Powered by Blogger.
Showing posts with label pananampalataya. Show all posts
Showing posts with label pananampalataya. Show all posts

Saturday, 28 May 2022

Taglay Ang Malaking Kagalakan

 


 The Ascension of the Lord

(Ang Pag-akyat sa Langit ng Panginoon)

29 May 2022 

 
First Reading (Unang Pagbasa): ACTS (Gawa) 1:1-11
Responsorial Psalm (Salmong Tugunan): PS (Slm) 47:2-3, 6-7, 8-9
Second Reading (Ikalawang Pagbasa): EPH (Efe) 1:17-23 or HEB (Heb) 9:24-28; 10:19-23
Gospel (Ebanghelyo): LK (Luc) 24:46-53
 
Reflection (Repleksyon)
By (Ni): Renato C. Vibiesca
 
“Taglay ang malaking kagalakan.” Ito ang nadama ng mga alagad matapos silang basbasan at pagpalain habang umaakyat sa langit ang Panginoong Jesus. Maraming pagkakataon na naririnig natin sa mga pangaral na mawawalan ng saysay ang lahat ng ating pananalig kay Jesus kung hindi Siya muling nabuhay at umakyat sa langit. Ang Ebanghelyo ng nakaraang mga Linggo hanggang sa ngayon ay patunay na totoo (hindi fake news) ang pagiging makapangyarihan ng Diyos na ating Panginoong Jesus. Bukod sa nabuo ang ating paniniwala sa simbahan, nagkaroon din ng tamang kahulugan ang mga sakripisyo ng pasyon ng pagkamatay ni Jesus nang Siya’y muling nabuhay at umakyat sa langit. Kaya nga nararapat na magtaglay tayo ng malaking kagalakan sa ating mga puso dahil totoo ang pagliligtas sa atin ni Jesus. Kaakibat kasi ng malaking kagalakan ang malaking pag-asa. Nabuo ang matibay na pag-asa ng ating paniniwala na balang-araw  ay magkakaroon din tayo ng buhay na walang hanggan. 

Ang malaking kagalakang ito na biyaya sa ating buhay ay isang paalaala rin na hindi ang mundong ito ang permanenteng tahanan natin. Ang lahat ng ating mga aktibidad sa mundong ito ay paghahanda lamang sa pagharap natin sa Diyos, paghahanda upang matamasa natin ang paghahari ng Diyos, ang malasap natin ang tunay na kaharian ng langit. Pero sa totoo lang, madalas na nabubulag tayo ng panlilinlang ng mundong ito. Kaydali nating makalimot sa pag-ibig ng Diyos kung nahaharap na sa mga pagsubok ng buhay.

Alam nating maraming klase ng tukso ang nag-uudyok sa atin upang magkasala sa Diyos at sa ating kapwa, pero napagninilayan ko na madalas na nahaharap sa malalaking pagsubok ang mga dapat ay lingkod ng bayan na nakapwesto sa mga ahensiya ng pamahalaan. Subalit, karamihan nga sa mga naghahanapbuhay na nasa gobyerno, lalo na ang mga may matataas na posisyon, ang kalimitang nakalilimot sa mga aral ng pagiging Kristiyano. Pinakamalala ang korapsiyon sa pamahalaan bilang isa sa pinakamalaking kasalanan ng mga nasa pwesto o kahit pa ng ilang maliliit na kawani. Isa rin akong empleyado ng gobyerno kaya’t madali kong nakikita ang mga butas na nagpapasingaw sa mga gawaing tiwali at hindi kaaya-aya sa mata ng Diyos. Kailangan lamang na manindigan tayo na binasbasan na tayo ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng biyaya ng Kanyang pag-ibig at binusog din tayo ng  Kanyang mga aral. Malaki ang hamon sa ating mga Kristiyano na ipamalas ang kabutihan sa  pamamagitan ng pagiging mabuting halimbawa sa kapwa empleyado. Para sa mga lingkod ng Diyos na nasa gobyerno, napakahirap ang maging tapat sa aral ng  Diyos sa gitna ng mga naglalakihang tukso, lalo na kung may kinalaman sa pera, subalit ang grasya na rin ng Diyos ang tutulong sa atin upang manatiling tapat sa Diyos. Hindi tayo panghihinaan ng loob kung tatanggapin natin na hindi naman talaga natin kaya kung sa sariling kakayahan lamang natin iaasa ang paglaban sa tukso, bagkus ay lagi tayong sasandig sa tibay ng pag-ibig ng ating mahal na Panginoong Jesus. Kaya’t mananatili sa atin ang malaking kagalakan at pag-ibig ng Diyos kahit pa na maghirap tayo sa pakikipaglaban sa mga tukso ng mundong ito. Ang lubos na pasasalamat at papuri sa Diyos ang tanging sasambitin natin sa tuwing nagtatagumpay tayo sa mga maliliit at malalaking pagsubok, hanggang sa makaakyat din tayo sa langit upang makapiling ang Diyos magpasawalang-hanggan. Amen.

Prayer (Panalangin)

Panginoong Jesus, dalangin namin na patatagin mo ang aming pananampalataya sa Iyo upang matanggap din namin ang grasya ng malaking kagalakan sa aming buhay habang nakikipaglaban kami sa mga tukso ng mundong ito. Amen.


Saturday, 21 May 2022

Ang Pag-ibig ng Diyos

  

 Sixth Sunday of Easter

(Ika-anim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay)

22 May 2022 

 
First Reading (Unang Pagbasa): ACTS (Gawa) 15:1-2, 22-29
Responsorial Psalm (Salmong Tugunan): PS (Slm) 67:2-3, 5, 6, 8
Second Reading (Ikalawang Pagbasa): REV (Pag) 21:10-14, 22-23
Gospel (Ebanghelyo): JN 14:23-29

 
Reflection (Repleksyon)
By (Ni): Renato C. Vibiesca
 
Maraming pagkakataon na nararamdaman nating parang walang direksiyon ang ating buhay. Hindi naiiwasan na kung minsa’y halos natataranta o nalilito na tayo sa mga nangyayari sa ating paligid. ‘Yung tipong akala mo’y ok na ang lahat pero hindi pa pala. Naguguluhan ka pa rin ba sa mga pangyayari sa buhay mo? Ang mga paalaala ng Panginoong Jesus sa Ebanghelyo ngayon ay tunay na napakayamang biyaya para sa ating lahat upang mapagtagumpayan natin ang mga pagsubok na ito. Ang pag-ibig natin sa Diyos ay biyaya ng pananampalataya at sa paalaala nga ni Jesus kung tayo’y mananatili sa pag-ibig natin sa Diyos, ang ating butihing Diyos Ama at ang ating Panginoong Jesus ay siguradong mananahang lagi sa atin. Sa katunayan, ang Banal na Espiritu ay patuloy na tuturuan tayo ng anumang bagay na naaayon sa kalooban ng Diyos at laging paaalalahanan tayo ukol sa mga itinuro sa atin ng Panginoong Jesus.

Walang duda na mahal na mahal nga tayo ng ating Panginoong Jesus dahil handog Niya ang kapanatagan ng damdamin - ang kapayapaan ng ating puso upang hindi tayo mangamba o matakot na humarap sa hamon ng buhay.

Noong dumapo ang pandemya sa ating bayan, nadama ko ang hindi maipaliwanag na takot at karamihan nga sa atin ay nakadama rin ng ganitong pagkabagabag; binalot tayo ng samu’tsaring pangamba sa buhay na nagbunga ng walang kapanatagan ng ating mga damdamin. Pero kumapit tayo sa pag-ibig ng ating Panginoong Jesus at napawi nga ang pagod sa ating puso. Ang ating katapatan, pananampalataya, at pag-ibig sa Diyos ay nagbunga agad ng malaking biyaya para sa lahat. Walang patid ang pagtuturo sa atin ng Banal na Espiritu kung ano ang marapat na ikikilos natin sa panahong nawawalan na tayo ng pag-asa, kaya unti-unti tayong sumigla at nagkalakas ng loob upang makabangon sa pagkakasadlak sa pandemya. Pero hindi pa man natatapos ang pandemya, naharap na naman tayo sa matinding pagsubok ukol sa pagpili ng mga mamumuno sa ating bayan. Nagdulot na naman ito ng panibagong matinding agam-agam para sa kinabukasan ng ating mga anak. Sa panahon ng eleksiyon ay nagkagulo-gulo tayo, nag-away-away ang magkakaibigan maging ang magkakamag-anak, halos mabura nga ang imahen ng pagiging Kristiyano natin dahil sa gigil sa isa’t isa. Akala mo’y matinding giyera ang batuhan ng  masasamang bagay sa isa’t isa. Napakalungkot na nawala ang kahinahunan ng karaniwang Kristiyano sa ating mga sarili.  Sa Ebanghelyo ngayon ay muling ipinaaalala sa atin, hindi niya tayo iniiwan at paulit-ulit, nangungulit na nga ang Panginoon Jesus sa atin: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Huwag kayong mabalisa; huwag kayong matakot.” Panghawakan nawa natin ang ating pag-ibig sa Diyos at sa ating kapwa upang manahimik ang ating mga puso sa kapayapaan ng ating Panginoong Jesus.  Amen.

Prayer (Panalangin)

Panginoong Jesus, panalangin nami’y punuuin mo ng pag-ibig ang aming mga puso at kami’y puspusin ng Banal na Espiritu upang malaman namin kung papaano maipadarama sa aming kapwa ang iyong matimyas na pag-ibig. Manalig nawa kami sa kapayapaang handog Mo sa amin upang ito ang manguna sa aming buhay lalo na sa panahong nahaharap kami sa matinding pagsubok at tukso. Amen.


Monday, 25 April 2022

Ang Misyon Para sa Mga Manggagawa

  

 Third Sunday of Easter

(Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay)

01 May 2022 

 
First Reading (Unang Pagbasa): ACTS (Gawa) 5:27-32, 40b-41
Responsorial Psalm (Salmong Tugunan): PS (Slm) 30:2, 4, 5-6, 11-12, 13
Second Reading (Ikalawang Pagbasa): REV (Pag) 5:11-14
Gospel (Ebanghelyo): JN 21:1-19
 
Reflection (Repleksyon)
By (Ni): Renato C. Vibiesca
 
Paborito ko sa Ebanghelyo ngayon ang eksena na ipinaghanda ng Panginoong Jesus ang mga disipulo ng almusal sa tabing dagat. Biruin mo, ipinagluto pa sila ni Jesus ng isda at may kasama pang pandesal (hindi talaga pandesal iyon, basta tinapay ang kasama ng isda). Ang ikinamamangha ko ay ang walang dudang pagkakakilala ng mga disipulo kay Jesus sa pagkakataong iyon at ito na ang ikatlong pagpapakita ni Jesus mula nang siya ay muling nabuhay. Pero bago nila nakaharap uli si Jesus ay nagdesisyon talaga silang bumalik sa hanapbuhay na pangingisda dahil sigurado na silang hindi na makikitang muli si Jesus (at desperado nga sila sa pagkamatay ng Panginoon). Kapansin-pansin na tuwing kakain ang mga disipulo sa tabi ni Jesus, agad nilang nakikilala ang Panginoon. Ito rin kasi ang nangyari sa dalawang disipoulo na nakasabay ni Jesus sa paglalakad pauwing Emaus mula sa Jerusalem. Kahit pa magkasama silang nagkukuwentuhan habang naglalakad ng higit 10 kilometro, subalit sa haba ng kanilang paglalakbay ay hindi nila nakilala si Jesus. Nabuksan lang ang kanilang mga mata nang hatiin ni Jesus ang tinapay na kanilang pinagsasaluhan (tulad ng sa Misa na nabubuksan din ang ating mga mata sa presensiya ng Panginoon sa Eukaristiya) at saka lamang nila nakilala si Jesus.

Hindi ba't nakilala rin natin nang husto ang kadakilaan ng Panginoong Jesus nang magmilagro Siya sa pagpaparami ng tinapay at isda upang ipakain sa limang libong tao? Mula lamang sa limang tinapay at dalawang isda iyon, pero para sa hindi naniniwala sa milagro, ang suspetsa ay milagro rin mula sa mga taop dahil parang nagkaroon ng community pantry, kaya't sumobra pa nga ang pagkain. E, 'yung milagrong nangyari sa dinaluhan nina Mama Mary na kasalan sa Cana? Ang sarap talaga ka-bonding ni Lord, laging food trip. Hindi ba't ang sayang kasama ng Panginoon Jesus dahil nakikita natin Siya nang lubos mula sa maraming biyaya sa ating hapag kainan? Bukod sa pagkain ng ating katawan, binibigyan din tayo ng ating Panginoon ng mga ispirituwal na pampalusog. Kaya't ang highlight ng Ebanghelyo ay ang pagtatalaga o pagsusugo sa atin bilang mga disipulo upang tayo naman ang magpakain sa ibang tao. Kaya hindi lang puro pagkain pampalusog ng katawan ang bonding natin kay Jesus, may trabaho rin tayo. Binibigyan tayong lahat ng misyon bilang manggagawa sa kaharian ng Diyod sa lupa. Tamang-tama ang Ebanghelyo ngayong Mayo 1 dahil ipagdiriwang din natin ang araw ng mga Manggagawa; binibigyang halaga natin ang inaatang ni Jesus na trabaho bilang disipulo Niya sa pagkakaroon ng responsibilidad na tulungan natin ang ating kapwa bilang manggagawang Kristiyano.

Alam natin na marami sa ating mga manggagawang kababayan ang humarap sa napakaraming pagsubok sa panahon ng pandemya. Nadama ko nang husto ang paghihirap ng mga manggagawa nang malaman ang samutsaring kalagayan ng mga estudiyante kong tumutulong sa hanapbuhay para makaraos sa panahong ito. Marami sa mga working student ang nakakaranas ng matinding pagtitiyaga sa kalsada bilang mga delivery rider habang isinasabay ang online class. Ang iba nama'y nag-online selling, nag-vlog, nag-virtual assistant, nagtinda-tinda kahit sa harap lang ng kanilang bahay dahil sa kawalan ng hanapbuhay dulot ng pandemya. Biruin mo, nagtitiyaga sa online class habang nagtatrabaho pagkatapos ay may pagkakataon na nahawa rin sila ng COVID, ang iba't buong pamilya pa ang nahawaan. Noong kasagsagan ng COVID sa unang taon nito sa ating bansa, may working student ako na nahawa ng COVID at gumaling naman pero pagkaraan ng ilang buwan ay nasunugan naman sila ng bahay. Pansamantala silang tumuloy sa barangay hall kasama ng iba pang nasunugan. Ang mas masaklap ay nahawa uli siya ng COVID sa ikalawang pagkakataon dahil siksikan sila sa barangay hall at nakakalimutan na ang social distancing. Nalaman ko ang buong kuwento niya dahil hindi naman siya lumiliban sa online class. Ang sabi ko sa kanya'y asikasuhin niya muna ang kalagayan ng kanyang kalususgan at ang kanyang pamilya dahil may academic ease namang pinaiiral ang unibersidad upang makapasa ang mga estudiyante sa ganoong kalagayan. Bumilib ako sa kanyang pananampalataya at pananaw sa buhay dahil sabi niya sa akin ay: "lagi namang nandiyan sa ating tabi ang Panginoon, kaya tinatanggap ko naman ang hamon ng buhay sa amin, alam ko ser na may ibinibigay na misyon sa atin ang Panginoong Jesus, ang grasya Niya ang magpapatatag sa atin." Pagkatapos muling gumaling, nagpatuloy siya sa hanapbuhay at sa kanyang katatagan ay naging mabuting halimbawa ng mga manggagawa habang itinuloy ang pag-aaral, nakapagsumite naman siya ng lahat ng kahingian ng kurso (hindi late sa kanyang mga submission), at mula noon ay parte na siya ng aking mga kuwentong pandemya sa klase.

Prayer (Panalangin)

Panginoong Jesus, buksan mo ang aming mga mata upang makita Ka sa pamamagitan ng paghahati ng tinapay na Iyong katawan sa bawat Misa na aming dinadaluhan. Ipaunawa Mo at ibuhos ang biyaya sa amin para sa ibinibigay Mong misyon upang magampanan namin nang tapat ang pagiging disipulo Mo. Amen.


Sunday, 16 July 2017

Kung Ano ang Itinanim


Fifteenth Sunday in Ordinary Time 

16 July 2017
First reading                                                                                                                Isaiah 55:10-11
Thus says the Lord: ‘As the rain and the snow come down from the heavens and do not return without watering the earth, making it yield and giving growth to provide seed for the sower and bread for the eating, so the word that goes from my mouth does not return to me empty, without carrying out my will and succeeding in what it was sent to do.’
Responsorial Psalm
Psalm 64(65):10-14

Second reading                                                                                                     Romans 8:18-23 
I think that what we suffer in this life can never be compared to the glory, as yet unrevealed, which is waiting for us. The whole creation is eagerly waiting for God to reveal his sons. It was not for any fault on the part of creation that it was made unable to attain its purpose, it was made so by God; but creation still retains the hope of being freed, like us, from its slavery to decadence, to enjoy the same freedom and glory as the children of God. From the beginning till now the entire creation, as we know, has been groaning in one great act of giving birth; and not only creation, but all of us who possess the first-fruits of the Spirit, we too groan inwardly as we wait for our bodies to be set free.
Gospel Acclamation


Alleluia, alleluia!
Speak, Lord, your servant is listening:
you have the message of eternal life.
Alleluia!

GospelMatthew 13:1-23 
Jesus left the house and sat by the lakeside, but such large crowds gathered round him that he got into a boat and sat there. The people all stood on the beach, and he told them many things in parables.
  He said, ‘Imagine a sower going out to sow. As he sowed, some seeds fell on the edge of the path, and the birds came and ate them up. Others fell on patches of rock where they found little soil and sprang up straight away, because there was no depth of earth; but as soon as the sun came up they were scorched and, not having any roots, they withered away. Others fell among thorns, and the thorns grew up and choked them. Others fell on rich soil and produced their crop, some a hundredfold, some sixty, some thirty. Listen, anyone who has ears!’
  Then the disciples went up to him and asked, ‘Why do you talk to them in parables?’ ‘Because’ he replied, ‘the mysteries of the kingdom of heaven are revealed to you, but they are not revealed to them. For anyone who has will be given more, and he will have more than enough; but from anyone who has not, even what he has will be taken away. The reason I talk to them in parables is that they look without seeing and listen without hearing or understanding. So in their case this prophecy of Isaiah is being fulfilled:
You will listen and listen again, but not understand,
see and see again, but not perceive.
For the heart of this nation has grown coarse,
their ears are dull of hearing, and they have shut their eyes,
for fear they should see with their eyes,
hear with their ears,
understand with their heart,
and be converted
and be healed by me.
‘But happy are your eyes because they see, your ears because they hear! I tell you solemnly, many prophets and holy men longed to see what you see, and never saw it; to hear what you hear, and never heard it.
  ‘You, therefore, are to hear the parable of the sower. When anyone hears the word of the kingdom without understanding, the evil one comes and carries off what was sown in his heart: this is the man who received the seed on the edge of the path. The one who received it on patches of rock is the man who hears the word and welcomes it at once with joy. But he has no root in him, he does not last; let some trial come, or some persecution on account of the word, and he falls away at once. The one who received the seed in thorns is the man who hears the word, but the worries of this world and the lure of riches choke the word and so he produces nothing. And the one who received the seed in rich soil is the man who hears the word and understands it; he is the one who yields a harvest and produces now a hundredfold, now sixty, now thirty.’

Reflection
by Nats Vibiesca

Gusto ko sanang magtanim ng mga gulay sa aming bakuran, pero wala naman kaming bakuran, o kahit man lang sana sa paso at baka makapagpatubo ako ng kalamansi, kamatis, sili at iba pa. Kaso’y wala akong magandang lupa na makuhaan, kadalasa’y puro sementado na ang lugar sa Maynila. Ang kumpare kong pari ay nagpapalaganap ng sistema ng Bokashi, ito ‘yung makakagawa ka ng organic na fertilizer mula sa mga mismis ng pinagkainan o pinagbalatan ng mga prutas at gulay sa kusina. Kaya nga lang ay walang lupa na makukuha at binibili na rin ang lupa na mapagtataniman. Ang saya sigurong maging magsasaka, naisip ko lang nang mabasa ang ebanghelyo.

Ang totoo’y paubos na ang mga magsasaka sa ating bayan. Bibihira na sa mga kabataan na mangangarap na maging magsasaka sa ngayon. Karamihan sa kanila, sa kagustuhan na rin ng mga magulang, ay nakatuon ang pangarap na makapangibang bansa balang araw upang doon makapaghanapbuhay at mabilis na umasenso. Ayaw nating maging magsasaka dahil ang konsepto natin dito ay salamin ng kahirapan. Kakaunti lamang ang may interes na magtanim kahit man lang sa kanilang bakuran o munting hardin. Paminsan-minsa’y nakikita natin ang mga adbokasiya sa pagtatanim ng puno para sa kalikasan, pero bihira nga lamang ito. Kaya nga halos wala na tayong danas sa tamang paraan ng pagtatanim, hindi natin nauunawaan ang halaga ng tamang panahon sa pagsisimula ng pagsasaka, at wala tayong alam kung papaano pumili ng magandang lupa para pagtaniman ng binhi. Ngunit ito’y karanasan para sa pangangailangan ng ating katawan. Ang kwento ni Jesus ay talinghaga ng paghahasik ng binhi para sa pangangailangan naman ng ating puso at kaluluwa. Sa simpleng salita, ang pagninilay ko sa ebanghelyo ukol sa mga metapora o simbolismo ng parabula ng paghahasik ng binhi ni Jesus ay nakatuon sa pag-big ng Diyos sa atin.


Kung si Jesus ang tagapaghasik ng binhi sa kwento, siguradong kabisado niya ang magandang lupa na kanyang pagtataniman, ito ang ating mga puso. Hindi ba’t malaking biyaya ang pag-ibig ni Jesus na itinanim sa ating mga puso? Walang duda na mamumunga rin ng pag-ibig ang binhing ito, pag-ibig na handang ipamahagi rin sa iba. Papaano? Kusang mamumulaklak tayo sa pamamagitan ng pagtulong sa ating kapwa na higit na nangangailangan. Ang halimuyak ng ating bulaklak at ang ganda nito ay magsisilbing lakas at sigla ng mga nawawalan ng pag-asa. At kalauna’y magiging bunga na nga ang bulaklak na ito upang mapagkuhaan ng mga binhi na muling isasaboy sa mabuting lupa, pero sa pagkakataong ito’y tayo naman ang magiging tagapagsaboy ng bagong binhi, at muling sisibol ang bagong pag-asa, kaya’t hindi natatapos ang pag-ibig ni Jesus.


Sa kabuuan, ang pag-ibig ng Diyos na ibinigay sa atin ay biyayang magpapakilos at magpapasigla sa kagustuhan nating makatulong sa ating kapwa. Maaaring nagsisimula ito sa sarili nating pamilya. Ang pagmamahal sa pamilya ay higit na nararamdaman kung naipapakita sa gawa. Kung labis ang pagpapakita ng pagmamahal sa pamilya’y tatawid naman ito sa ibang tao na nangangailangan din ng pagmamahal at kalinga na hindi lamang sa salita naririnig kundi makikita rin sa mga gawa.


Prayer

Panginoong Jesus, itulot Mong magbunga ang pagmamahal na itinanim Mo sa aming mga puso upang maibahagi namin ito sa mas nakararami. Amen.

Saturday, 21 April 2012

" Matatakutin Ka Ba? "

Third Sunday of Easter
April 22, 2012
Image and video hosting by TinyPic
“ True repentance will lead us to salvation ” 

First Reading: Acts 3:13-15, 17-19

The God of Abraham and of Isaac and of Jacob, the God of our fathers, glorified his servant Jesus, whom you delivered up and denied in the presence of Pilate, when he had decided to release him. But you denied the Holy and Righteous One, and asked for a murderer to be granted to you, and killed the Author of life, whom God raised from the dead. To this we are witnesses. and killed the Author of life, whom God raised from the dead. To this we are witnesses. But what God foretold by the mouth of all the prophets, that his Christ should suffer, he thus fulfilled. Repent therefore, and turn again, that your sins may be blotted out, that times of refreshing may come from the presence of the Lord.

 Res. Psalm: Psalms: 4:2,4, 7-8,9

Second Reading: 1John 2:1-5

My children,  I am writing this to you so that you may not commit sin. But if anyone does sin, we have an Advocate with the Father, Jesus Christ the righteous one. He is expiation for our sins, and not for our sins only but for those of the whole world. The way we may be sure that we know him is to keep his commandments. Whoever says, "I know him," but does not keep his commandments is a liar, and the truth is not in him. whoever keeps his word, the love of God is truly perfected in him. This is the way we may know that we are in union with him:

Gospel: Luke 24:35-48

Then the two recounted what had taken place on the way and how he was made known to them in the breaking of the bread. While they were still speaking about this, he stood in their midst and said to them, "Peace be with you." But they were startled and terrified and thought that they were seeing a ghost. Then he said to them, "Why are you troubled? And why do questions arise in your hearts? Look at my hands and my feet, that it is I myself. Touch me and see, because a ghost does not have flesh and bones as you can see I have. And as he said this, he showed them his hands and his feet. While they were still incredulous for joy and were amazed, he asked them, "Have you anything here to eat?" They gave him a piece of baked fish; he took it and ate it in front of them. He said to them, "These are my words that I spoke to you while I was still with you, that everything written about me in the law of Moses and in the prophets and psalms must be fulfilled." Then he opened their minds to understand the scriptures. And he said to them, "Thus it is written that the Messiah would suffer and rise from the dead on the third day and that repentance, for the forgiveness of sins, would be preached in his name to all the nations, beginning from Jerusalem. You are witnesses of these things.

Reflection by:
Pam Manzano

Sabi nila, ang tanging bagay na permanente sa mundo ay ang pagbabago. Maraming uri ng pagbabago at bilang tao, wala ni isa man sa atin ang lusot dito. May mga pagbabago tayong inaasam para sa ikagaganda ng isang bagay o aspeto ng ating buhay. Sino nga ba naman ang may ayaw na umunlad, diba? Ngunit sa kabilang banda, may mga nagaganap ding pagbabago na sa una ay akala natin ay tungo sa ikabubuti, yun pala, sa bandang huli, mas nakasasama pa. Pero ano man ang uri ng mga pagbabagong hinaharap ng bawat isa sa atin sa araw-araw, iisa ang karaniwang tingin: NAKAKATAKOT ANG PAGBABAGO.

 Hindi naman talaga nakakatakot ang pagbabago. Pagsubok nga ito sa bawat isa sa atin. Sinasabi lang natin na nakakatakot ito dahil sa hindi natin alam ang haharapin natin. Minsan, kaya pa tayo natatakot ay dahil sa hindi natin alam kung tama ba ang desisyon natin para tahakin ang daan tungo sa pagbabago. Sigurista kasi ang tao. Mangilan-ngilan lang ang masasabi natin talagang bukas sa pagbabago. Gusto laging may pinanghahawakang matibay na ebidensya para sa bandang huli, magkandaloko-loko man ang mga pangyayari dahil sa pagbabago, may “fall-back” pa rin. May seguridad pa rin. May pupuntahan pa rin. May sasalo pa rin. Umamin ka man o hindi, minsan sa buhay mo (mapa trabaho, pamilya, pag-aaral, buhya pagmamahal, o anu pa man yan), alam kong naranasan mo at alam mo kung ano ang sinasabi ko.

 Pero ang ganyang klase ng takot, hindi uubra sa pananampalatayang Kristiyano. Sabi sa diksyonaryo, ang pananampalataya ay isang matibay na paniniwala sa isang bagay o kapangyarihan na hindi pa kailanman nakikita. Kung patuloy na magiging sigurista ang tao pagdating sa pananampalataya, tingin mo, saan tayo pupulutin kapag nagkataon?

 Maging bukas tayo sa mga pagbabagong kumakatok sa ating pintuan ngayon. Lumipat ka sa trabahong alam mong tama para iyo, tumira ka sa lugar na matagal mo nang gustong tirahan. Mag-aral ka ng kursong nais mong kuhanin noon pero hindi mo nagawa dahil sa pagsunod sa kursong gusto ng nanay at tatay mo. Ipagawa mo ang kwarto mo o kung mabait ka, sama mo na buong bahay nyo. Maghanap ka ng bagong libangan. Kung pintor ka noon, maging mang-aawit ka naman ngayon. Magpagupit ng maikli, magpakulot, magpapayat, o kung ano pa mang pagbabago na nais mong gawin sa lahat ng aspeto ng buhay mo na makakabuti sa iyong pagkatao. Sundin mo ang sigaw ng puso mo. Basta para lang sa ikabubuti at ikagaganda ng buong pagkatao mo.

Sa lahat ng pagbabago na nabanggit ko sa itaas, lahat yan “superficial”. Lahat yan, pagdating ng panahon, mawawala. Papangit uli at dadating ang panahong kailangan mo ulit mag-isip para sa panibagong pagbabago. Ang Ebanghelyo ngayon, kumakatok sa puso at isip ng bawat isa sa atin at iisa ang Kaniyang sinasabi: Magbago para sa pananampalataya.

Talikdan ang buhay na puno ng duda. Iwasan ang baluktot na pamumuhay. Kung manloloko ka noon, pakiusap, sa ngalan ng pagbabago at pagbabalik-loob sa pananampalataya, huwag ka ng manloko muli. Kung namamatay ang pagmamahal mo sa Diyos, subukan mong dumalo sa isang “retreat”,  magpabibago ng debosyon, o anu pa mang paraan na sa tingin mo makapagpapatibay sa pananampalatayang unti-unting nawawala. Magbago para sa ikabubuti ng buhay-ispiritwal. Para sa ikalalapit pa ng bawat isa sa atin kay Hesus. Para magampanan natin ng maayos ang misyon na ibinigay Niya sa bawat isa na ipamahagi ang Mabuting Balita ng kaligtasan. Para sa ikagagaling ng bansang Pilipinas at sa “spiritual breakthrough” na kailangan ng maraming Kristiyano sa buong mundo. Huwag tayong maging bulag at bingi sa imbitasyon sa atin ni Hesus para dumalo sa Kanyang piging.

Hindi nakakatakot ang pagbabago. Sawa ka na sa magulong mundo? Manalig ka. Yakapin natin ang pagbabago at umpisahan natin ito sa ating mga sarili.

Prayer

Panginoon, patuloy mo pong patatagin ang aming pananampalataya. Sa panahong ito kung saan marami sa amin ang kinakain ng takot at kawalang pag-asa, ipakita Mo sa amin na Ikaw ang daan, katotohanan at buhay. Hayaan Mo pong sumilay ang Iyong liwanag sa bawat pusong pagal at pananampalatayang nahihimlay.Amen.





Followers

  ©Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP