Sa aking patuloy na paglalakbay sa probinsya ng Palawan, nakilala ko si Tatay Teofisto. Isang lider laiko sa kanilang kapilya. Masayang ibinahagi sa akin ni tatay Teofisto ang kanyang karanasan kung papaanong siya ay naging isang lingkod ni Kristo. Siya ay isang dating lasenggo at malayo ang loob sa kanyang pamilya. Nagbago raw ang kanyang buhay nang makilala niya si Hesus. Isang araw daw ay isinama siya ng isang kaibigan sa isang Parish Based Orientation Seminar (PBOS) at doon ay naengganyo hanggang sa maging isang laiko ministro at lider laiko ng kanilang kapilya. Tuwing umaga, siya ay masigasig na pupunta sa kapilya upang magdasal ng santo rosaryo bago pumunta sa bukid. Pagbabahagi niya, "Brad, simula nang makilala ko si Hesus, pakiramdam ko pa rin na marami akong naging pagkukulang, pagkukulang sa Kanya at sa aking Pamilya. Kaya araw-araw din akong nagrorosaryo dahil nararamdaman ko na Siya din ang patuloy na nagpupuno at yumayakap sa akin."
Sa mabuting balita, ipinakita ni Hesus ang patuloy na pagpupuno at pagyakap Niya sa mga apostol sa kabila ng kanyang dinanas na pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay. Bagamat nawala ang mga apostol sa mga huling sandali ni Hesus dahil na rin sa takot, na kahit si San Pedro na unang nagsabi na hindi niya iiwan ang Panginoon ngunit kanyang itinatwa nang maka-ikatlong ulit, hindi ito naging dahilan para na magpakita sa kanila si Hesus at sila'y patuloy na mahalin. Ang pagpapakita sa kanila ni Hesus ay tanda ng patuloy na pagpupuno at pagyakap ni Hesus sa kabila ng mga naging kakulangan ng mga alagad.
Dahil pa rin sa matinding takot, hindi nauunawaan ng mga Apostol ang mga pangyayaring ito. Nagugulumihanan, nalilito, at hindi alam kung anong nangyayari. Ngunit nang makipag-usap na sa kanila si Hesus, naintindihan nila ang lahat ng bagay, "Kinakailangang magbata ng hirap at mamatay ang Mesiyas at muling mabuhay sa ikatlong araw."
Panalangin
Sa ating buhay, marami na rin tayong naging pagkukulang: nagkulang tayo bilang mga Anak, bilang mga magulang, bilang mga Kristiyano, o kaya naman ay bilang mga tao. Maaaring ang ilan sa atin ay bumalik sa mga dating gawain ng kasakiman, panlalamang, at panlilinlang.
Kaya patuloy rin tayong pinapaalalahanan nina San Pablo at San Juan na "magsisi at magbalik-loob sa Diyos upang pawiin Niya ang ating mga kasalanan.” Dahil sa kabila ng ating mga pagkukulang, pinupuno at niyayakap pa rin tayo ni Hesus bilang kanya. Amen.
Second Reading (Ikalawang Pagbasa): REV (Pag) 21:10-14, 22-23
Gospel (Ebanghelyo): JN 14:23-29
Reflection (Repleksyon)
By (Ni): Renato C. Vibiesca
Maraming pagkakataon na nararamdaman nating parang walang direksiyon ang ating buhay. Hindi naiiwasan na kung minsa’y halos natataranta o nalilito na tayo sa mga nangyayari sa ating paligid. ‘Yung tipong akala mo’y ok na ang lahat pero hindi pa pala. Naguguluhan ka pa rin ba sa mga pangyayari sa buhay mo? Ang mga paalaala ng Panginoong Jesus sa Ebanghelyo ngayon ay tunay na napakayamang biyaya para sa ating lahat upang mapagtagumpayan natin ang mga pagsubok na ito. Ang pag-ibig natin sa Diyos ay biyaya ng pananampalataya at sa paalaala nga ni Jesus kung tayo’y mananatili sa pag-ibig natin sa Diyos, ang ating butihing Diyos Ama at ang ating Panginoong Jesus ay siguradong mananahang lagi sa atin. Sa katunayan, ang Banal na Espiritu ay patuloy na tuturuan tayo ng anumang bagay na naaayon sa kalooban ng Diyos at laging paaalalahanan tayo ukol sa mga itinuro sa atin ng Panginoong Jesus.
Walang duda na mahal na mahal nga tayo ng ating Panginoong Jesus dahil handog Niya ang kapanatagan ng damdamin - ang kapayapaan ng ating puso upang hindi tayo mangamba o matakot na humarap sa hamon ng buhay.
Noong dumapo ang pandemya sa ating bayan, nadama ko ang hindi maipaliwanag na takot at karamihan nga sa atin ay nakadama rin ng ganitong pagkabagabag; binalot tayo ng samu’tsaring pangamba sa buhay na nagbunga ng walang kapanatagan ng ating mga damdamin. Pero kumapit tayo sa pag-ibig ng ating Panginoong Jesus at napawi nga ang pagod sa ating puso. Ang ating katapatan, pananampalataya, at pag-ibig sa Diyos ay nagbunga agad ng malaking biyaya para sa lahat. Walang patid ang pagtuturo sa atin ng Banal na Espiritu kung ano ang marapat na ikikilos natin sa panahong nawawalan na tayo ng pag-asa, kaya unti-unti tayong sumigla at nagkalakas ng loob upang makabangon sa pagkakasadlak sa pandemya. Pero hindi pa man natatapos ang pandemya, naharap na naman tayo sa matinding pagsubok ukol sa pagpili ng mga mamumuno sa ating bayan. Nagdulot na naman ito ng panibagong matinding agam-agam para sa kinabukasan ng ating mga anak. Sa panahon ng eleksiyon ay nagkagulo-gulo tayo, nag-away-away ang magkakaibigan maging ang magkakamag-anak, halos mabura nga ang imahen ng pagiging Kristiyano natin dahil sa gigil sa isa’t isa. Akala mo’y matinding giyera ang batuhan ng masasamang bagay sa isa’t isa. Napakalungkot na nawala ang kahinahunan ng karaniwang Kristiyano sa ating mga sarili. Sa Ebanghelyo ngayon ay muling ipinaaalala sa atin, hindi niya tayo iniiwan at paulit-ulit, nangungulit na nga ang Panginoon Jesus sa atin: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Huwag kayong mabalisa; huwag kayong matakot.” Panghawakan nawa natin ang ating pag-ibig sa Diyos at sa ating kapwa upang manahimik ang ating mga puso sa kapayapaan ng ating Panginoong Jesus. Amen.
Prayer (Panalangin)
Panginoong Jesus, panalangin nami’y punuuin mo ng pag-ibig ang aming mga puso at kami’y puspusin ng Banal na Espiritu upang malaman namin kung papaano maipadarama sa aming kapwa ang iyong matimyas na pag-ibig. Manalig nawa kami sa kapayapaang handog Mo sa amin upang ito ang manguna sa aming buhay lalo na sa panahong nahaharap kami sa matinding pagsubok at tukso. Amen.
Second Reading (Ikalawang Pagbasa): REV (Pag) 21:1-5a
Gospel (Ebanghelyo): JN 13:31-33a, 34-35
Reflection (Repleksyon)
By (Ni): Renato C. Vibiesca
Karamihan sa ating mga kababayan ay nabalisa (naguguluhan, nag-aalala, naliligalig) nitong mga nakaraang araw dahil sa resulta ng halalan sa ating bansa. Ang iba pa ay hindi pa rin kalmado hanggang ngayon, hindi pa nga nakaka-move on. Sa gitna ng lahat ng kaguluhang ito, ang biyaya ng ating Panginoon ay ibinibigay sa atin ngayon sa Ebanghelyo upang maibsan ang ating mga alalahanin sa buhay sa panahong natataranta na tayo sa sitwasyon ng ating bayan. "Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo! Kung paanong inibig ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan kayo. Kung kayo'y mag-ibigan, makikilala ng lahat na kayo'y mga alagad ko."
Sa tingin ng iba ay napakabigat ng kautusang ito. Totoong malaking biyaya ito para sa ating lahat pero hindi ito simple, hindi ito madaling gawin, hindi ito pagpapa-cute lang at kaya na natin agad ibigin ang ating kapwa. Hindi ba’t numero uno nating problema ay kung papaano iibigin ang ating mga kaaway? Papaano mo iibigin ang kapwa mong patuloy kang pinagnanakawan? Papaano mo iibigin ang taong patuloy kang niloloko? Papaano mo iibigin ang kapwa mo kung hindi niya inaako ang kanyang kasalanan, hindi humihingi ng tawad, at walang pahiwatig ng sinseridad ng pagsisisi sa nagawang kasalanan sa iyo? Siguradong gigil na gigil ka sa taong ito tuwing makikita siya. Ang tendensiya pa ay gusto nating maghiganti sa mga taong nangwalanghiya sa atin. Ang hirap, di ba?
Siyempre ipinagdarasal nating lagi na magkaroon tayo ng kapayapaan ng kalooban at puso kung may mga tao sa buhay natin na napakahirap mahalin. Madalas nga nating nababanggit na ipinagpapasa-Diyos na lang natin sila. Kaya chill lang tayo dapat. Bukod sa pananalangin, huwag tayong mag-alala dapat dahil nasa biblia rin ang mga paliwanag kung papaano natin maisasakatuparan ang kautusang ito, tingnan natin ang lumang salin sa 1 Mga Taga-Corinto 13:4: “Ang pag-ibig ay mapagpahinuhod, at magandang-loob; ang pag-ibig ay hindi nananaghili; ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo.” Pasintabi sa Gen Z at baka dumugo mga ilong nila sa lalim ng mga salita. Sa madaling salita sa ating panahon, ang pag-ibig ay hindi nega, hindi laging cancel, hindi laging kumokontra, hindi nakikipag-away, nakikinig mabuti upang makapagbigay ng pahintulot o pagsang-ayon sa kabutihan (ito ang ibig sabihin ng mapagpahinuhod), sa ibang salin ay “ang pag-ibig ay matiyaga” at laging nakatuon sa ikabubuti at kapayapaan (kaya magandang-loob ang pag-ibig); samantalang ang “hindi nananaghili” naman ay hindi mainggitin (imposible kasing mahalin mo ang kapwa mo kung laging naiinggit ka sa kung anuman ang mayroon siya at wala ka, samantalang hindi mo nakikita ang nasa sa iyo na pero wala naman sa iba); ang “hindi nagmamapuri” ay hindi mayabang o mapagmataas, mapagpakumbaba o laging pagpapakumbaba ang inaasal ng nagmamahal sa gitna ng tamang katuwiran. Ang linaw at ang ganda talaga ng mga paliwanag na ito ukol sa katangian ng pag-ibig bilang gabay natin na itinutuloy hanggang bersikulo 7.
Sa pagninilay ko sa ating Ebanghelyo, ipinapahiwatig lagi sa atin na ang pag-ibig ay kahinahunan, maghanap ng oras at espasyo upang huminga nang malalim, upang maging payapa o kalmado, ika nga ay magkaroon ng peace of mind. Ito kasi ang ibinibigay sa atin ng ating Panginoong Jesus, ang tunay na kapayaan ng puso, ang tunay na pag-ibig, ang biyaya ng kanyang puso, at saka pa lamang natin nadadama ang tunay na kaligayahan.
Prayer (Panalangin)
Panginoon Jesus, ibuhos Mo sa amin ang kakayahang maging mahinahon sa lahat ng pagkakataon upang maipadama naming sa aming kapwa ang tunay na pag-ibig na Iyong ibinibigay sa amin. Papag-alabin Mong lagi ang apoy ng pag-ibig namin sa Iyo upang maipasa namin sa aming kapwa ang sigasig ng Iyong pag-ibig sa pamamagitan ng kongkretong pagtulong sa lahat ng higit na nangangailangan. Amen.
As the visions during the night continued, I saw one like a Son of man coming, on the clouds of heaven; when he reached the Ancient One and was presented before him, the one like a Son of man received dominion, glory, and kingship; all peoples, nations, and languages serve him. His dominion is an everlasting dominion that shall not be taken away, his kingship shall not be destroyed.
Responsorial Psalm: Ps 93:1, 1-2, 5
Second Reading: Rv 1:5-8
Jesus Christ is the faithful witness, the firstborn of the dead and ruler of the kings of the earth. To him who loves us and has freed us from our sins by his blood, who has made us into a kingdom, priests for his God and Father, to him be glory and power forever and ever. Amen.
Behold, he is coming amid the clouds, and every eye will see him, even those who pierced him. All the peoples of the earth will lament him. Yes. Amen. "I am the Alpha and the Omega, " says the Lord God, "the one who is and who was and who is to come, the almighty."
Gospel: Jn 18:33b-37
Pilate said to Jesus, "Are you the King of the Jews?" Jesus answered, "Do you say this on your own or have others told you about me?" Pilate answered, "I am not a Jew, am I? Your own nation and the chief priests handed you over to me. What have you done?" Jesus answered, "My kingdom does not belong to this world. If my kingdom did belong to this world, my attendants would be fighting to keep me from being handed over to the Jews. But as it is, my kingdom is not here." So Pilate said to him, "Then you are a king?" Jesus answered, "You say I am a king. For this I was born and for this I came into the world, to testify to the truth. Everyone who belongs to the truth listens to my voice."
Reflection
By Patty Dela Rosa
Kapag tayo ang nakarinig ng salitang "hari" ang unang pumapasok sa ating isip ay isang taong makapangyarihan. Isang taong maimpluwensiya at mayaman. Siya ay may kaharian at mga pamayanang nasasakupan. Pinagsisilbihan siya ng kanyang mga tagapaglingkod at may mga kawal na nagbabantay at handa siyang ipagtanggol anumang oras. Ang isang hari ay may magarang kasuotan. May korona at setrong gawa sa ginto at mamahaling bato. Nakikisalamuha siya sa mga maharlikang tao. Bawat batas na ipinatutupad niya ay may kaakibat na kamatayan sa sinumang susuway dito. Kapag ang hari ay isang mabuting hari, siya ay minamahal ng karamihan subalit kapag naman masama ang kanyang pag-uugali, siya ay iniilagan at kinatatakutan. Ganito inilalarawan ang mga hari sa isang fairy tale.
Si Hesus bilang anak ng Diyos, ay isa ring hari. Subalit ang ipinakita Niyang paghahari ay salungat sa mga haring tulad ng mga nasa fairy tales. Si Hesus ay isang hari na mulat sa kahirapan ng buhay. Mula sa Kanyang pagsilang makikita na natin ang abang pamumuhay ng Kanyang mga magulang na sina Jose at Maria. Wala Siyang matatawag na palasyo.
Walang Siyang magagarang kasuotan. Wala Siyang mga tagapaglingkod at mga kawal na magtatanggol sa Kanya anumang oras. Nakikisalamuha Siya hindi sa mga taong maharlika o mayayaman kundi makikita mo Siya kung nasaan ang mga pulubi, may mga sakit o may mga karamdaman. Mas malimit si Hesus na nasa lansangan kumpara sa ibang hari na nasa palasyo lamang. Si Hesus ay isang hari subalit taliwas sa buhay ng isang haring nabubuhay sa kasaganaan.
Literal nating masasabi na hindi natin maaninag ang katangian ng isang hari kay Hesus ayon pananaw ng mga tao noong Kanyang kapanahunan dahil na rin sa estado ng Kanyang pamumuhay. Bagamat nakagawa Siya ng maraming milgaro, hindi sapat ang mga ito para kilalanin Siyang hari. Kung kaya't bago Siya hinatulan ng kamatayan, Siya ay tinuya at nilapastangan ng mga tao. Ikinahiya at itinuring na kriminal. Nakakalungkot isipin na hindi nila lubos na kilala kung sino ang kanilang inapi.
Si Hesus ay walang korona at setrong gawa sa ginto at mamahaling bato, bagkus koronang tinik at tambo ang ibinigay sa Kanya. Isang malaking kalapastanganang ginawa ng mga kawal kay Hesus na may halong pangungutya. At matapos Siyang ipako sa krus, nilagyan pa ng karatulang "INRI" ang Kanyang ulunang bahagi; mga salitang latin na ang kahulugan ay " Hesus Nasareno, Hari ng mga Hudyo."
Si Hesus na rin ang nagsabi...
"Ang kaharian ko'y hindi sa daigdig na ito. Kung sa daigdig na ito ang aking kaharian, ipinaglaban sana ako ng aking mga tauhan at hindi naipagkanulo sa mga Judio. Ngunit hindi sa daigdig na ito ang aking kaharian!
"Ikaw na ang nagsasabing ako'y hari. Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa daigdig, upang magsalita tungkol sa katotohanan. Nakikinig sa aking tinig ang sinumang nasa katotohanan. "
Ang paghaharing sinasabi ni Hesus ay ang pagsasakatuparan ng Kanyang misyon dito sa sanlibutan. Ibang paghahari ang nais iparating ng Diyos Ama sa ating lahat. At naiparating ito sa pamamagitan ni Hesus. Nais ng Diyos na sundin natin ang Kanyang mga ipinag-uutos. Nais ng Diyos Ama na maghari sa atin ang pag-ibig sa Kanya at sa ating kapwa.
Sa pamamagitan ni Hesus, naituro Niya sa atin kung paano tayo susunod sa mga ipinag-uutos ng Diyos. Sapagkat ang ninanais ng Diyos ay maghari ang kabutihan laban sa kasamaan. Ang pagpapakita ng kabutihan at malasakit sa kapwa, pagkakaisa, pagkakaroon ng pantay-pantay na karapatan, simpleng pamumuhay, paggalang sa ating kapwa at lahat ng nilalang may buhay man o wala, ang ninanais ng Diyos na gawin natin dito sa mundo. Si Hesus, bagamat anak ng Diyos, ay nabuhay nang matuwid noong Siya ay nandito sa lupa. Nakisalamuha Siya at namuhay ng simple. Hindi Siya naghangad ng buhay na masagana dahil alam Niyang may misyon Siyang dapat gampanan para sa ating lahat.
Sa panahon ngayon, marami ang naghahari-harian sa mundo. Mga taong walang ibang hinangad kundi sila lang ang maging makapangyarihan. Ganid sa kayaman at kung maari lang bumili ng kaluluwa ginawa na nila. Mga taong busog na busog sa kayamanan pero sagad sa buto ang kasamaan. Ito ang negatibong pananaw ng paghahari. Nakakapangilabot hindi ba?
Si Hesus sa Kanyang pagiging hari ay nagbuwis ng Kanyang buhay upang iligtas tayo sa ang ating mga kasalanan. Ang pangyayaring ito ay nakatatak na sa isipan nga bawat mananamplatayang Kristiyano. Walang ibang ninais ang Diyos kung hindi ang mabuhay tayo ayon sa mga aral ni Hesus.
Kung ang lahat ng tao ay taos pusong magnanais na maghari ang kapayapaan, pag-ibig at pagkakaisa sa mundo, maiiwasan na ang iba't-ibang problema ng bawat bansa. Lahat magkakaroon ng pantay-pantay na karapatan anumang lahi o lipi, anumang kulay ng balat, mayaman man o mahirap. Wala ng kasakiman, wala ng mga gulo at pag-aawayan ang bawat bansa. Kung ang lahat ay mabibigyan ng kalayaan at pagkakataong makapaghanap-buhay, wala ng taong magugutom at maghihirap. Mabibigyan ng magandang edukasyon ang mga kabataan. Uunlad ang lahat ng bansa at bawat tao sa buong mundo. Ang buhay natin ay hindi fairy tale, bigyan natin ito ng reyalidad tulad ng ginawa ni Hesus noong Siya ay isinugo dito sa lupa. Binigyang katuparan Niya ang ninanais mangyari ng Diyos para sa ating lahat.
Ngayong ipinagdiriwang natin ang "KRISTONG HARI" bilang pag-alala sa kadakilaan ni Hesus... ang tunay na HARI, idalangin natin na Siya ay maghari sa bawat puso ng lahat ng tao sa mundo.
Prayer
O Hesus, Kristong aming Hari, tunay ngang Ikaw ay dakila. Ikaw na tanging nagbuwis ng buhay upang iligtas kami sa aming mga kasalanan bilang pagtupad Mo sa Iyong tungkulin.
O Hesus, kami ay nagpapasalamat at sa Iyo ay lumalapit, maghari Ka nawa sa aming mga puso. Talikdan nawa naming ang lahat ng masama at paghariin namin ang pag-ibig sa mundo. Tulungan mo kaming ilapit ang aming sarili sa Iyo. Ikaw ang aming huwaran sa kabutihan at kababaang-loob. Gabayan Mo kami sa pang-araw-araw na buhay.
O Hesus, aming Diyos at taga-pagligtas, Ikaw ang tunay na Hari. Sa Iyo kami ay nagbibigay-pugay at nananalangin. Amen.
ANABELLE PAYOD-BALLA is married and is blessed with four lovely daughters. Currently the Faith section Editor, Ana is one of the Tanghalang Anluwage’s members since its inception in 1991.
ART B. REYES is a semiconductor engineering professional. He is one of the founding members of Tanghalang Anluwage.
ELIZABETH R. EGUIA is an employee of a software provider company in Malaysia and has dedicated herself in bringing the Gospel to the barangay level.
NICOLA ALBANO-RACHIELE was a cardiac nurse for almost 8 years in Manhattan, NY before moving to Bethlehem, PA where she continues her career at St. Luke's University Health Network Electrophysiology Laboratory.
GRACE B. MADRINAN is an Industrial Engineering graduate of Polytechnic University of the Philippines, and currently works for a semiconductor company in Cavite.
EDGARDO TULABUT is a Logistics supervisor, Financial educator, Health Advocate, Future Feast Builder under the Light of Jesus-Pampanga, Blogger, Christian Music Enthusiast, & a Coffee Freak.
FIDJI RIVERA - SARMIENTO is a special educator, answered her calling to teach beyond their home-front by establishing her own intervention center. An advocate of the inclusion education system & of the handmade revolution.
MAYZELLE ATIENZA worked for 12 years as a product engineer in Intel Technology Philippines. She is currently serving as a full-time volunteer staffer for her Catholic charismatic community.
JEANNE THERESE HILARIO ANDRES was a youth worker of Christ’s Youth in Action and now a married mom of two. She and her husband are members of The Sword of the Spirit.
BENJ SANTIAGO is involved with keeping families together, & helping achieve financial independence. A member of Brotherhood of Christian Businessmen & Professionals, and Magis Deo Community.
FELY SANTIAGO is a Financial Teacher at International Marketing Group, a
Financial Mentor, Wealth Circle & Truly Rich Club, Bo Sanchez, Inc, and Head, Financial Mentoring Ministry, The Feast Bay Area.
ROSALINDA MARKELL was a Regent of the Daughters of Mary Immaculate of St. Joseph Church,Gagalangin, Tondo. Now residing in the US, was blessed with 5 children & now have 13 grandchildren, & 3 great-grand-children.
PATTY DE LA ROSA-PAAT is the writer for the web's "Ano Yun?" sub-section. She also serves as a catechist in her parish in Laguna, Philippines.
PAM MANZANO is Bachelor of Arts Major in Psychology graduate. She is the only daughter of TA senior member, the late Eliza Manzano and has a son named Piel.
GRACE JAMANDRI - FLORES is a public high school teacher in social studies. She was a parish youth leader and catechist in her younger years.
RENATO C. VIBIESCA
is teaching Literature & Creative Writing at the PUP, Jose Rizal University & St. Paul University in Quezon City. He's also contributing stories for Gospel Komiks and other publications.
THERESA BALLO is a graduate of BS Psychology in UST. She is currently working as a formation staff at the Campus Ministry and Service Office of Xavier School Nuvali.
CRIS BALLA manages a mobile apps and games design and development company. He also writes programs and designs graphics elements. He is the husband of Ana, Faith Section Editor.
MARK RODNEY P. VERTIDO is a teacher who now teaches at Holy Spirit Academy Manila. He is deeply involved in their Diocesan Youth Commission as a volunteer and other youth endeavors.
CARLO ALEXIS MALALUAN is a seminarian for the Diocese of Imus, Cavite. He have earned a degree in Bachelor of Science in Psychology before entering the Seminary. He is one of the facilitators of Online Usapang Bokasyon, an online vocation talk show of the Ministri sa Bokasyon of the Diocese of Imus. During his free time, he would spend reading books and illustrating.
MA. ROSALINA FLORES is a Technical Assistant at the Program Division of the Girl Scouts of the Philippines National Headquarters. She's also a member of the Manila Cathedral's Ministry of Lectors and Commentators.
JESSSA JANELLE PADILLA is a government employee. She is also a member of the Manila Cathedral - Basilica's Ministry of Lectors and Commentators.
JOSE PAULO M. GONZALES is a seminarian. He loves biking, swimming, and checking out new places and awesome sceneries. A lifelong learner and curious navigator, he believes there’s still a lot of wonder in life to be found.