Powered by Blogger.
Showing posts with label pag-asa. Show all posts
Showing posts with label pag-asa. Show all posts

Saturday, 28 May 2022

Taglay Ang Malaking Kagalakan

 


 The Ascension of the Lord

(Ang Pag-akyat sa Langit ng Panginoon)

29 May 2022 

 
First Reading (Unang Pagbasa): ACTS (Gawa) 1:1-11
Responsorial Psalm (Salmong Tugunan): PS (Slm) 47:2-3, 6-7, 8-9
Second Reading (Ikalawang Pagbasa): EPH (Efe) 1:17-23 or HEB (Heb) 9:24-28; 10:19-23
Gospel (Ebanghelyo): LK (Luc) 24:46-53
 
Reflection (Repleksyon)
By (Ni): Renato C. Vibiesca
 
“Taglay ang malaking kagalakan.” Ito ang nadama ng mga alagad matapos silang basbasan at pagpalain habang umaakyat sa langit ang Panginoong Jesus. Maraming pagkakataon na naririnig natin sa mga pangaral na mawawalan ng saysay ang lahat ng ating pananalig kay Jesus kung hindi Siya muling nabuhay at umakyat sa langit. Ang Ebanghelyo ng nakaraang mga Linggo hanggang sa ngayon ay patunay na totoo (hindi fake news) ang pagiging makapangyarihan ng Diyos na ating Panginoong Jesus. Bukod sa nabuo ang ating paniniwala sa simbahan, nagkaroon din ng tamang kahulugan ang mga sakripisyo ng pasyon ng pagkamatay ni Jesus nang Siya’y muling nabuhay at umakyat sa langit. Kaya nga nararapat na magtaglay tayo ng malaking kagalakan sa ating mga puso dahil totoo ang pagliligtas sa atin ni Jesus. Kaakibat kasi ng malaking kagalakan ang malaking pag-asa. Nabuo ang matibay na pag-asa ng ating paniniwala na balang-araw  ay magkakaroon din tayo ng buhay na walang hanggan. 

Ang malaking kagalakang ito na biyaya sa ating buhay ay isang paalaala rin na hindi ang mundong ito ang permanenteng tahanan natin. Ang lahat ng ating mga aktibidad sa mundong ito ay paghahanda lamang sa pagharap natin sa Diyos, paghahanda upang matamasa natin ang paghahari ng Diyos, ang malasap natin ang tunay na kaharian ng langit. Pero sa totoo lang, madalas na nabubulag tayo ng panlilinlang ng mundong ito. Kaydali nating makalimot sa pag-ibig ng Diyos kung nahaharap na sa mga pagsubok ng buhay.

Alam nating maraming klase ng tukso ang nag-uudyok sa atin upang magkasala sa Diyos at sa ating kapwa, pero napagninilayan ko na madalas na nahaharap sa malalaking pagsubok ang mga dapat ay lingkod ng bayan na nakapwesto sa mga ahensiya ng pamahalaan. Subalit, karamihan nga sa mga naghahanapbuhay na nasa gobyerno, lalo na ang mga may matataas na posisyon, ang kalimitang nakalilimot sa mga aral ng pagiging Kristiyano. Pinakamalala ang korapsiyon sa pamahalaan bilang isa sa pinakamalaking kasalanan ng mga nasa pwesto o kahit pa ng ilang maliliit na kawani. Isa rin akong empleyado ng gobyerno kaya’t madali kong nakikita ang mga butas na nagpapasingaw sa mga gawaing tiwali at hindi kaaya-aya sa mata ng Diyos. Kailangan lamang na manindigan tayo na binasbasan na tayo ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng biyaya ng Kanyang pag-ibig at binusog din tayo ng  Kanyang mga aral. Malaki ang hamon sa ating mga Kristiyano na ipamalas ang kabutihan sa  pamamagitan ng pagiging mabuting halimbawa sa kapwa empleyado. Para sa mga lingkod ng Diyos na nasa gobyerno, napakahirap ang maging tapat sa aral ng  Diyos sa gitna ng mga naglalakihang tukso, lalo na kung may kinalaman sa pera, subalit ang grasya na rin ng Diyos ang tutulong sa atin upang manatiling tapat sa Diyos. Hindi tayo panghihinaan ng loob kung tatanggapin natin na hindi naman talaga natin kaya kung sa sariling kakayahan lamang natin iaasa ang paglaban sa tukso, bagkus ay lagi tayong sasandig sa tibay ng pag-ibig ng ating mahal na Panginoong Jesus. Kaya’t mananatili sa atin ang malaking kagalakan at pag-ibig ng Diyos kahit pa na maghirap tayo sa pakikipaglaban sa mga tukso ng mundong ito. Ang lubos na pasasalamat at papuri sa Diyos ang tanging sasambitin natin sa tuwing nagtatagumpay tayo sa mga maliliit at malalaking pagsubok, hanggang sa makaakyat din tayo sa langit upang makapiling ang Diyos magpasawalang-hanggan. Amen.

Prayer (Panalangin)

Panginoong Jesus, dalangin namin na patatagin mo ang aming pananampalataya sa Iyo upang matanggap din namin ang grasya ng malaking kagalakan sa aming buhay habang nakikipaglaban kami sa mga tukso ng mundong ito. Amen.


Thursday, 5 May 2022

Tinig ng Mabuting Pastol

  

 Fourth Sunday of Easter

(Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay)

08 May 2022 

 
First Reading (Unang Pagbasa): ACTS (Gawa) 13:14, 43-52
Responsorial Psalm (Salmong Tugunan): PS (Slm) 100:1-2, 3, 5
Second Reading (Ikalawang Pagbasa): REV (Pag) 7:9, 14b-17
Gospel (Ebanghelyo): JN 10:27-30
 
Reflection (Repleksyon)
By (Ni): Renato C. Vibiesca
 
Sa pagninilay natin sa Ebanghelyo ngayon, malinaw ang pakahulugan na mahalagang napakikinggan nating lagi ang boses o tinig ng Diyos tulad ng mga tupa na alam na alam nila ang tinig ng kanilang mabuting pastol. Sa pamumuhay natin, paano nga ba natin napakikinggan ang tinig ng Diyos? Kung Siya ay tumatawag, ano ang sinasabi Niya?

Kadalasan, sa pagdalo sa banal na Misa sa simbahan o tuwing nananalangin tayo ay iniisip natin na napakikinggan natin ang salita ng Diyos. Siyempre, hindi naman direktang naririnig ng ating mga tainga ang boses ng Diyos; kadalasan ay sa pamamagitan ng pakikinig ng Ebanghelyo sa Biblia o sa sermon ng Pari sa Misa o sa magandang inspirasyon o munting tinig sa ating isip sa tuwing nagninilay tayo habang nagdarasal. Pero tulad ng mga tupa sa kanilang mabuting pastol, alerto tayo kapag naririnig na ang boses ng Diyos sa iba pang bahagi ng ating pamumuhay. Halimbawa'y nakakakita tayo ng ating kapwa na higit na nangangailangan, malinaw na napakikinggan natin ang tinig ng Diyos na dapat tayong tumulong. Ito 'yung mga pagkakataong madadama mo ang awa, mararamdaman mo ang sidhi ng pagmamalasakit sa kapwa, napakalakas na tinig ito ng ating mabuting pastol kung kaya't tumatalima tayo agad sa gusto niyang ipagawa. Hindi ba't kung minsa'y kahit walang-wala ka na sa buhay pero kung may nakita kang mayroong higit na nangangailangan ng iyong tulong, halimbawa'y ang kamag-anak mo o kapitbahay mo na nagugutom dahil walang kinita sa isang araw, mas pinipili mo pa ring tumulong sa abot ng iyong makakaya. Ang munting sakripisyo natin para sa kapwang higit na nangangailangan ay nakikita ng ating mabuting pastol. Sinasabing kilalang-kilala ng mabuting pastol ang kanyang bawat tupa at lagi silang sumusunod dito.

May mga pagkakataon naman na ang tinig ng mabuting pastol ay tinutulungan tayo na magpasya nang tama. Napapansin n'yo ba ang parang may bumubulong sa ating kalooban kapag nahaharap sa isang pambihirang sitwasyon na dapat magdesisyon? Tila napipigilan tayo sa tiyak na kapahamakan sa tuwing ating napakikinggan ang tinig ng Diyos na nagpapahiwatig sa ating konsensiya. Isang halimbawa ang pagkakaroon ng tamang desisyon kaysa magpadala sa pagkakataon na makapanlamang sa iyong kapwa o tahasang magnakaw ng hindi sa iyo o manlinlang ng maliliit na tao. Ito 'yung pakikinig sa munting tinig ng Diyos na dinadala ka sa paggawa ng higit na kabutihan. Tulad bukas, araw ng pambansang eleksyon, higit na dapat nating pakinggan ang tinig ng Diyos upang maging tama ang ating desisyon sa pagpili ng mga bagong mamumuno sa ating bansa.

Dahil nga lantad sa Diyos ang bawat detalye o kaliit-liitan mang pangyayari sa ating buhay, na wala tayong maikukubli sa mabuting pastol, minamarapat nating lagi tayong sumusunod sa Kanya. Bakit lagi nating sinusundan ang Diyos? Dahil Siya lang ang makapagbibigay ng walang hanggang buhay na hindi kailanman makukuha pa sa atin. Kung ikukumpara sa kalagayan ng ating bayan, kadalasan ay nalilinlang tayo ng mga mabubulaklak na pananalita ng mga kandidato na nagsasabi kuno ng pag-asa pero napapahamak naman tayo kalaunan kung sila ay nakaluklok sa puwesto. Sa Ebanghelyo ay binibigyan tayo ng pag-asa ng kasiguraduhan na hindi tayo mapapahamak o maliligaw ng landas kung hawak ng Diyos ang ating mga kamay. Ang mismong Diyos Ama rin ay nagbibigay ng kasiguraduhan para sa atin, dahil higit na dakila ang Diyos Ama sa anumang bagay sa mundo. At sa huli ng Ebanghelyo ay pinatutunayan na ang ating Panginooon Jesus at ang Diyos Ama ay iisa. Kaya't kapit lang tayo lagi sa ating Panginoong Jesus, sa ating Diyos Ama.

Prayer (Panalangin)

Panginoon Jesus, lubos ang pasasalamant namin sa pagkilala at pagkalinga Mo sa amin bilang Iyong mga tupa at ganoon din sa pagkakataong sumunod sa Iyo bilang aming Mabuting Pastol. Hayaan mong umapaw ang biyaya sa aming kalooban upang madinig naming lagi ang Iyong tinig sa anumang landasin ng aming buhay. Amen.



Sunday, 16 July 2017

Kung Ano ang Itinanim


Fifteenth Sunday in Ordinary Time 

16 July 2017
First reading                                                                                                                Isaiah 55:10-11
Thus says the Lord: ‘As the rain and the snow come down from the heavens and do not return without watering the earth, making it yield and giving growth to provide seed for the sower and bread for the eating, so the word that goes from my mouth does not return to me empty, without carrying out my will and succeeding in what it was sent to do.’
Responsorial Psalm
Psalm 64(65):10-14

Second reading                                                                                                     Romans 8:18-23 
I think that what we suffer in this life can never be compared to the glory, as yet unrevealed, which is waiting for us. The whole creation is eagerly waiting for God to reveal his sons. It was not for any fault on the part of creation that it was made unable to attain its purpose, it was made so by God; but creation still retains the hope of being freed, like us, from its slavery to decadence, to enjoy the same freedom and glory as the children of God. From the beginning till now the entire creation, as we know, has been groaning in one great act of giving birth; and not only creation, but all of us who possess the first-fruits of the Spirit, we too groan inwardly as we wait for our bodies to be set free.
Gospel Acclamation


Alleluia, alleluia!
Speak, Lord, your servant is listening:
you have the message of eternal life.
Alleluia!

GospelMatthew 13:1-23 
Jesus left the house and sat by the lakeside, but such large crowds gathered round him that he got into a boat and sat there. The people all stood on the beach, and he told them many things in parables.
  He said, ‘Imagine a sower going out to sow. As he sowed, some seeds fell on the edge of the path, and the birds came and ate them up. Others fell on patches of rock where they found little soil and sprang up straight away, because there was no depth of earth; but as soon as the sun came up they were scorched and, not having any roots, they withered away. Others fell among thorns, and the thorns grew up and choked them. Others fell on rich soil and produced their crop, some a hundredfold, some sixty, some thirty. Listen, anyone who has ears!’
  Then the disciples went up to him and asked, ‘Why do you talk to them in parables?’ ‘Because’ he replied, ‘the mysteries of the kingdom of heaven are revealed to you, but they are not revealed to them. For anyone who has will be given more, and he will have more than enough; but from anyone who has not, even what he has will be taken away. The reason I talk to them in parables is that they look without seeing and listen without hearing or understanding. So in their case this prophecy of Isaiah is being fulfilled:
You will listen and listen again, but not understand,
see and see again, but not perceive.
For the heart of this nation has grown coarse,
their ears are dull of hearing, and they have shut their eyes,
for fear they should see with their eyes,
hear with their ears,
understand with their heart,
and be converted
and be healed by me.
‘But happy are your eyes because they see, your ears because they hear! I tell you solemnly, many prophets and holy men longed to see what you see, and never saw it; to hear what you hear, and never heard it.
  ‘You, therefore, are to hear the parable of the sower. When anyone hears the word of the kingdom without understanding, the evil one comes and carries off what was sown in his heart: this is the man who received the seed on the edge of the path. The one who received it on patches of rock is the man who hears the word and welcomes it at once with joy. But he has no root in him, he does not last; let some trial come, or some persecution on account of the word, and he falls away at once. The one who received the seed in thorns is the man who hears the word, but the worries of this world and the lure of riches choke the word and so he produces nothing. And the one who received the seed in rich soil is the man who hears the word and understands it; he is the one who yields a harvest and produces now a hundredfold, now sixty, now thirty.’

Reflection
by Nats Vibiesca

Gusto ko sanang magtanim ng mga gulay sa aming bakuran, pero wala naman kaming bakuran, o kahit man lang sana sa paso at baka makapagpatubo ako ng kalamansi, kamatis, sili at iba pa. Kaso’y wala akong magandang lupa na makuhaan, kadalasa’y puro sementado na ang lugar sa Maynila. Ang kumpare kong pari ay nagpapalaganap ng sistema ng Bokashi, ito ‘yung makakagawa ka ng organic na fertilizer mula sa mga mismis ng pinagkainan o pinagbalatan ng mga prutas at gulay sa kusina. Kaya nga lang ay walang lupa na makukuha at binibili na rin ang lupa na mapagtataniman. Ang saya sigurong maging magsasaka, naisip ko lang nang mabasa ang ebanghelyo.

Ang totoo’y paubos na ang mga magsasaka sa ating bayan. Bibihira na sa mga kabataan na mangangarap na maging magsasaka sa ngayon. Karamihan sa kanila, sa kagustuhan na rin ng mga magulang, ay nakatuon ang pangarap na makapangibang bansa balang araw upang doon makapaghanapbuhay at mabilis na umasenso. Ayaw nating maging magsasaka dahil ang konsepto natin dito ay salamin ng kahirapan. Kakaunti lamang ang may interes na magtanim kahit man lang sa kanilang bakuran o munting hardin. Paminsan-minsa’y nakikita natin ang mga adbokasiya sa pagtatanim ng puno para sa kalikasan, pero bihira nga lamang ito. Kaya nga halos wala na tayong danas sa tamang paraan ng pagtatanim, hindi natin nauunawaan ang halaga ng tamang panahon sa pagsisimula ng pagsasaka, at wala tayong alam kung papaano pumili ng magandang lupa para pagtaniman ng binhi. Ngunit ito’y karanasan para sa pangangailangan ng ating katawan. Ang kwento ni Jesus ay talinghaga ng paghahasik ng binhi para sa pangangailangan naman ng ating puso at kaluluwa. Sa simpleng salita, ang pagninilay ko sa ebanghelyo ukol sa mga metapora o simbolismo ng parabula ng paghahasik ng binhi ni Jesus ay nakatuon sa pag-big ng Diyos sa atin.


Kung si Jesus ang tagapaghasik ng binhi sa kwento, siguradong kabisado niya ang magandang lupa na kanyang pagtataniman, ito ang ating mga puso. Hindi ba’t malaking biyaya ang pag-ibig ni Jesus na itinanim sa ating mga puso? Walang duda na mamumunga rin ng pag-ibig ang binhing ito, pag-ibig na handang ipamahagi rin sa iba. Papaano? Kusang mamumulaklak tayo sa pamamagitan ng pagtulong sa ating kapwa na higit na nangangailangan. Ang halimuyak ng ating bulaklak at ang ganda nito ay magsisilbing lakas at sigla ng mga nawawalan ng pag-asa. At kalauna’y magiging bunga na nga ang bulaklak na ito upang mapagkuhaan ng mga binhi na muling isasaboy sa mabuting lupa, pero sa pagkakataong ito’y tayo naman ang magiging tagapagsaboy ng bagong binhi, at muling sisibol ang bagong pag-asa, kaya’t hindi natatapos ang pag-ibig ni Jesus.


Sa kabuuan, ang pag-ibig ng Diyos na ibinigay sa atin ay biyayang magpapakilos at magpapasigla sa kagustuhan nating makatulong sa ating kapwa. Maaaring nagsisimula ito sa sarili nating pamilya. Ang pagmamahal sa pamilya ay higit na nararamdaman kung naipapakita sa gawa. Kung labis ang pagpapakita ng pagmamahal sa pamilya’y tatawid naman ito sa ibang tao na nangangailangan din ng pagmamahal at kalinga na hindi lamang sa salita naririnig kundi makikita rin sa mga gawa.


Prayer

Panginoong Jesus, itulot Mong magbunga ang pagmamahal na itinanim Mo sa aming mga puso upang maibahagi namin ito sa mas nakararami. Amen.

Followers

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP