot na ito. Dahil sa tulong ni Hesus, itinawid Niya ang mga apostol mula sa takot, patungo sa patuloy na pananampalataya na nagdudulot ng kagalakan at pag-aalab ng mga puso. 

Gaya din ng sabi ni San Juan sa kanyang sulat, nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa pamamagitan ng panampalataya, sumisibol ang puso na handang magtaya, kahit ng buhay at kamatayan para sa Diyos at kapwa. 

Bunga nito, ang mga apostol ay patuloy na nagpatotoo sa muling pagkabuhay ni Hesus. Buong tapang na ipinahayag na si Hesus ay muling nabuhay at gayundin ay naging daluyan ng Awa ng Panginoon, na magpasahanggang ngayon ay patuloy nating tinatanggap.

Katulad ni Hesus na tumawid mula sa kamatayan patungo sa buhay na walang hanggan at ng mga apostol na tumawid mula takot patungo sa pagsaksi sa muling pagkabuhay ni Hesus, tayo rin ay inaanyayahang tumawid mula sa lumbay patungo sa pag-aalab ng pananampalataya, gayundin sa pagtawid mula sa mga kasalanan patungo sa grasya at Mabathalang Awa ng Diyos. Dahil ang Diyos ay patuloy na nagbibigay sa atin ng kanyang Awa. Amen.

Panalangin:

Ama naming maaawin, patuloy Mo kaming kalingain. May mga takot din kami sa buhay na humahadlang sa aming pananampalataya sa Iyo. Patuloy mo kaming bigyan ng Iyong Awa, dahil hindi kami karapat-dapat sa ginawang pagpapakasakit ni Hesus sa Krus. Nawa sa pamamagitan nito, ay patuloy na mag-alab sa aming mga puso ang aming pananampalataya sa Iyo, sa pamamagitan ng Iyong anak na aming Panginoong Hesukristo, kasamang Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.

Saturday, 23 April 2022

Divine Mercy Sunday

 

 Second Sunday of Easter

Divine Mercy Sunday

24 April 2022

 
First Reading: ACTS 5:12-16
Responsorial Psalm: PS 118:2-4, 13-15, 22-24
Second Reading: REV 1:9-11a, 12-13, 17-19
Gospel: JN 20:19-31
 
Reflection
By: Sem. Kenjie Viado
Grade 12, Our Lady of the Pillar Seminary, Diocese of Imus

Today is the second week of our Lord’s Resurrection or called Divine Mercy Sunday. This week the Gospel shows us how Jesus gave or proclaimed peace to his disciples. As Catholics,  it challenges us to be partakers of the peace that Jesus has given us. Just as we have heard in the Gospel, we are sometimes like Thomas who does not believe when we cannot see but Jesus reminds us that "Blessed are those who believe even though they cannot see." Sometimes in our lives, we ask if there really is a God? But this question should challenge us to deepen our faith in God.

Divine Mercy Sunday reminds us that Jesus is merciful, compassionate, and loving. I remember that every time we were asked how are we, we respond with "Ok naman ako sa awa ng Diyos.” It is wonderful to think that we are living because of the love and mercy of God. Today, Jesus invites us to share in His mission of proclaiming the truth and peace. It is also a challenge for us to always live in God's love and mercy. Peace towards the mission with the help of God’s mercy and compassion.


Prayer

Lord, thank You for Your mercy and compassion toward us that keep us going everyday. In difficult situations that we find it hard to see You, help us to continue believing in You. This we ask in Jesus' Most Holy Name, Amen.



 

Followers

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP